ISANG tawag sa telepono ang aking natanggap mula sa nanay ng isang kabayani sa Riyadh, Saudi Arabia. Hindi mapigil ni nanay Regina ang mapahagulgol nang husto para matulungan ang kanyang anak na si Frederica Darjuan. Si Frederica ay namasukan bilang caregiver sa Saudi Arabia. Ayon kay nanay Regina, mahigit dalawang taon nang nakakulong ang kanyang anak sa Malaz Deportation Jail. Hindi niya batid ang tunay na dahilan ng pagkakakulong ng kanyang anak. Labis–labis ang pag-aalala niya sa kanyang anak dahil iniinda niya ang karamdaman ng anak. Mayroong nakitang pitong malaking…
Read MoreMonth: July 2021
NAKAPUWESTO PA RIN ANG MGA PULIS NA MAYROONG BUWANANG TARA
ILANG buwan na lang, tapos na ang termino ni General Guillermo Lorenzo Eleazar sa pagiging hepe ng Philippine National Police (PNP). Nakatakdang magretiro si Eleazar sa Nobyembre 13 dahil 56 taong-gulang na siya. Maliban na lang kung mapapaaga ang pag-alis ni Eleazar sa PNP kung maghahain siya ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa Oktubre upang higit na makapaglingkod sa mamamayang Filipino. Abangan! Nang italagang hepe ng PNP si Eleazar, idiniin niya na lilinisin niya ang organisasyon ng mga pulis. Tatanggalin niya ang mga gagawa ng kahit anong kasalanan at…
Read MorePANANATILI NG NCR SA GCQ APRUBADO NI DUTERTE
INAPRUBAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang community quarantine classifications para sa iba’t ibang lugar sa bansa para sa mga natitirang araw sa buwan ng Hulyo. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, ang mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) ay ang National Capital Region, Baguio City at probinsya ng Apayao, City of Santiago, probinsya ng Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino, probinsya ng Bulacan, ang mga probinsya ng Cavite, Rizal, Quezon, at Batangas, ang Puerto Princesa, ang mga probinsya ng Guimaras at Negros Occidental, ang probinsya…
Read More1K TRAFFIC ENFORCERS KAILANGAN NG MMDA
KUNG may nangyayaring sibakan sa puwesto ay nag-hire naman si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Benhur Abalos ng 1,000 traffic enforcers para sa MMDA. Napaulat kasi na may 240 tauhan ng District Traffic Enforcement Unit sa lungsod ng Maynila ang sinibak sa puwesto. “Sa amin po sa MMDA ay nag-hire pa kami ng 1,000 na additional na traffic enforcers. Kaya kung makikita ninyo po, ito’y nakakalat sa Kalakhang Maynila lalo na po sa mga panahon ngayon,” ayon kay Abalos. Nauna rito, kinumpirma ni Manila Police District (MPD) Director Police Brigadier…
Read MorePAGLABAS NG 15-17-ANYOS AT 65-ANYOS PATAAS PARA LANG SA PHILSYS REGISTRATION
INANUNSYO ng Philippine Statistics Authority (PSA), noong Miyerkoles na ang mga kabataang may edad 15 hanggang 17 at mga lolo’t lola o senior citizens na may edad na 65 pataas ay maaari nang makalabas ng kanilang bahay para kumpletuhin ang kanilang Step 2 registration sa Philippine Identification System (PhilSys). Ito’y matapos na magpalabas ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ng IATF-EID Resolution No. 114 na kinikilala ang PhilSys registration bilang isang mahalagang government service na pangsuporta sa vaccine deployment. “The IATF allows individuals 15…
Read MoreLUGAR NA PWEDE SA MGA TSIKITING TUTUKUYIN
NAKATAKDANG magpalabas ng listahan ang mga alkalde ng Kalakhang Maynila ng mga lugar na maaaring puntahan ng mga batang may edad limang taon pataas. Ito’y matapos payagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na makalabas ang mga bata sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at modified GCQ (MGCQ). Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos na kamakalawa ng gabi ay pumirma ang halos lahat ng alkalde ng Kalakhang Maynila sa MMC resolution para sa talaan ng ‘open areas’…
Read MoreTambalan ng mag-ama sa 2022, pagbasura sa Konstitusyon -solon MONARKIYA TARGET NG PAMILYA DUTERTE
(BERNARD TAGUINOD) HINDI lang political dynasty ang itinatayo ng pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte kundi monarkiya sa bansa dahil sa inilulutang na tambalan nila ng anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa 2022 presidential election. “Higit pa nga yata sa dinastiya ang gusto nila, it looks as if they are trying to establish a monarchy, passing on and expanding their power by bastardizing our elections,” ani Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite. Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos umanong sabihin ng spokesman ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) na…
Read MoreGUSTONG MAGPABAKUNA DUMAMI – SURVEY
NAGALAK ang Malakanyang dahil tumaas na ang bilang ng mga nagnanais magpaturok ng bakuna laban sa COVID-19. Base kasi sa huling survey ng Social Weather Stations (SWS), pumalo na sa 45 porsyento ng mga Filipino o halos kalahati ang nagpahayag na handa silang magpaturok ng COVID-19 vaccine. Sinasabing mas mataas ito kumpara sa 32 porsyentong naitala sa May 2021 survey. “Kung hindi ako nagkakamali eh noong Talk to the People ..ako ang nagbalita kay Presidente noh? na sa Pulse Asia.. tumaas ng 40 something pero nagsimula yan ..parang 13 lamang…
Read MoreBahagi ng pakikialam sa 2022 election – solon ‘TROLL FARMS’ PAKAWALA NG CHINA
INILUTANG ng isang mambabatas sa Makabayan bloc sa Kamara ang posibilidad na China rin ang nasa likod ng naglipanang ‘troll farms’ sa social media na bahagi ng kanilang pakikialam sa 2022 election. Hindi isinasantabi ng Makabayan bloc na makikialam ulit ang China sa susunod na halalan sa Pilipinas upang hindi mawala ang kanilang impluwensya sa mga susunod na lider ng bansa at masiguro ang kanilang interes sa iba’t ibang usapin lalo na sa West Philippine Sea (WPS). Sa press conference kahapon ng nasabing grupo, sinabi ni Bayan Muna party-list Rep.…
Read More