19 katao naaresto ng NBI JUETENG DEN SA VALENZUELA, CALOOCAN SINALAKAY

UMABOT sa 19 katao ang arestado ng mga ahente ng National Bureau of Investigation – National Capital Region (NBI-NCR) makaraang salakayin ang isang hinihinalang gambling den sa Valenzuela City. Nag-ugat ang pagsalakay dahil sa impormasyon mula sa confidential informant kay Supervising Agent Edgardo E. Baldemos na talamak ang illegal gambling na jueteng sa iba’t ibang erya ng mga lungsod ng Caloocan at Valenzuela. Nabatid sa reports, isang nagngangalang “Oyie” ang nag-o-operate ng illegal numbers game sa buong Caloocan sa kabila ng ongoing campaign laban sa illegal numbers game ni Mayor…

Read More

PANIBAGONG ‘VARIANT OF INTEREST’ BINABANTAYAN

ITINUTURING ng pamahalaan na variant of interest at hindi variant of concern ang Lambda variant ng COVID-19 na mula naman sa mga bansang Peru at Latin America. Sa press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na bagamat hindi naman nakaaalarma ang Lambda variant ay mananatili ang strict border control sa bansa. “Sa ngayon, ang Lambda variant is identified as a variant of interest. So hindi pa siya variant of concern at ang ating pamamaraan ay ganoon pa rin – strict border control. At…

Read More

KOOPERASYON SUSI SA PAGREPORMA SA SISTEMA NG EDUKASYON

HINIMOK ni Senator Joel Villanueva na magkaroon ng mas masinop na kooperasyon sa mga ahensya ng edukasyon para sa mas malakas at iisang pagresolba sa krisis ng edukasyon na lubhang naapektuhan ng pandemya. Ani Villanueva, kailangan ng isang malinaw na estratehiya kung paano tutugunan ng Department of Education, Technical Education and Skills Development Authority, at Commission on Higher Education ang mga problema dulot ng pandemya na nakaapekto pa sa pagbaba ng kalidad ng mga graduate sa lahat ng antas. Kailangan magtulungan ng DepEd, TESDA, at CHED katulad ng “tatlong campus…

Read More

4Ps, bakuna pwedeng gamitin sa pangangampanya ANTI-EPAL POLICY PALAKASIN -DSWD

UPANG hindi magamit sa kandidatura ng mga tatakbo sa eleksyon ang ilang programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay nais nitong magkaroon ng Memorandum of Agreement sa Department of Interior and Local Government (DILG) para lalo pang mapalakas ang anti- EPAL policy. Sigurado kasi ang DSWD na maraming EPALitiko ang gustong makaporma sa nalalapit na halalan. Sinabi ni DSWD Secretary Rolando Bautista na bagama’t may umiiral nang anti-Epal policy guidelines sa kanilang tanggapan ay nais nilang mas palakasin pa ito lalo na ngayong may pandemya kung saan…

Read More

Private companies maaring humirit COST REIMBURSEMENT SA COVID-19 VACCINES

PINAPAYAGAN ng pamahalaan ang mga pribadong kompanya na humirit ng “cost reimbursement” para sa COVID-19 vaccines na kanilang binili para sa pamilya ng kanilang mga empleyado. May ilan kasing kumpanya ang binalikat ang halaga ng bakuna para sa kanilang mga manggagawa subalit hindi para sa pamilya ng mga ito. “Ang polisiya po ng gobyerno, unang-una, basta inorder po yan para doon sa mga taong nag-order at hindi makakarating sa ibang mga tao, hindi ibebenta sa ibang tao, at pangalawa reimbursement for cost po ‘yan at walang profit, ‘yan po ay…

Read More

Pero pinagdadamutan ng ayuda – solon PINOY IBINAON NI DUTERTE SA UTANG

IBINAON ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sambayanang Filipino sa utang subalit patuloy na pinagdadamutan ng kanyang gobyerno ang mamamayan ng ikatlong ayuda. Reaksyon ito ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate matapos umabot sa P11.07 trillion ang utang ng gobyerno ng Pilipinas kung saan P6 trillion dito ay inutang ni Duterte sa nakaraang limang taon nito mula 2016 hanggang 2021. “Ibinaon na tayo sa sobrang utang pero pagdating sa ayuda ay palpak at kinakalyo ang pakiramdam ng Duterte administration,” ani Zarate dahil umabot sa P3.15 trillion ang inutang ng gobyerno…

Read More

Trillanes nagpapanggap na malinis STYLE MO BULOK -SEN. BONG GO

(ESTONG REYES) SINOPLA ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go ang binuhay na multi-bilyong paratang na katiwalian ni dating Senador Antonio Trillanes IV laban sa mambabatas at kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsasabing pawang kasinungalingan at walang basehan ang akusasyon. Sa kanyang video message, sinabi ni Go na hindi siya nakinabang ng kahit singko sa alinmang proyekto ng pamahalaan at hindi siya nakikialam at nang-iimpluwensya upang makakuha ng government project ang negosyo ng kanyang pamilya. “Panis na isyu, wala na bang bago, katunayan noong 2018 pa, hindi pa ako senador ay…

Read More

Maagang pangangampanya – solon BILLBOARD NI PANELO PANGGUGULANG

(BERNARD TAGUINOD) ISANG uri ng pandaraya at panlalamang sa mga kapwa kandidato ang mga nagkalat na billboard at tarpaulin ng ilang government officials tulad ng itinayo ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa Katipunan Ave., Quezon City. Ito ang pahayag ni ACT party-list Rep. France Castro kaugnay ng billboard ni Panelo na aniya ay bahagi ng preparasyon ng opisyal sa kanyang senatorial bid sa 2022 election. “Form din kasi ng pandaraya ‘yan,” ani Castro dahil hindi panahon ng election campaign ay nangangampanya na si Panelo sa pamamagitan ng billboard nito…

Read More

DRAMA LANG!!!

POSIBLE kayang palabas lang nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD) at Senador Manny Pacquiao ang diumano’y hidwaan sa pagitan nilang dalawa? Kung inyong matatandaan noong inuudyukan para tumakbo noon bilang pangulo ng bansa si PRRD ay palagi niyang sinasabi na hindi siya kakandidato, pero noong last hour, o huling sandali, ay bigla niyang tinanggap ang hamon para tumakbo bilang pangulo ng bansa. ‘Yang kanyang patutsada kay Senador Pacman ay hindi kaya drama na naman para sa kanyang pagtakbo bilang vice president sa 2022 national at local elections? At huwag na…

Read More