Panukala sa Kamara: DOBLENG OT, NIGHT DIFFERENTIAL SA HCWs

ISANG magandang balita para sa mga healthcare workers – isang panukalang batas ang inihain sa Kamara para sa dobladong overtime pay at night differentials kesehodang naglilingkod sa pamahalaan o sa mga pribadong pagamutan.

Target ng House Bill 9670, amyendahan ang umiiral na Magna Carta on Public Health Workers sa hangaring matulungan ang mga patuloy na nagsasakripisyong sektor ng manggagawa sa larangan ng medisina at siyensya.

“This proposed measure seeks to amend the existing Magna Carta of Public Health Workers and ensure that public health workers are appropriately compensated and provided with their well-deserved incentives and benefits,” saad ng nasabing panukala.

Sa sandaling maisabatas, magiging doble ang OT pay at night differential ng mga healthcare workers na tumatanggap lamang ng barya kapalit ng mahabang oras na toka at peligrong kalakip ng trabaho nila.

Mula sa 10% nigh differential, hangad din ng nasabing panukalang iangat sa 20% ang katumbas na insentibo para sa mga night shifts na healthcare workers.

Maliban dito, makakatanggap din ang lahat ng mga healthcare workers ng P300 daily subsistence allowance, bukod pa sa P500 laundry allowance. (BERNARD TAGUINOD)

151

Related posts

Leave a Comment