IBINASURA ng Commission on Elections (Comelec) ang petisyon na humihiling na kanilang bawiin ang desisyon na palawigin ang deadline na ibinigay sa kampo ni dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kaugnay sa pagsagot sa petisyon na nagpapakansela sa kandidatura nito sa pagkapangulo sa 2022 Elections. Sa inilabas na desisyon ng second division ng Comelec kamakalawa (Nov. 23) ngunit kahapon lamang inilabas, nakasaad na mayroong awtoridad ang poll body para suspendihin ang reglementary periods batay sa kanilang patakaran. Iginiit ng Comelec na mas mabibigyan ng tamang hatol ang isang kaso kung…
Read MoreDay: November 25, 2021
KAMARA DISMAYADO SA MATAMLAY NA SIN, EXCISE TAX REVENUES
NASIPAT ng isang kongresista ang aniya’y matamlay na koleksyon ng gobyerno mula sa sin at excise tax sa produktong sigarilyo, kasabay ng giit sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na paigtingin ang kanilang programang magtataas ng antas ng pananalapi ng bansa. Sa pagdinig ng House Committee on Ways and Means, hayagang sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda na ang pamamayagpag ng mga smuggled na sigarilyo sa merkado ang isa sa pangunahing dahilang nakaaapekto sa koleksyon ng nasabing ahensya. “The BIR has been cooperative with the Committee in its fight against…
Read MorePAGBABAKUNA SA EDAD 5-11 PAG-AARALAN NG IATF
KAILANGAN munang pag-aralan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) kung kapaki-pakinabang ba talaga ang pagbabakuna sa mga batang may edad na 5 hanggang 11 laban sa COVID-19. Sa Laging Handa press briefing, tinukoy ni National Task Force (NTF) against COVID-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa na ang mga batang may kinatatakutang coronavirus ay kadalasang mayroon lamang “very mild symptoms” gaya ng ubo at lagnat. Mayroon naman aniyang ilang minor COVID-19 patients ang nagkakaroon ng multi-organ dysfunctions kapag ginamot na sa intensive care unit (ICU)…
Read MorePambabarako ng China, sukdulan na BARKO NG PINAS PINALALAYAS
MULING tumaas ang tensyon sa karagatan malapit sa Ayungin Shoal kasunod ng paglalabas ng pahayag ng Chinese Foreign Ministry na nag-uutos sa gobyerno ng Pilipinas na alisin na ang barkong nagsisilbing himpilan ng mga sundalong Pilipino sa pinagtatalunang teritoryo. Sa isang pahayag, matapang naman ang tugon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana – hindi lilisanin ng mga tropang sundalo ng Pilipinas ang Ayungin Shoal kasabay ng giit na bahagi ng Pilipinas ang nasabing lugar. Aniya, pasok ang Ayungin Shoal sa loob ng Exclusive Economic Zone (ECC), bagay na nagbibigay karapatan sa…
Read MoreKAMARA ‘TO THE RESCUE’ KAY OBIENA
IIMBESTIGAHAN na rin ng Kamara ang gusot na namamagitan ngayon kay Olympian EJ Obiena at sa Philippine Athletic Track and Field Association (PATAFA). Sa kanyang House Resolution, inatasan ni Manila Rep. Rolando Valeriano ang House Committee on Youth and Sports Development na imbestigahan ang umano’y harassment ng PATAFA sa manlalaro. Nagsimula ang gusot nang akusahan ng PATAFA si Obiena ng pagpalsipika umano sa liquidation documents kaya inatasan ito na ibalik ang 85,000 Euro o mahigit P4.8 Million sa asosasyon. Ito ay dahil hindi umano binayaran ang sahod ng Ukrainian coach…
Read MoreInilunsad ng PNP Bicol, TESDA, LGUs SKILLS, LIVELIHOO PROGRAM SA EX-REBELS
UMABOT sa 25 rebel returnees ang naging benepisyaryo ng inisyatibo sa inilunsad na skills and livelihood training program ng Camarines Sur Police Provincial Office (CS PPO) sa tulong ng TESDA. Ang programang ito ay naka-angkla sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP na ipinatutupad ng gobyerno para patuloy na mabigyan ng direksyon at pag-agapay ang mga dating nalihis ng landas. Ang E-CLIP ay isang programa ng pamahalaan na naglalayong bigyang ng tulong at pagkakataong magbago ang mga dating naging kasapi ng New People’s Army. Sa pamamagitan nito, sila ay…
Read MoreBINATA PATAY SA PULIS DAHIL SA FACE MASK
PAMPANGA – Patay ang isang 20-anyos na binata matapos mauwi sa pamamaril ang paninita ng pulis sa hindi pagsuot ng face mask sa bayan ng Bacolor sa lalawigang ito. Ayon sa isinumiteng ulat ng Bacolor Municipal Police Station sa PNP Police Region Office 3, kinilala ang biktimang si Abelardo Vasquez, tinamaan ng tatlong bala sa katawan. Naisampa na ang kasong homicide laban kay Police Cpl. Alvin Pastorin, 33, isang intel officer ng Pampanga Police Provincial Office. Si Pastorin ay nakakulong na sa Bacolor Police Station. Tiniyak ni PNP chief, P/Gen.…
Read More7 WANTED NABITAG NG PNP-PRO5
PITO katao na pawang pinaghahanap ng mga awtoridad ang nasakote ng mga tauhan ng PNP Police Regional Office 5 sa inilunsad na all-out campaign against wanted persons noong Nobyembre 24, 2021. Una sa listahang isinumite kay Bicol PNP chief, P/BGen. Jonnel C. Estomo ang 69-anyos na street sweeper ng Casiguran, Sorsogon na kinilalang si Isidoro Borromeo Jr. y Hibe, nahaharap sa kasong paglabag sa RA 8048 o “Preservation Act of 1995” batay sa ipinalabas na warrant of arrest ng Municipal Circuit Trial Court ng Juban/Casiguran, Fifth Judicial Region, Probinsya ng…
Read MoreERAP, GMA SUPORTADO ANG BBM- SARA UNITEAM SA 2022
NAGPAHAYAG ng suporta ang dalawang dating pangulo ng bansa matapos nilang iendorso ang tambalang BBM- SARA Uniteam nina presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at vice-presidential aspirant Davao City Mayor Sara Duterte bilang kanilang opisyal na kandidato para sa darating na halalaan. Nito lamang Huwebes ay pormal nang nakipag-alyansa ang partido ni dating presidente Gloria Macapagal-Arroyo na Lakas-CMD (Lakas–Christian Muslim Democrats) at Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) ni dating presidente Joseph Estrada sa Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na pinangungunahan ni Marcos at sa Hugpong ng Pagbabago (HnP) ni Inday…
Read More