IPINARATING sa akin ng aking kaibigang volunteer advocate na si Marilou Cabotage ang pakiusap at sumbong ng isang Hanna Grace Mendoza. Si Hanna ay OFW na nagtatrabaho sa Riyadh, Saudi Arabia mula noong Hunyo 28, 2019, sa pamamagitan ng Jobstar International Manpower. Natapos niya ang dalawang taong kontrata, kaya inaasahan niya na makauuwi na siya sa Pilipinas upang kanyang maalagaan ang kanyang mga anak. Ang kasalukuyang nag-aalaga sa mga anak niya ay ang kanyang ama na na-diagnose mula sa sakit na tuberculosis. Ngunit, kahit na tapos na ang kanyang kontrata…
Read MoreMonth: July 2021
TALO ANG MGA DUMAGAT SA DENR – BLUE STAR MOA
MATAGAL nang nanini-rahan ang mga Dumagat sa Lungsod ng Antipolo hanggang bayan ng Baras sa Rizal dahil pag-aari nila ang lupaing kanilang tinitirahan. Ang tawag natin sa lupain ng mga katutubo tulad sa Dumagat ay “ancestral domain”. Huwag tayong magtaka kung igigiit at ipaglalaban ng mga Dumagat ang pamayanang tinitirahan nila sa napakahabang panahon, sapagkat ancestral domain nila ito. Ngunit, tila nawalan ng karapatan at kapangyarihan ang pangkat ng Dumagat sa kanilang lupain. Noong si Regina “Gina” Lopez pa ang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), biglang…
Read MoreGaling kay Pacquiao P50K KADA NAMATAY NA SUNDALO SA C-130 CRASH
MAGBIBIGAY si Senador Manny Pacquiao ng halagang P50,000 sa bawat pamilya ng biktimang namatay sa pagbagsak ng C-130 sa Patikul, Sulu bilang personal na tulong. Sa pahayag, sinabi ni Pacquiao na magbibigay rin siya ng halagang P20,000 sa bawat sundalong nakaligtas sa trahedya na kasalukuyang iniimbestigahan ng Department of National Defense (DND). “Bilang tulong sa aking mga kapatid sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at mga sibilyang naging biktima ng C-130 crash sa Patikul, Sulu, magbibigay ako mula sa aking personal na pondo ng P50,000 sa bawat pamilya ng…
Read MorePROBLEMA SA IMPLEMENTASYON NG NATIONAL ID, DAPAT RESOLBAHIN AGAD
HINIMOK ni Senador Panfilo Lacson ang gobyerno na patunayan na seryoso ang implementasyon ng National ID system sa pamamagitan ng pagresolba sa iba’t ibang isyung pumapaloob dito. “If the national government is really serious to implement the National ID system and capture as many registrants and serve the purpose of better delivery of social services to our people – including more efficient revenue collection, effective anti-corruption and anti-criminality efforts and the like – they better resolve some pestering issues quickly and surely,” Lacson stressed. Tinukoy ni Lacson ang mga kontrobersiya…
Read MoreGO KAY TRILLANES: LUMANG TUGTUGIN NA YAN!
TINAWAG na sirang plaka ni Senador Bong Go si dating Senador Antonio ‘Sonny’ Trillanes IV sa paglalabas ng mga anya’y rehashed na fake news. “Lumang tugtugin na ‘yan. Halatang sirang plaka itong si Trillanes. Noong September 2018, may mga akusasyon siya sa akin. Sa kakabintang niya sa akin, naging senador po ako. Ganito ang style ni Trillanes, pipintahan niya ng itim kami ni Pangulo para siya ang pumuti,” saad ni Go. “Tingnan nyo, hubaran nyo ‘yan, makikita nyo napakadumi nyan. Siguro ang dugo nya, marumi pa sa acetic, ‘yung oil.…
Read MoreApela ni Rep. Taduran PAGPAPAUWI sa OFWs MADALIIN
HINILING ni ACT-CIS Party-list Representative Rowena Niña Taduran at mga kagrupo nito sa Kamara na bilisan ng pamahalaan ang pag-aksyon sa problema ng mga overseas Filipino worker (OFW) na hindi makauwi ng bansa dahil sa pinalawig na travel ban bilang pag-iingat sa Delta variant ng COVID-19. Ang kahilingan ay bunsod ng pagdulog sa tanggapan ng mambabatas ng may 4,500 naipit na OFWs mula sa United Arab Emirates. “They are already losing a lot of money and they have nowhere to go. They are depressed and exasperated. Ang problem pa-rebook sila…
Read MorePAKIKIRAMAY SA PAMILYA NG MGA NASAWI SA C-130 PLANE CRASH
NAGPAABOT ng pakikiramay si Deputy Speaker Congressman Mujiv Hataman sa pamilya ng mga nasawing sundalo sa pagbagsak ng C-130 cargo plane na ikinamatay ng mahigit 50 sundalo kasama ang ilang sibilyan sa Patikul, Sulu. Labis na kalungkutan at panghihinayang ni Hataman sa sinapit ng mga sundalo na ibiniyahe patungo sa kanilang destinasyon sa nasabing lalawigan matapos sumailalim sa training. Binanggit ni Cong. Hataman na ang mga naturang sundalo pupunta sana ng Sulu upang sumama at makibahagi sa laban kontra terorismo, ngunit sa kasamaang palad ay nasawi sa isang aksidente. “Again,…
Read More3 TIKLO SA BATO SA MALABON
ARESTADO ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Malabon City noong Lunes ng gabi. Magkakasunod na ibinalibag sa selda ang mga suspek na sina Fortunato Blanco, 30; Raymark Bautista, 30, at Jay-ar Urbano, 21, mga residente ng Malabon City at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Ayon sa ulat, alas-11:00 ng gabi nang isagawa ang operasyon laban sa mga suspek sa Macopa Road, Brgy. Potrero na nagresulta sa pagkakadakip sa mga ito makaraang bentahan ng P500 halaga…
Read MoreBilang ng mga namatay umakyat sa 52 BLACK BOX NG C-130 INAANALISA NG ITG
AGAD nang pinasimulan ng binuong Investigating Task Group ang pag-analisa sa nilalaman ng black box o flight data recorder ng bumagsak na Philippine Air Force C-130 Hercules cargo plane na ikinamatay ng 49 sundalo at tatlong sibilyan sa bayan ng Patikul, Sulu. Ayon kay AFP chief, General Cirilito Sobejana, walang inaksayang panahon ang binuong probe team mula sa 220th Airlift Wing matapos matagpuan ang black box bandang alas-11:00 ng umaga noong Lunes sa Barangay Bangkal malapit sa Jolo Airport. Una rito, inihayag ni Western Mindanao Command chief, Lt. Gen Corleto…
Read More