PCSO Officials Resign En Masse to Protest Ruling

Five members of the Philippine Charity Sweepstakes Office Special Bids and Awards Committee (PCSO-SBAC) recently submitted their irrevocable resignation (effective immediately) to the Members of the PCSO Board, due to what they called a refusal to do “anything that runs counter to procurement law, rules, and regulations.” “This irrevocable resignation is to ensure and maintain the continuity, transparency, and integrity of the procurement activities for the 2021 PCSO Lottery Project (SBAC Contract No. 2021-01) and in addition, to uphold the cold neutrality of an impartial Bids and Awards Committee by…

Read More

HIGIT 6K KASO NG COVID-19 NAITALA NG DOH

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng mahigit 6,000 bagong kaso ng COVID-19 sa isang araw sa Pilipinas. Ngayong araw ay 6,192 ang karagdagang kaso sa bansa kaya nasa 1,424,518 na ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng nasabing sakit mula noong nakalipas na taon. Sa naturang bilang ay nasa 94.4 porsiyento ang gumaling o 1,344,063. Umabot naman sa 2,212 ang mga bagong iniulat na gumaling ngunit nadagdagan ng 177 ang mga nasawi. Dahil dito, ang death toll sa Pilipinas dahil sa COVID-19 ay nasa 24,973 na. Samantala, tiniyak ni…

Read More

P10.4-B SAP, NAKULIMBAT NG STARPAY?

IBINUNYAG ni Senador Manny Pacquiao na nasa P10.4 bilyon pa ang pondo para sa Special Amelioration Program ang hindi pa naipamamahagi ng kumpanyang ginamit ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa distribusyon ng ayuda. Sa presscon nitong Sabado, kinuwestyon ni Pacquiao ang pag-tap ng DSWD sa Star Pay App para sa pamamahagi ng ayuda sa may 1.8 milyong benepisyaryo ng SAP. “Sa gitna ng pandemya ay bilyun-bilyong halaga ang pondo na inutang ng pamahalaan na inilaan para sa ayuda ng ating mga kababayan na nawalan ng kabuhayan,”…

Read More

2 NABITAG SA P2.8-M ILLEGAL DRUGS

SWAK sa selda ang dalawang suspek nang makumpiskahan ng mahigit P2.8 milyong halaga ng umano’y shabu sa Navotas City. Nabatid, may nagnguso sa Navotas City Police hinggil sa pagtutulak ng mga suspek kaya nagkasa ng buy-bust operation ang mga awtoridad. Nakipagtagpo ang isang undercover sa mga suspek sa Babanse Street sa Barangay North Bay Boulevard South Kaunlaran at nang makaiskor ng shabu ang poseur buyer sa mga suspek ay dinamba ang mga ito. Nakuha sa mga suspek ang 420 gramo ng shabu na may street value na mahigit sa P2.8…

Read More

LADY DRUG SUPPLIER TIKLO SA TAGUIG

ARESTADO sa ikinasang buy-bust operation sa Taguig City ng mga operatiba ng pulisya ang isang babaeng hinihinalang bigtime drug supplier sa South Metro Manila at katabing mga lalawigan, noong Biyernes ng gabi. Kinilala ang suspek na si Rohane Palog alyas “Rica Baby,” residente ng Road 15, Maguindanao St., Brgy. New Lower Bicutan, Taguig City, nakumpiskahan ng tinatayang 135 gramo ng shabu na P918,000 ang street value. Ayon sa ulat ng pulisya, nagsagawa ng ‘casing’ ang mga operatiba bago ikinasa ang buy-bust operation sa suspek sa isang restaurant sa Manuel L.…

Read More

11 DAGDAG SA CALOOCAN COVID DEATHS

UMABOT sa 11 ang namatay sa COVID-19 sa Caloocan City habang isa ang binawian ng buhay sa Malabon City noong Hulyo 2, ayon sa ulat ng health offices ng nasabing mga lungsod. Mula 1,082 ay umakyat sa 1,093 ang total COVID deaths sa Caloocan, habang 510 naman ang active cases matapos na 32 ang nagpositibo sa virus. Pumalo na sa 38,453 ang tinamaan ng COVID sa Caloocan at sa nasabing bilang ay 36,850 na ang gumaling. Pumanhik naman sa 448 ang COVID death toll sa Malabon matapos na isang pasyente…

Read More

MOTORSIKLO SINALPOK NG KOTSE, 3 TODAS

BATANGAS – Tatlo ang namatay makaraang salpukin ng kotseng may lulang pasyente ang isang motorsiklo sa unahan nito sa national highway sa Brgy. San Luis, sa bayan ng Sto. Tomas sa lalawigang ito, noong Biyernes ng gabi. Parehong dead on the spot ang mag-inang magkaangkas sa motorsiklo na sina John Paolo Lopez, 21, na siyang driver, at Carolina Lopez, 40, guro, mga residente ng nabanggit na barangay. Batay sa report ng Sto. Tomas City Police, dahil sa pagmamadali nabangga sa likurang bahagi ang motorsiklo ng kasunod na kotseng Honda City…

Read More

P3.4-M SHABU KUMPISKADO SA 2 MIYEMBRO NG SINDIKATO

CAVITE – Arestado ang dalawang hinihinalang miyembro ng drug syndicate makaraang makumpiskahan ng halos P3.4 milyong halaga ng umano’y shabu sa isinagawang anti-illegal drugs operation ng Philippine National Police at PDEA sa lalawigang ito, noong Biyernes. Ayon sa ulat ni Police Brigadier General Remus B. Medina, director PNP Drug Enforcement Group, kay Philippine National Police chief, General Guillermo Lorenzo Eleazar, kinilala ang mga suspek na sina Jeric Ramirez alyas “Jam,” at Analyn Aguirre alyas “Lovely” na umano’y siyang nagpapakalat ng shabu sa Region 4A, NCR at ilang kalapit na mga…

Read More

Sa evacuation centers sa mga lugar na apektado ng Taal PNP NAGLAGAY NG ASSISTANCE DESKS

NAGTALAGA si Philippine National Police chief, Gen. Guillermo Eleazar ng police assistance desks sa evacuation centers ng mga residente sa Batangas na apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal. Sa huling talaan ng Batangas Police Provincial Office, mayroong 1,600 evacuees ang nananatili sa 10 evacuation centers sa mga bayan ng Laurel, Talisay, Balete at Agoncillo. Aniya, “I have already directed the Commander, JTF COVID Shield and the RD, PRO4A to set up Police Assistance Desks in all the evacuation centers in Batangas to ensure that their security and health safety are…

Read More