DEAD on the spot ang isang sundalo habang sugatan ang apat na iba pang sakay ng naaksidenteng military truck sa kahabaan ng Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway sa Villasis, Pangasinan.
Ayon sa ulat, nagpahatid na ng pakikiramay ang Philippine Army sa pamilya ng nasawing sundalo.
“His service and sacrifice for the country can never be measured nor forgotten,” ayon kay Army spokesperson, Col. Louie Dema-ala.
Siniguro rin ng Philippine Army ang tulong sa mga sugatang tauhan na kasalukuyang nagpapagaling pa at under medical observation.
Nakikipag-ugnayan na ang militar sa mga awtoridad para sa masusi at patas na imbestigasyon sa naging sanhi ng sakuna.
Hindi na naglabas pa ng ibang mga detalye kaugnay sa pangyayari.
(JESSE RUIZ)
77 