Isang taon lang ang immunity sa panibagong kaso LEONEN ‘DI PA LUSOT

(BERNARD TAGUINOD)

HINDI pa lusot si Supreme Court (SC) Associate Justice Mario Victor “Marvic” Leonen dahil maaari pa itong sampahan ng impeachment complaint sa susunod na taon.

Sa press conference ng Makabayan bloc, inamin ni House deputy minority leader Carlos Zarate na isang taon lang ang immunity ni Leonen para hindi masampahan ng impeachment case.

“As far as the committee on justice, tapos na ang kasong yun at mag-aapply na sa tingin ko ang one year bar rule na hindi puwedeng sampahan ng kaso for impeachmen si Associate Justice Leonen,” ani Zarate na isa sa 44 congressmen na bumoto para idismis ang impeachment case ng mahistrado.

Nangangahulungan na puwede ulit sampahan ng panibagong impeachment case si Leonen pagkatapos ng isang taon o mula sa Mayo 27, 2022 dahil isang taon lang ang immunity nito sa panibagong kaso.

Sa susunod na taon na maaring makasuhan muli si Leonen lalo na kung walang babaliktad sa 44 congressman na bumoto ng pabor sa dismissal at maghain ng motion for reconsideration (MR) sa komite.

Si Leonen ay may termino sa Korte Suprema hanggang Disyembre 29, 2032 o 11 taon pa bago ito magretiro pagsapit ng kanyang 70 kaarawan.

Magugunita na Mayo 27, ay dinismiss ng komite sa botong 44 pabor, walang kumontra at dalawang hindi bumoto ang impeachment case na isinampa ni FLAGG secretary general Edwin Cordevilla dahil sa katuwirang hindi authenticated ang mga dokumentong isinumite nito at wala siyang personal knowledge sa nasabing kaso.

Sa 44 na bumoto, 38 sa mga ito ay mga administration congressmen mula sa majority bloc sa Kamara habang 6 naman ang mula sa minority bloc.

Kabilang sa 38 administration congressmen ang 22 Deputy Speakers na sina Doy Leacon, Ferdinand Hernandez, Evelina Escudero, Arnolfo Teves Jr., Bernadette Herrera, Kristine Singson-Meehan, Divina Grace Yu, Rogelio Pacquiao, Bienvenido Abante Jr., Michael Romero, Neptali Gonzales II, Lito Atienza, Rosemarie Baby Arenas, Rodante Marcoleta, Pablo John Garcia, Deogracrias Victor Savellano, Mujiv Hataman, Strike Revilla, Isidro Ungag, Marlyn “Len” Alonte, Rufus Rodriguez at Weslie Gatchalian.

Ang mga Deputy Speaker ay mga ex-officio ng Speaker of the House sa lahat ng komite sa Kamara.

 

137

Related posts

Leave a Comment