5 DINAMPOT NG PNP-ZAMBALES SA TUPADA

“I would rather break the addiction now before it breaks lives,” pahayag ni PNP-Zambales Provincial Director Romano V. Cardiño makaraan ang matagumpay na pagsalakay ng kanyang mga tauhan sa illegal cockfighting sa lalawigan. Noong Linggo, Hunyo 4, 2021, dakong alas-4:00 ng hapon, sa Purok 6, Brgy. San Esteban, San Antonio, Zambales, sa pamamagitan ng informant, nagsagawa ang mga operatiba ng PNP-Zambales Team San Antonio MPS, sa pangunguna ni P/Lt. Mark B. Almero, OIC, COP, ng intensive surveillance operations laban sa pagkalat ng tupada sa lalawigan. Inatasan ni Cardiño ang mga…

Read More

MAGSASAKANG RAPE SUSPECT LAGLAG SA PNP-PRO5

SWAK sa rehas na bakal ang isang 27-anyos na magsasakang rape suspect makaraang damputin ng mga tauhan ni PNP-PRO5 Regional Director Jonnel C. Estomo sa Brgy. Casay Casiguran, Sorsogon. Kinilala ni P/BGen. Estomo ang suspek na si Randy Hajas Macalinao, dinakip sa bisa ng warrant of arrest sa kasong rape na inisyu ni Hon. Zach L. Zaragoza-Ziga, presiding judge, Family Court, RTC 5th Judicial Region Branch 12, Sorsogon City, nitong Hunyo 15, 2021. Ang suspek ay tinaguriang no. 3 municipal level most wanted person ng Casiguran MPS. Ayon sa ulat…

Read More

31 DRUG PUSHERS NAKORNER SA CAVITE

CAVITE – Muling nadagdagan ang bilang ng umano’y mga tulak ng ilegal na droga sa Cavite Custodial Center makaraang 31 pa ang nadakip, kabilang ang dalawang high value individual, sa buy-bust operations sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito, nitong Martes ng madaling araw. Ayon sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), isinagawa ang buy-bust operations mula ala-1:00 ng madaling araw noong Lunes hanggang alas-12:15 kahapon ng madaling araw nitong Martes sa limang lungsod at tatlong bayan ng nabanggit na lalawigan. Nanguna ang Dasmariñas City sa may pinakamaraming tulak…

Read More

4 MOST WANTED PERSONS TIMBOG SA CALABARZON

LAGUNA – Arestado sa magkakahiwalay na operasyon ang apat na most wanted persons regional level sa mga lalawigan ng Laguna, Batangas at Quezon. Nahuli makaraan ang ilang taong pagtatago ang suspek na si Michael Cabriga Gabiola na trabahador sa isang poultry, residente ng Brgy. San Diego, Zone 4, Tayabas City, Quezon matapos saksakin at mapatay ang biktimang si Fernando Alpon noong Agosto 8, 2015. Nadakip nitong Martes ng tanghali si Cabriga sa San Roque Alaminos, Laguna dahil sa kasong murder. Tinagurian siya bilang top 4 regional level most wanted person…

Read More

EX-BOKAL PATAY SA AMBUSH SA SAN PABLO

LAGUNA – Patay ang isang dating board member at kumandidatong mayor sa Laguna matapos na pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa San Pablo City noong Miyerkoles ng umaga. Idineklarang dead on arrival sa Pagamutang Panlalawigan ng Laguna sa San Pablo City ang biktimang si Jeffrey Arban Palce dahil sa mga tama ng bala sa dibdib at braso. Batay sa report ng San Pablo City Police, dakong alas-9:30 ng umaga, kabababa lamang ng sasakyan ng biktima at naglalakad sa bangketa sa Brgy. VII-C kasama ang dating pulis na si Vicentito Visey…

Read More

Laglag sa bitag ng PNP-Zambales BARIL, DROGA NAKUMPISKA SA 3 TULAK

“CHASE the vision, not the reward.” Ayon kay Zambales Provincial Director P/Col. Romano V. Cardiño matapos na mahuli ng kanyang mga tauhan ang magkakamag-anak na umano’y pawang mga tulak ng ilegal na droga noong Lunes sa Subic, Zambales. Ayon report na natanggap ni Col. Cardiño, nagkasa ng masusing intelligence operation bago inilunsad ang buy-bust operation laban sa mga suspek na nagresulta sa pagkakadakip sa tatlo katao at pagkakasamsam ng ilegal na droga at mga baril. Bandang alas-2:30 ng madaling araw nang isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng PNP-Zambales Subic Municipal…

Read More

Sa law enforcement ops ng PNP-PRO5 LALAKI HULI SA BARIL, DROGA SA LEGAZPI

ARESTADO ang isang 49-anyos na lalaki makaraang nahulihan ng baril at shabu sa ikinasang law enforcement operation ng mga tauhan ni PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo sa Legazpi City. Ayon sa ulat na isinumite sa tanggapan ni P/BGen. Jonnel Estomo, bandang alas-10:52 noong Lunes ng umaga nang nadakip ng kanyang mga tauhan ang suspek na si Waren Baldon Malab sa bahay nito sa Purok 8, Brgy. 32 San Roque, Legazpi City. Nakuha sa suspek ang isang ‘di nabatid na kalibre ng SW Edge pistol, at isang magazine na…

Read More

PUMAPANGIT ANG RECORD NG PINAS

PUMAPANGIT ang record ng Pilipinas na nakakaapekto hindi lang sa imahe ng ating bansa sa international community, kundi maging sa mga ­foreign investor na hinihikayat nating maglagak ng negosyo rito sa atin. Nitong mga nakaraang linggo, tatlong pangit na record ang inilabas ng mga international organization na hindi ko naman ipinagtaka dahil wala naman talagang ginagawang maayos na solusyon ang mga namumuno sa atin. Una, ang pagkakasama (ulit) ng Pilipinas sa grey list ng Financial Action Task Force (FATF) sa ­money laundering at terrorist ­financing na kinokontra pa, e totoo…

Read More

PNP GINAMIT NG BLUE STAR LABAN SA MGA DUMAGAT

OBLIGADONG kumilos si General Guillermo Lorenzo Eleazar laban sa grupo ng mga pulis ng Rizal na ginamit ng Blue Star ­Construction and Development Corporation laban sa mga Dumagat na nakabase sa Lungsod ng Antipolo hanggang bayan ng Baras. Ang Dumagat ay mga katutubo na walang dudang kapwa nating mga Filipino. Ang Philippine National Police (PNP) na pinamumunuan ni Eleazar mula noong Mayo ay armadong yunit ng pamahalaan na itinakda ng batas na ­maglingkod at protektahan ang mamamayang Filipino. Syempre, kabilang ang mga Dumagat at lahat ng mga katutubong Filipino na…

Read More