NANAWAGAN ang mga residente ng Villaggio Ignatius Subdivision sa General Trias City, Cavite sa kanilang punong barangay na tutulan ang puwersahan umanong paggiba ng developer ng ibang subdivision sa pader na sakop ng kanilang lugar. Ayon sa mga residente, nais nilang umaksyon ang mga local official partikular ang tanggapan ni Barangay Buenavista 1 Chairman Rizalino T. Potante upang ipatigil ang paggiba sa pader ng subdivision at tuluyan nang makapasok ang mga heavy equipment ng developer na Raemulan Land Inc. Dahil dito ay sama-samang lumagda ang mga miyembro ng homeowners association…
Read MoreMonth: July 2021
Apela ng solon HEALTHCARE WORKERS ‘WAG NANG ISAMA SA KONTROBERSYA
SUPORTADO ni ACT-CIS Party-list Representative Rowena ‘Niña’ Taduran ang mga healthcare worker sa kanilang hindi matatawarang responsibilidad ngayong pandemya sa harap naman ng kontrobersya sa maling pagsaksak ng bakuna laban sa COVID-19 sa isang pasyente. Ayon sa House Asst. Majority Leader, imposibleng sadyain ng mga healthcare worker na huwag iturok sa mga pasyente ang bakuna. “Aanhin naman nila ang hindi naiturok na bakuna? Ang mga bakuna, tulad ng MRNA vaccines, kapag naihanda na siya para ma-inject, at nahaluan na ng diluting solution, sira na kapag hindi nagamit agad,” ayon sa…
Read MorePAGHAMAK NG EMPLOYER
ISANG uri ng paghamak sa pagkatao, o diskriminasyon, ang ginawa ng employer sa kanyang worker na nagbayad ng P1,056 halaga ng mga barya para sa suweldo ng kanyang manggagawa. Ang tinutukoy po natin ay ang hindi magandang pagtrato ng Nexgreen Enterprises na pag-aari ni Jasper Cheng So sa kanilang manggagawa na si Russel Mañoza. Kamakailan, nag-viral sa social media ang isang post na may manggagawa na pinasahod ng mga barya ng kumpanyang kanyang pinaglilingkuran. Tapos na raw kasi ang limang buwang kontrata ni Mañoza sa nasabing kumpanya, kaya kailangang bigyan…
Read MoreYUMAYAMAN SILA SA PANDEMYA
MALAKI ang dapat ipinagpapasalamat ng mga may-ari ng mga malalaking pharmaceutical company sa China dahil naging multi-billionaire sila (US dollar) sa coronavirus disease – 2019 sa maiksing panahon lang. Mantakin mo, sa loob lamang ng isang taon, nadagdagan ng 9 ang multi-billionaire sa mundo at pawang mga may-ari ng mga pharmaceutical company na gumawa ng COVID – 19 vaccines. Nanguna sa kumita nang husto sa COVID – 19 pandemic ang CEO ng Moderna na si Stéphane Bancel na biglang umabot sa US $4.3 billion ang kanyang net worth sa loob…
Read MoreUmpisa pa lang, Pacquiao knockout na sa political heavyweights DUTERTE: YOU ARE A SHIT! CHAVIT: BOKSING KA NA LANG!
(NELSON S. BADILLA) MAGKAIBANG-MAGKAIBA ang boksing at pulitika kahit saang anggulo tingnan. Kung nagtagumpay si Senador Emmanuel “Manny” Pacquiao sa boksing at naging natatanging boksingero na naging kampeon sa walong dibisyon, hindi nangangahulugang awtomatikong siya rin ang palaging bida sa serbisyo publiko. Maingay ang ugong ng planong pagtakbo ni Pacquiao sa pagkapangulo sa eleksyong 2022. Pinatutunayan ito simula nang mapadalas ang kanyang paglabas sa media ng kanyang pahayag sa ilang piling isyu tulad ng korapsyon sa pamahalaan. Sa pagsagot ni Pacquiao sa hamong inilatag kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte, malinaw…
Read MoreHindi na lulusot sa mga Pinoy – solons ‘VP RODRIGO’ IBABASURA SA 2022
HINDI na muling maiisahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Filipino dahil bibiguin ng mga ito ang plano ng huli na manatili sa puwesto sa pamamagitan ng pagtakbo sa 2022 vice presidential race. Ito ang pahayag ni Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite matapos sabihin ni Duterte na ibilang o ikonsidera na siya bilang vice presidential candidate sa susunod na halalan. Ayon sa mambabatas, malinaw na ang layunin ng pagtakbo ni Duterte bilang bise presidente ay upang matakasan ang mga kasong naghihintay sa kanya, laluna na ang imbestigasyon ng International…
Read MoreBakuna, ekonomiya apektado sa pag-aalburuto ng Taal P6.37-B QRF GAMITIN
IBAYONG paghahanda ang inaasahan sa gobyerno sa pag-aalburuto ng Bulkang Taal na makaaapekto sa samu’t saring bagay, mula sa pagsasara ng paliparan sa NAIA na makaaabala sa pagdating ng bakuna, hanggang sa pagsasara ng mga pabrika sa karatig lugar, ayon kay Senator Joel Villanueva. Iminungkahi ni Villanueva na gamitin ang P6.37 bilyon Quick Reaction Fund sa ilalim ng Calamity Fund ngayong 2021 kung sakaling matuloy ang pagsabog ng aktibong bulkan. Ang naturang pondo ay nahahati sa walong ahensya: DPWH, DepEd, DOH, DILG, DA at DND. “Worst-case scenario po ang pagplanuhan…
Read MorePAGWALIS SA MGA TSIKBOY SA PNP, SERYOSOHIN
(BERNARD TAGUINOD) KAILANGANG seryosohin ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Guillermo Eleazar ang paglansag sa mga pulis na may kabit dahil ito umano ang isa sa mga dahilan kaya sila nagiging corrupt. Ginawa nina Deputy Speaker Eddie Villanueva at Rep. Domeng Rivera ang nasabing pahayag kasunod ng babala ni Eleazar sa mga pulis na matatanggal ang mga ito sa serbisyo kapag napatunayan na meron silang kabit. “It will not only restore the respect and moral ascendancy of our policemen, but it will also save our law enforcers from a…
Read MoreBunganga ng Bulkang Taal tatakpan ‘JOKE’ NI DIGONG WALANG NATAWA
INUPAKAN sa social media ang panibagong ‘joke’ ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng nagbabadyang malakas na pagsabog ng Bulkang Taal. Ayon sa netizens, wala nang natatawa sa joke ng pangulo. Para naman sa isang militanteng grupo, ang pahayag ni Pangulong Duterte na lagyan na lamang ng tapon (takip) ang bunganga ng Taal Volcano: “It is his brand of insane and callous rule”. Ayon kay dating Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao, muling minaliit ni Duterte ang banta ng bulkan sa mga taga-Batangas at mga karatig lalawigan tulad ng pagmamaliit niya rito…
Read More