INAMIN ni Presidential spokesperson Harry Roque na talagang nakababahala ang ulat na mayroon nang community transmission ng UK at South Africa variant ng COVID-19 sa NCR plus.
Kaya ang panawagan nito sa publiko lalo na sa mga hanggang ngayon ay nag-aalinlangan pa rin na magpabakuna ay samantalahin na ang pagkakataon na magpabakuna gamit ang available na bakuna sa bansa.
“Well, ito po isang dahilan kung bakit kinakailangan iyong mga pupuwede na ay magpabakuna na po. We are racing against the new variants ‘no at ito po ay dapat maging dahilan kung bakit dapat paigtingin pa natin iyong MASK, HUGAS, IWAS,” ayon kay Sec. Roque.
“Uulitin ko po, talaga pong nakakabahala itong mga bagong variants,” dagdag na pahayag nito.
Kung maalala aniya ng lahat, noong unang pumasok sa bansa ang bagong variants ng COVID-19, nitong Pebrero ay talaga naman aniyang lumobo ang numero ng kaso ng nagkaroon ng COVID-19.
Bagama’t napapababa naman aniya ngayon ang bilang ay hindi pa rin ito bumaba sa numero bago pa noong Pebrero o bago magkaroon ng new variants. (CHRISTIAN DALE)
157
