SUPORTADO ni Senador Grace Poe ang Binhi ng Pag-asa (BNP) program ng Department of Agriculture na may layunin na mahimok ang kabataan na maging bihasang agripreneurs sa pamamagitan ng pagbibigay ng capacity-building workshops at armasan ang kalahok ng agricultural start-up kits. Inilunsad ang programa noong Hunyo 30 na may layunin na maabot ang 1,855 benepisaryo sa 115 lungsod at munisipalidad sa buong bansa. Ibig sabihin ng “Binhi” sa BNP ay punla o seedlings na pangunahing kailangan upang makapagtanim ng pagkain tulad ng butil tulad ng bigas na pangunahin sa hapag-kainan…
Read MoreMonth: July 2021
HEALTH DATA SA VACCINATION CARD PINABABANTAYAN
HINIKAYAT ni Senador Grace Poe ang lahat ng local government units na tiyaking “guwardiyado” ang sensitibong health data sa vaccination cards upang maiwasang mapirata ang kanilang impormasyon. Sa pahayag, sinabi ni Poe na habang bumibilis ang pagbabakuna ng pamahalaan laban sa COVID-19, pinagkakatiwalaan natin ang LGUs na nakapaglikha ito ng sistema upang matukoy kung sino ang natapos ng una at ikalawang dose. Aniya, maganda ang standard digital certificate na ipinamamahagi, kaya dapat may integridad at proteksiyon ang paper record na ibinibigay sa taong bakunado laban sa manipulasyon at pang-aabuso. “Dapat…
Read More2 BARKO NAGBANGGAAN SA SOUTH HARBOR
NANGANGAMBA ang Philippine Coast Guard na maaaring magkaroon ng oil spill kung hindi agad maaksiyunan ang nangyaring banggaan ng isang cargo vessel at isang foreign utility vessel sa karagatang sakop ng South Harbor Anchorage Area nitong Huwebes ng madaling araw sa Port Area, Manila Batay sa ulat ng PCG, bandang alas- 2:10 ng madaling araw nang magbanggaan ang MV Palawan Pearl at BKM 104. Ayon sa PCG, ang MV Palawan Pearl ay nakalubog na ang kalahating bahagi at may “oil sheen” sa paligid ng cargo vessel. Nabatid kay Rexchel Fabrigas…
Read More2 NAGBENTA NG BAKUNA, SWAK SA SELDA
ARESTADO ang dalawa katao makaraang magbenta ng COVID-19 vaccines sa Pasay City noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ni Pasay City chief of police, P/Col. Cesar Paday-os ang mga suspek na sina Michelle Parajes at Angelo Bonganay. Ayon sa ulat ng pulisya, nagkasa ng entrapment operation dakong alas-6:00 gabi noong Martes ang mga operatiba ng Investigation Division Management Section na pinangungunahan ni P/Lt. Dennis D. Desalisa, laban sa mga suspek sa loob ng isang fast food restaurant sa Roxas Blvd., Brgy. 76, Zone 10, Pasay City. Nag-ugat ang operasyon ng IDMS…
Read MoreSBIA BINUKSAN NA PARA SA INTERNATIONAL FLIGHTS
INANUNSYO Bureau of Immigration (BI) ang pagbabalik ng kanilang operasyon sa Subic Bay International Airport (SBIA), makaraang ito ay umalis nang itigil ang international flights sa dating US naval base, isang dekada na ang nakararaan. Sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente, ang BI ay bumalik sa SBIA noong Miyerkoles makaraang ang Philippine Airlines (PAL) flight, na may kargang 300 repatriated overseas Filipino workers (OFW) mula sa Saudi Arabia, ay lumapag sa nasabing paliparan, na naitala bilang unang international passenger flight na dumating mula noong 2011. Ang maiden flight sa nasabing…
Read MoreNATIONAL WETLANDS CONSERVATION ACT GUMULONG NA
WELCOME sa isang mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso ang pag-apruba sa committee level ng House Bill 3460 o “An Act Institutionalizing the National Wetlands Conservation Policy o “National Wetlands Conservation Act”. Sa pagdinig ng House committee on natural resources sa House Bill 3460 nitong Miyerkoles, ikinatuwa ni Anak Mindanao (AMIN) Party-list Rep. Amihilda Sangcopan ang pagbalangkas sa kahalagahan ng wetlands sa bansa. “This bill seeks to advance and protect the right of the people to balanced and healthful ecology that is harmony with nature, it also aims to establish…
Read MoreAC INFRA PATULOY SA PAGKALINGA SA PARTNER COMMUNITIES
PATULOY ang AC Infra, ang public infrastructure arm ng Ayala Group, sa pagtulong ng mga komunidad upang malagpasan ang hamon na dulot ng Covid pandemic sa pamamagitan ng #BrigadangAyala. Kasama ng AC Infra ang Muntinlupa-Cavite Expressway (MCX) at Entrego sa pamamahagi ng food, healthcare, at education, para sa partner communities nito. Pagbibigay ng Pag-asa Mula 2017, tumutulong na ang Ayala companies sa mga residente ng Brgy. Poblacion sa Muntinlupa. Sa katunayan, isa si Melanie Balansag sa mga natulungan ng AC Infra. Si Melanie ay kabilang sa mga informal settler na…
Read MoreKASABWAT SA MURDER NAKORNER NG PNP-PRO5
NAKORNER ang isang umano’y kasabwat sa kasong murder sa Juban, Sorsogon, sa ikinasang law enforcement operation ng PNP-PRO5 sa Quezon City noong Miyerkoles. Ayon sa ulat na natanggap ni PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo, unang nadakip ng Juban Municipal Police Station si Bren Del Santos Tarrayo noong Martes dahil sa kasong murder. Habang sa isinagawang follow-up operation ay nahuli naman si Pol Copiaco Gepaya, ang 29-anyos na kasabwat umano ni Tarayo, assistant veterinary at residente ng Brgy. Aroroy, Juban, Sorsogon, bandang alas-10:04 umaga sa SM Fairview, Quezon City.…
Read MoreHEPE NG TANOD INILIGPIT NG TANDEM
BATANGAS – Patay ang isang hepe ng barangay tanod makaraang pagbabarilin ng riding in tandem sa Tanauan City sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng tanghali. Kinilala ang biktimang si Gregorio Atienza, 57, hepe ng mga tanod ng Barangay ng Altura South, Tanauan City. Batay sa report ng Tanauan City Police, nagpapahinga sa kanyang nakaparadang tricycle ang biktima nang dumating ang mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo at ito ay pinagbabaril. Nakatakbo pa ang biktima sa unang bugso ng pamamaril subalit hinabol ito ng mga suspek at tinuluyan. Dead on the…
Read More