P1.3-M SHABU KUMPISKADO SA BACLARAN DRUG OPS

ARESTADO ang dalawang babae at isang lalaki nang makumpiskahan ng 200 gramo ng shabu na tinatayang P1.3 milyon ang halaga sa buy-bust operation ng Parañaque City Police Drugs Enforcement Unit, sa pangunguna ni P/Major Brant Salazar, dakong alas-2:00 ng hapon nitong Lunes. Ayon kay Maj. Salazar, nakatanggap sila ng report mula sa kanilang impormante hinggil sa pagbebenta umano ng shabu ng isa sa mga babaeng suspek. Agad nagsagawa ng surveillance operation ang mga awtoridad sa harap ng fastfood restaurant sa service road ng Roxas Boulevard sa Barangay Baclaran sa nabanggit na lungsod.…

Read More

BIGTIME TULAK HULI SA P4.3-M SHABU SA QC

ARESTADO ang isang umano’y bigtime tulak ng ilegal na droga sa mga tauhan ng PNP-DEG SOU 5, RDEU 5 at SDEU ng Holy Spirit Police Station (PS-14) ng QCPD sa isinagawang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakakumpiska ng P4,352,000 halaga ng shabu sa Quezon City noong Linggo. Kinilala ni P/Lt. Col. Jeffrey Bilaro, station commander ng PS-14, ang suspek na si Khalid Sana Guiabal, 36-anyos, tubong Maguindanao at residente sa #112 Don Victorino Ext., Don Antonio Heights, Brgy. Holy Spirit, Quezon City. Ayon sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon noong Mayo 30, nagsagawa ang…

Read More

3 DAGDAG SA COVID DEATHS SA CALOOCAN

TATLO ang naitalang namatay sa Caloocan City dahil sa COVID-19 noong Mayo 30, ayon sa City Health Department at City Epidemiology and Surveillance Unit. Pumalo na sa 32,046 ang total confirmed cases sa lungsod, kung saan 30,157 na ang gumaling, 940 ang namatay at 949 ang active cases. Nanatili naman sa 438 ang COVID death toll sa Malabon City matapos na walang naiulat na mamatay dahil sa pandemya. Umabot naman sa 17 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 13,064 ang positive cases sa Malabon, 127 dito ang active…

Read More

PULIS QC NAG-SUICIDE – QCPD

NAGLABAS na ng resulta ng imbestigasyon ang Quezon City Police District (QCPD) kaugnay sa ‘shooting to death’ ng isang miyembro ng QCPD-Kamuning Police Station 10. Ang biktima ay kinilala ni QCPD Director, P/Brigadier General Antonio Yarra na si P/Corporal Higinio Wayan y Calion, 31-anyos, nakatalaga sa QCPD-Kamuning Police Station 10 at residente ng B63 L1, Kasayahan St., Brgy. Batasan Hills, Quezon City. Ayon sa report, ang biktima kasama sina P/Cpl. Harold Mendoza, P/Cpl. Sherwin Rebot at Lorenzo Lapay ay nag-inuman sa inuupahang bahay ng huli sa No. 109 2nd St.,…

Read More

Matapos ang community pantry ni Pumaren 2 COVID POSITIVE SA OLD BALARA

NILINAW ng isang opisyal ng Quezon City Government na hindi raw galing sa Community Pantry na isinagawa ni Majority Floor Leader Councilor Franz Pumaren ang nagpositibo sa COVID-19 na naitala sa Brgy. Old Balara ng nasabing siyudad. Sa phone interview kay Bert Apostol, hepe ng Public Affairs and Information Department ng Quezon City Government, ayon sa kanyang natanggap na initial information, mayroong nagpositibo sa COVID-19 sa nabanggit na barangay ngunit hindi dumalo sa Community Pantry na isinagawa ni Pumaren. Aniya, sinisikap niya pang makuha ang kumpletong detalye at kung ano ang…

Read More

P1-B INSURANCE, IBIBIGAY SA AGRARIAN BENEFICIARIES

ISANG bilyong piso ang ibibigay ng Department of Agrarian Reform (DAR) na “agricultural insurance” sa mahigit kalahating milyong agrarian reform beneficiaries (ARBs) na kasama sa programa. Mangyayari ito dahil nagkaroon ng kasunduan ang DAR at ang Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) upang tulungan ang mga magsasaka sa kanilang naperwisyong mga pananim. Ayon kay DAR Secretary John Castriciones, malaki ang pakinabang ng mga magsasaka sa P1 bilyong agricultural insurance dahil “mapagagaan at maililipat [nito] ang peligrong dulot ng pagkalugi sa agrikultura dahil sa mga peste, sakit sa pag-atake at epekto ng…

Read More

Isang taon lang ang immunity sa panibagong kaso LEONEN ‘DI PA LUSOT

(BERNARD TAGUINOD) HINDI pa lusot si Supreme Court (SC) Associate Justice Mario Victor “Marvic” Leonen dahil maaari pa itong sampahan ng impeachment complaint sa susunod na taon. Sa press conference ng Makabayan bloc, inamin ni House deputy minority leader Carlos Zarate na isang taon lang ang immunity ni Leonen para hindi masampahan ng impeachment case. “As far as the committee on justice, tapos na ang kasong yun at mag-aapply na sa tingin ko ang one year bar rule na hindi puwedeng sampahan ng kaso for impeachmen si Associate Justice Leonen,”…

Read More

Sa gitna ng naitalang local transmission ng Covid variants PAGPAPABAKUNA IGINIIT SA PUBLIKO

INAMIN ni Presidential spokesperson Harry Roque na talagang nakababahala ang ulat na mayroon nang community transmission ng UK at South Africa variant ng COVID-19 sa NCR plus. Kaya ang panawagan nito sa publiko lalo na sa mga hanggang ngayon ay nag-aalinlangan pa rin na magpabakuna ay samantalahin na ang pagkakataon na magpabakuna gamit ang available na bakuna sa bansa. “Well, ito po isang dahilan kung bakit kinakailangan iyong mga pupuwede na ay magpabakuna na po. We are racing against the new variants ‘no at ito po ay dapat maging dahilan…

Read More

COLONEL SA PNP RECRUITMENT RACKET, TUKOY NA

(NELSON S. BADILLA) NATUMBOK na ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang opisyal na sangkot umano sa recruitment racket sa nasabing ahensya. Ayon sa source ng SAKSI Ngayon, matagal na ang naturang racket sa PNP. Sabi ng source na dating pulis, mayroon talagang pumapatol sa libu-libong “recruitment fee” upang makalusot ang aplikante sa PNP, partikular na sa Health Service (HS) dahil idiniin niyang “kritikal” ang resulta ne medical examinations at neuro psychological evaluation. Upang pumasa at huwag magkaroon ng aberya sa aplikasyon ng taong gustong magpulis, mapipilitan siyang magbayad…

Read More