ELITE man o para-athletes ay may pantay-pantay na karapatan pagdating sa mga benepisyo. Ibinida ni PSC commissioner at in-charge sa para-athletes na si Arnold Agustin, pareho ang natatanggap na financial support sa ahensiya ng mga atletang nag-qualify sa Tokyo Olympics at Paralympics. Nagkakaisa aniya ang PSC Board sa pangunguna ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez, na karapat-dapat makatanggap ng sapat na mga benepisyo mula sa pamahalaan ang mga para-athletes. Kaya’t ipinarehas ang kanilang monthly allowances sa mga elite athletes. “Nakalulungkot na sa Incentives Act, hindi pantay ang nakukuha ng mga para-athletes…
Read MoreMonth: July 2021
DRUG DEALER TIMBOG SA PNP-PRO5
NADAKIP ng mga operatiba ng PNP-PRO5 ang isang drug personality na kabilang sa municipal target list ng PDEA at Camarines Norte Police Provincial Office at nahulihan ng ilegal na droga sa isinagawang anti-narcotics operation sa Purok 4, Brgy. III Poblacion, Vinzons, Camarines Norte. Ayon sa ulat na isinumite sa tanggapan ni PNP-PRO5 Director Jonnel C. Estomo, tinatayang 15 gramo ng hinihinalang shabu na P102,000 ang halaga, ang nakumpiska sa suspek na kinilalang si Manuel Cereno Magno, 54-anyos. Armado ng warrant of arrest, sinalakay ng pinagsamang mga operatiba ng Vinzons MPS;…
Read MoreQC MOST WANTED HULI SA MAYNILA
ARESTADO sa mga operatiba ng Cubao Police Station (PS-7) ang no. 6 station level most wanted person sa Sampaloc, Maynila noong Huwebes. Kinilala ni P/Lt. Col. Ma. Edna Catilogo, station commander ng PS-7, ang suspek na si Francis Batula, 24-anyos, residente ng Brgy. E. Rodriguez, Cubao, Quezon City. Ang suspek ay naaresto dakong alas-2:00 ng hapon noong Hulyo 1, 2021, sa Altura St., Zone 76, Brgy. 570, Nagtahan Bridge, Sampaloc Maynila. Siya ay nasa listahan bilang no. 6 station level most wanted person at may nakabinbing warrant of arrest para…
Read MoreAIRCON INSTALLER PATAY SA KURYENTE
HINDI umabot nang buhay sa pinagdalhang pagamutan ang isang 23-anyos na aircon installer makaraang makuryente sa grinder sa panulukan ng Syquia at Calderon streets sa Sta. Ana, Manila, iniulat ng pulisya nitong Biyernes. Ayon sa ulat, dakong alas-3:15 noong Huwebes ng hapon nang ideklarang dead on arrival sa Sta. Ana Hospital ang biktimang si John Paul Talavera ng Extreme Cool Ref and Air Conditioning Services, at residente sa Macabebe, Pampanga. Batay sa ulat ni Det. Erickson Aguilar ng Manila Police District -Homicide Section, nangyari ang insidente bandang alas-3:00 ng hapon…
Read MorePara makapasok sa Pinas VACCINATION CARDS DAPAT IPRISINTA – BI
NILINAW ng Bureau of Immigration (BI) na ang fully vaccinated passengers ay dapat ipresenta ang kanilang documentary proof sa kanilang pagdating sa Pilipinas. Sa kanyang advisory, sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente, ang fully vaccinated sa Pilipinas ay dapat dala ang kanilang vaccination card, na dapat ay naberipika bago ang kanilang departure mula sa Pilipinas sa pamamagitan ng Certificate of Vaccination Record Portal ng Department of Information and Communications Technology o ng City Health Officer ng local government unit na siyang nangasiwa sa full vaccination. “For those vaccinated outside the…
Read MoreEZCONSULT NG QC PALPAK
TULUYANG nang pinutol ng Quezon City government noong Martes ang kanilang kontrata sa Zuellig Pharma Corporation’s booking services, EzConsult, matapos ang sunod-sunod na kapalpakang technical na naranasan ng QCitizens. Ginawa ito ng local government ng Quezon City nang hindi masiyahan ang QCitizens dahil sa pagkakaroon ng “queuing system” sa pagbo-book ng slot, na nagdulot ng maraming oras na paghihintay. “We have already given Zuellig ample time to improve their system upon their request and yet their system has crashed again for the 9th time. We don’t want to cause undue…
Read MoreNAGNAKAW SA ATM, ENGINEER ARESTADO
CAVITE – Arestado sa Cavite Police ang isang 26-anyos na field engineer na suspek sa pagnanakaw ng pera sa Automated Teller Machine (ATM) na kanyang sinerbisyuhan sa loob ng Kapitolyo ng Trece Martires City sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang suspek na si Nicko O’neal Estrella, binata, residente sa Naic, Cavite, dinakip dahil sa reklamo ng Brinks Philippines Incorporated. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Eduardo Reyes ng Trece Martires City Police, dakong alas-5:00 noong Huwebes ng hapon nang arestuhin ang suspek sa loob ng Provincial Capitol sa…
Read MoreMIYEMBRO NG GANG ITINUMBA NG KAGRUPO
CAVITE – Itinumba ng mga ka-grupo ang isang miyembro ng kanilang gang makaraan ang mainitang pagtatalo sa Dasmariñas City, nitong Biyernes ng madaling araw. Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Jomar Deslate, 29, binata, ng Block 46, Lot 24, Phase 1, Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City, dahil sa tama ng sumpak sa katawan. Pinaghahanap naman ng pulisya ang mga suspek na sina Aljon Borlagdaton ng Block 4, Lot 1, Phase 1, Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City, at Jay-arr Mercado ng Block 40, Lot 12, Phase 1, Brgy. Paliparan…
Read MoreBULACAN DENGUE CASES BUMABA NG 20%
BUMABA ng 20% ang kasong naitala ng Provincial Health Office – Public Health kaugnay sa kaso ng dengue sa lalawigan ng Bulacan. Naitala ito sa bilang na 1,395 suspected dengue cases mula Enero 1 hanggang Mayo 29, 2021 na mas mababa kumpara sa 1,734 kasong naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon. Nasa edad isa hanggang 100 ang apektadong populasyon, mga edad 11-20 ang pinakamaraming kaso at tatlo ang namatay na may kinalaman sa dengue. Sinabi ni Gob. Daniel R. Fernando ng Bulacan, maituturing na tagumpay ang nasabing datos dahil…
Read More