KUMBINSIDO ang Malakanyang na magandang estratehiya ang mix and matching ng magkakaibang brand ng bakuna. Sinabi ni treatment czar DOH Undersecretary Leopoldo Vega na hindi lamang mas magandang kalidad na anti-bodies ang nalilikha ng mix-and-match. Kaya may nakikitang bentahe ang gobyerno sa ginagawang pagsasaliksik ng mga eksperto tungkol dito. Aniya, may potensiyal din ang mix and match para makatulong lalo na sa mga bansang hanggang ngayo’y may limitado pa ring suplay ng COVID-19 vaccine. Isang anyo, ani Vega ng flexibility ang mix and match upang mas marami o mayorya ng…
Read MoreMonth: July 2021
EQUITABLE DISTRIBUTION NG BAKUNA MALABO PA
INAMIN ng Malakanyang na hindi pa rin sapat ang suplay ng bakuna para makamit ang equal distribution sa buong bansa. Sinabi ni Sec. Roque, hindi lang iilang lugar ng Pilipinas ang nakararanas ng kakapusan ng vaccine kundi buong Pilipinas. Aniya, wala pa sa 20 milyong doses ng bakuna ang nakarating sa bansa at wala naman umanong magagawa dito dahil hindi naman nagma-manufacture ang Pilipinas ng bakuna. Sa kabila nito ay pilit na nagagawan aniya ng paraan ng pamahalaan ang problema. Samantala, hinihingi ng Malakanyang ang pang-unawa ng publiko at ng…
Read MoreBIKTIMA NG SULU PLANE CRASH BIBISITAHIN NI PDU30
POSIBLENG bisitahin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga nasugatang sundalo sa pagbagsak ng C-130 airplane ng Philippine Air Force, Linggo ng tanghali sa Patikul, Sulu. “If plans push thru po. mukhang daraan po ang ating presidente sa Zamboanga to visit some of those na nasa ospital,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. Sa ulat, nasa 45 katao ang nasawi, habang 49 ang nasugatan sa trahedya. Ayon sa militar, hanggang nitong 8:40 p.m. ng Linggo, 42 sa mga nasawi ay military personnel na sakay ng eroplano at tatlo naman ang…
Read MoreSa magkakasunod na trahedya KALIDAD NG MILITARY ASSETS BUSISIIN
KASABAY ng pakikidalamhati sa aksidenteng naganap sa Patikul, Sulu nang mag-crash ang C-130 cargo plane na ikinamatay ng halos 50 katao kasama ang ilang sibilyan, hindi maiiwasang mangamba ang isang beteranong mambabatas sa Kamara na posibleng makuwestiyon ang kalidad ng air assets ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Ayon kay House committee on national defense and security vice chairman Ruffy Biazon, kailangang madermina agad ang dahilan ng aksidente kung ito ay dahil sa human error, equipment failure o kaya weather disturbance, lalo na’t bagong bili ang naaksidenteng C-130 Hercules.…
Read MoreKATIWALIAN SA DOH AT DSWD KINUMPIRMA NG PACC
MISMONG ang Presidential Anti-Corruption Commission ang nagbigay kumpirmasyon sa umano’y mga katiwaliang nagaganap sa dalawang ahensiyang tinukoy ni Senador Manny Pacquiao sa kanyang talaan ng mga tiwaling tanggapan ng gobyerno. Sa ginanap na Laging Handa public briefing, sinabi ni PACC Chairman Greco Belgica na mayroon na umano silang tinututukang 13 kasong pinaniniwalaang may elemento ng katiwalian. Aniya, kabilang ang Department of Health (DOH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa kanilang iniimbestigahan bunsod ng mga sumbong ng iregularidad. “We are probing nine cases of corruption in DOH, and…
Read MorePRRD at tatay ng senador sapul kay Trillanes P6B KONTRATA INIUGNAY KAY SEN. BONG GO
(NELSON S. BADILLA) INIUGNAY ni dating Senador Antonio Trillanes IV kina Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Christopher Lawrence “Bong” Go ang P6 bilyong halaga ng mga kontrata sa pamahalaan na nakuha ng tatay ng senador. Batay sa hawak niyang mga dokumento, inakusahan ni Trillanes ng pandarambong (plunder) sina Duterte at Go. Inihayag ng dating mambabatas na batay sa mga dokumentong hawak niya mula sa Department of Trade and Industry (DTI) at Commission on Audit (COA), nakakuha ang CLTG Builders ng 125 kontrata sa Davao City at Davao Region na P4.89…
Read MorePacquiao hinahanapan ng Palasyo ng ebidensya ‘WAG PURO LAWAY
HINAHANAP ng Malakanyang ang pruweba mula kay Senador Manny Pacquiao sa alegasyon nito na bukod sa Department of Health (DOH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay malaganap din ang korapsyon sa Department of Energy (DOE) at Department of Environment and Natural Resources (DENR). Para kay Presidential spokesperson Harry Roque, puro laway lang ang alegasyon ni Pacquiao laban sa mga nasabing ahensiya ng pamahalaan. Inamin ni Sec. Roque na nagtataka siya kung ano ang mga dokumento na nasa lamesa ni Pacquiao. Sa ulat, inisa-isa ni Pacquiao ag detalye…
Read MoreNagbabayad ng billboard pinalalantad ng solon SINO SPONSOR NI PANELO?
(BERNARD TAGUINOD) UPANG masiguro na hindi pera ng bayan ang ginagamit sa mga billboard ng government officials, kailangang ilantad ng mga ito kung saan galing ang pondo sa ‘maaga nilang pangangampanya’. Ito ang tinuran ni ACT party-list Rep. France Castro matapos lumitaw ang billboard ni Presidential legal counsel Atty. Salvador Panelo sa kahabaan ng Katipunan Avenue, Quezon City. Ayon kay Castro, hindi biro ang halaga ng lingguhang bayad sa ganitong mga billboard sa mga estratehikong lugar kaya nararapat umanong isapubliko ni Panelo kung saan galing ang ipinambabayad niya rito. “Dapat…
Read MorePACQUIAO-SPENCE MAKASAYSAYAN
KAABANG-ABANG ang 147-pound unification bout sa pagitan nina eight division champion Manny Pacquiao at undefeated Errol Spence Jr. sa Agosto 21 sa T-Mobile Arena sa Las Vegas. Ito ay dahil ang magwawagi sa pagitan nila ay magiging unang The Ring magazine’s welterweight champion sapul noong 2015, nang huling igawad ito kay Floyd Mayweather, Jr. Ang iba pang nagkamit ng prestihiyosong titulo ay sina boxing all-time great Henry Armstrong, Sugar Ray Robinson, Sugar Ray Leonard at Roberto Duran. Hindi naging madali ang desisyon na itaya ang naturang titulo dahil si Spence…
Read More