ABOGADA, MISTER NILIKIDA SA DAVAO

INAALAM pa ng Davao City PNP ang posibleng motibo sa pagpatay sa isang abogada at mister nito na pinagbabaril ng hindi kilalang mga suspek sa nasabing lungsod noong Miyerkoles. Nananatiling blangko pa ang mga awtoridad hinggil sa motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek na bumaril sa mag-asawang sina Atty. Sitti Gilda Mahinay-Sapie at Muhaimen Mohammad Sapie bandang alas-6:00 ng gabi sa harap kanilang bahay sa Phase 2, Solariega Subdivision ng nasabing siyudad. Ayon sa Davao City Police Office, patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente at isa sa tinututukan nilang mga…

Read More

Anak ng dating gabinete ni Tita Cory SINITA NG PULIS NAGWALA, NAGMURA

ARESTADO ang umano’y anak ni dating Transportation and Communication Secretary Oscar Orbos makaraang pumalag at murahin ang mga pulis na sumita sa kanya dahil sa traffic violation sa Muntinlupa City kamakalawa. Ang suspek na si Franz Luke Orbos y Sioson ay sinampahan ng kasong alarm and scandal, resistance and disobedience in person in authority or agent, at direct assault. Ayon sa ulat ng mga awtoridad, sinita ng mga pulis sa Muntinlupa ang suspek dahil sa traffic violation habang minamaneho ang kanyang Toyota SUV na may plakang NCR 6181. Ngunit pumalag…

Read More

10 PUGANTENG HAPONES PINABALIK SA JAPAN

PINABALIK na sa kanilang sariling bansa ang sampung Hapones na wanted sa mga awtoridad sa Tokyo dahil sa pagkakasangkot sa big-time telecommunications fraud. Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ang ipina-deport na mga Hapon ay pinasakay sa isang Japan Airlines flight patungong Narita na umalis sa Ninoy Aquino International Airport dakong alas-10:00 ng umaga nitong Huwebes. Ang mga ito ay binantayan sa kanilang flight ng Japanese policemen na kamakailan ay dumating sa Manila para sunduin sila. Kabilang sa ipinatapon pabalik sa kanilang bansa ay sina Mishima Takumi, Tabata Ryota, Kawasaki…

Read More

5% IDEAL RATE NG WHO SA COVID, NAABOT NG QC

BUNSOD nang patuloy na magandang sitwasyon sa COVID-19 ng Quezon City, nakapagtala ito ng “positivity rate” na umabot ng 5%, ang ideal rate ayon sa World Health Organization (WHO). Ayon sa OCTA Research Group, ang city’s positivity rate na dating 6% simula noong Hunyo 22-28 ay nakaabot na sa standard rate at mas maganda kung ikukumpara sa NCR rate na 6%. “This is good news for us. We were at 5% a week before the surge happened last February and March. This means that our cases and transmissions are well-monitored…

Read More

SENIOR, 3 PA TIMBOG SA P.5-M SHABU

TIMBOG ang isang babaeng senior citizen at tatlong iba pa sa ikinasang buy-bust operation ng mga pulis noong Miyerkoles ng gabi sa Brgy. San Dionisio, Parañaque City. Ayon sa ulat ni Southern Police District Director (SPD) P/BGen. Jimili L. Macaraeg, naging matagumpay ang buy-bust operation sa Quirino Ave. cor. Lim Compound, Manggahan St., Brgy. San Dionisio Parañaque City dakong alas-6:15 noong Miyerkoles ng gabi at nagresulta sa pagkakaaresto sa apat na drug personalities. Kinilala ang mga arestado na sina Maria Elena Conche, senior citizen; Myla Rodolfo, junk shop helper; Gina…

Read More

GANG LEADER, 1 PA TIKLO SA CALOOCAN

SWAK sa selda ang isang Tsinoy na pinuno umano ng isang crime group, at ang kanyang kanang kamay nang makumpiskahan ng baril at shabu sa Caloocan City. Kinilala ang mga suspek na sina Ronel Oliva y Uy, 31, at Jomar Fausto y Villagracia, 42-anyos. Ayon sa ulat, may nagsumbong sa mga awtoridad na nasa Taguig St. sa Brgy. 35, Maypajo dakong alas-8:00 ng gabi noong Hulyo 13, ang armadong si Oliva at nakikipagkwentuhan sa kasamang lalaki. Dagling tinungo ng mga pulis ang nasabing lugar at inabutan ang suspek na nakaupo…

Read More

ROAD RAGE SUSPECT TINADTAD NG KASO

SINAMPAHAN ng iba’t ibang kaso ng Quezon City Police District (QCPD) sa Office of the Assistant City Prosecutor (ACP) noong Hulyo 14, 2021 ang isang lalaking sangkot sa road rage incident sa nasabing siyudad kamakailan. Kinilala ni QCPD chief, Gen. Antonio Yarra, ang suspek na si Arvin Tan, 46-anyos, residente ng No. 49 C 11 corner Gilmore St., New Manila, Quezon City, kasalukuyan nasa kustodiya ng Kamuning Police Station (PS 10). Kabilang sa isinampang mga kaso kay Tan ang paglabag sa RA 10586 (An Act Penalizing Persons Driving Under the…

Read More

‘DI KO MAGETS ANG DTI

ANG daming problema sa pagnenegosyo sa ­ating bansa ngayon dahil ­napakaraming negosyo ang nagsara dahil sa coronavirus disease – 2019 (COVID – 19). Marami ring mga negosyante ang nagsasamantala ngayong panahon ng ­pandemya dahil nagtataas sila ng presyo ng kanilang mga produkto na ang naaapektuhan ay ang kawawang consumers. Nandyan ang mga walang basehang pagtataas ng presyo ng mga agricultural products, construction ­materials, mga pagkain na nabibili sa mga palengke at kung anu-ano pang mga bagay na kailangan ng mga tao araw-araw. Maraming naloloko sa online shopping dahil ang mga…

Read More

FREE CORN SEED NG DA, FOR SALE

MAY nakarating na impormasyon sa PUNA na ibinibenta raw, sa halip na libreng ipamigay, ng Department of Agriculture (DA) ang binhi ng “mais” sa mga magsasaka sa Region 2. Bagamat walang binanggit na pangalan ng taong nasa likod ng bentahan ng binhi ng mais sa Isabela, dapat kumilos ang DA main office sa isyung ito. Walang ibang makagagawa niyan, kundi mula sa ­tangapan ng DA – Regional Office 2. Sila lang ang may access sa nasabing mga binhi na dapat ipinamimigay nang libre sa mga magsasaka. Tandaan n’yo po na…

Read More