(NELSON S. BADILLA) NANANAWAGAN ang Filipino League of Advocates for Good Governance – Maharlika (FLAG – Maharlika) kay Associate Justice Marvic Leonen na magbitiw ito sa pagiging hepe ng bar examinations para ngayong taon, sapagkat hindi “fit mentally and physically” ang naturang mahistrado upang harapin at pamunuan ang napakahalagang pagsusulit ngayong taon ng mga magiging abogado. Ipinaalala ni Edwin Cordevilla, pangkalahatang-kalihim ng FLAG – Maharlika, na si Leonen ay pihadong magiging abala nang husto upang harapin at ipagtanggol ang kanyang sarili laban sa mga kasong inihain laban sa kanya sa…
Read MoreMonth: April 2021
ANTIGEN TEST KITS IPINAMAHAGI
SINIMULAN na ng National Task Force on COVID-19 ang pagpapakalat ng antigen test kits sa iba’t ibang LGUs at ospital. Ito ang sinabi ni Deputy Chief Implementer at testing czar Secretary Vince Dizon sa harap ng mas pinaigting pang testing efforts ng pamahalaan bilang pagtugon kontra COVID-19. Importante, ayon kay Dizon na bukod sa rt-PCR ay magamit na rin ang antigen test upang sa lalong madaling panahon ay madetermina kung ang isang indibidwal ay positibo sa virus. Aniya, bahagi ito ng active case finding effort ng pamahalaan kung saan, target…
Read MoreSUPPLY AGREEMENT SA BAKUNA NG J&J
ISINAPINAL na ni Vaccine czar at Chief Implementer Carlito Galvez ang supply agreement sa Johnson & Johnson. Noong isang linggo ay nakipagpulong si Galvez sa Johnson & Johnson para plantsahin ang hakbang ng pamahalaan na makakuha rin ng bakuna mula sa nasabing American vaccine manufacturer. Bukod sa Johnson & Johnson ay tinatrabaho rin nila na maisapinal ang kasunduan sa kumpanyang Gamaleya na siya namang manufacturer ng Sputnik V. Samantala, apat na vaccine manufacturers ang natapos nang makapirmahan ng pamahalaan para sa supply agreement at ito ay ang Sinovac, AstraZeneca, Moderna…
Read MoreNgayong extended ang ECQ HOUSE-TO-HOUSE SEARCH SA COVID POSITIVE PAIIGTINGIN
PAIIGTINGIN pa ang paghahanap sa mga taong may sintomas ng COVID-19 sa pamamagitan ng house-to-house search na isasagawa sa mga barangay. Ito ay matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Sabado, ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na i-extend and enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal ng isa pang linggo simula ngayong Lunes hanggang Abril 11, 2021. Inirekomenda kasi ng IATF na pahabain pa ang ECQ ng “minimum” na isang linggo sa buong Metro Manila at sa mga lalawigan ng Laguna,…
Read More‘DIRTY COAL’ PINATUTULDUKAN NG SIMBAHAN
PINANGUNAHAN ng mga lider ng Simbahan at kabataan sa bayan ng Atimonan, Quezon, nitong nakaraang Mahal na Araw, ang panawagang pagbabalik-loob sa ekolohiya at muling iginiit na tuldukan na ang patuloy na pagtatayo at paggamit ng nakasisirang ‘coal’ o karbon bilang enerhiya sa bansa. Ang panawagan ay isinagawa sa online devotion session nitong Holy Week na tinawag na ‘Daan ng Krus tungo sa Pagbabagong Ekolohikal (Way of the Cross towards Ecological Conversion) ng Our Lady of Angels Parish sa Atimonan, na inspirasyon sa 2019 Pastoral Letter on Ecology ng Catholic…
Read MoreMURDER SUSPECT BAGSAK DIN SA KAMAY NG PNP-AKG
NASUBUKAN ang strategic skills ng mga tauhan ni Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group director, P/BGen. Jonnel C. Estomo, sa pagkakadakip sa isang murder suspect noong Abril 1 sa Sitio Naga, Brgy. Tinag-an, Albuera, Leyte. Ang suspek na kinilalang si Edwin Hermentisa y Horcas, most wanted person dahil sa kasong murder, ay nadakip ng mga operatiba ng Visayas Field Unit, sa pangunguna ni PCMS. Gilberto Bibar, sa pakikipagtulungan ng mga tauhan ng Albuera MPS at Burauen MPS, sa ilalim ni P/Col. Salvador T. Alacyang, chief, VFU-AKG. Si Hementisa ay naaresto…
Read MoreTulak na hindi nangilin NAPATAY SA ZAMBALES DRUG BUST
ZAMBALES – Patay ang isang hinihinalang drug pusher makaraang manlaban sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ni P/Col. Romano V. Cardiño, provincial director ng Zambales PPO, noong Abril 1 sa bayan ng San Marcelino sa lalawigang ito. Ayon sa ulat, dakong alas-4:10 ng madaling araw, nagkasa ang mga awtoridad, sa pangunguna ni P/Maj. Janice Pica, chief of police ng Marcelino MPS, ng buy-bust operation sa Brgy. San Guillermo, San Marcelino, Zambales, base sa impormasyon mula sa isang confidential agent hinggil sa bentahan ng ilegal na droga sa lugar. Kasama…
Read MoreEPEKTIBONG PLANO SA HEALTH CARE SYSTEM HIRIT SA SENADO
HINIKAYAT ni Senator Joel Villanueva ang Department of Health (DOH) na magpatupad ng malinaw na plano upang sagipin ang healthcare system ng Metro Manila dahil napupuno na ang mga ospital sa NCR ng mga maysakit at sagad na rin ang hanay ng healthcare workers. Iminungkahi rin ni Villanueva, chairman ng Senate Labor Committee, na magpulong ang crisis managers ng gobyerno at magkaroon ng isang “level-headed” assessment ng kasalukuyang mga hakbang na ginagawa. Aniya, mainam na ipatawag ang hospital administrators upang magkaroon pa ng ibang perspektibo sa usapin at makapagbalangkas ng…
Read MoreSa extended ECQ – OCTA COVID -19 REPRODUCTION NUMBER POSIBLENG BUMABA
MAAARING bumaba ang reproduction number ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Metro Manila at mga karatig lalawigan sa 1.33, isang linggo mula ngayon, mula 1.65, ayon sa OCTA Research Group. Ang reproduction number ay ang bilang ng mga kaso na direktang pinagmumulan ng COVID-19 cases sa populasyon kung saan posibleng magkaroon ng impeksyon ang mga tao. Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, mula 1.65 ay maaaring pumalo sa 1.09 ang reproduction number sa Abril 16 kapag pinalawig pa ang community quarantine (ECQ) ng pitong araw dahil mapipigilan ang…
Read More