DALAGITA NATAGPUANG PATAY SA ILALIM NG TULAY

patay

CAVITE – Nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang Cavite Police upang matukoy at maaresto ang mga suspek sa pagpatay sa isang 16-anyos na dalagita na natagpuang patay sa ilalim ng tulay sa Trece Martires City sa lalawigang ito, noong Lunes ng umaga. Apat na mga kalalakihan ang ‘persons of interest’ ng pulisya sa pagkamatay ng biktimang si “Angel”, isang Grade 9 student, at residente ng Trece Martires City. “Yung apat na menor de edad na naunang persons of interest ay pinakawalan na namin dahil wala namang maiuugnay sa kanila, pero meron…

Read More

MOST WANTED PERSON SA VALENZUELA, NALAMBAT

ISINELDA ang isang lalaki na listed bilang no.1 most wanted person ng Valenzuela City dahil sa kasong rape matapos mabitag sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa naturang lungsod. Pinuri ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones, Jr. ang Valenzuela Police sa pamumuno ni P/Col. Salvador Destura, Jr., sa matagumpay na operation kontra wanted person na nagresulta sa pagkakaaresto kay Jovan Lopez, alyas “Van”, 18-anyos, ng Barangay Lingunan. Ayon kay Col. Destura, nakatanggap ng ulat ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela…

Read More

NANG-AGAW NG BARIL, KARNAPER TODAS SA PULIS

PATAY ang isang 23-anyos na hinihinalang karnaper, makaraan umanong mang-agaw ng baril habang iniimbestigahan sa Smokey Mountain PCP sa Tondo, Manila, nitong Martes ng madaling araw. Kinilala ni Police Lt. Col. Gene Licud, commander ng Manila Police District – Station 1, ang biktimang si Artjohn Arufo, residente ng Rodriguez St., Balut, Tondo. Batay sa ulat ng Smokey Mountain Police Community Precinct na sakop ng MPD Station 1, bandang 12:10 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa loob mismo ng nasabing PCP sa Mel Lopez Boulevard sa Vitas, Tondo. Habang iniimbestigahan…

Read More

P10-M SHABU NASAMSAM SA VENDOR SA MARIKINA

TINATAYANG P10 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam ng magkasanib na puwersa ng Marikina PNP at District Special Operation Unit (DSOU) sa 32-anyos na vendor noong Lunes ng gabi sa Marikina City. Kinilala ang nadakip na si Habib Pangalian y Ampuan, may asawa, ng Brgy. Fortune ng lungsod. Ayon sa inisyal na ulat, dakong alas-10:00 ng gabi, nagkasa ng anti-illegal drugs operation ang magkasanib na puwersa ng Marikina PNP, EPD, District Drug Enforcement Unit, District Intelligence Division, District Special Operation Unit at DECU sa McDonald Avenue, Brgy. Sto. Niño,…

Read More

500 GRAMO NG MARIJUANA BUKING SA UKAY-UKAY

NABUKING ang 500 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na itinago ng 19-anyos na binata sa ukay-ukay na mga damit na ipadadala sa pamamagitan ng isang delivery service sa Quezon City, noong Lunes ng umaga. Ang suspek ay kinilalang si Clachy John Balansag De Quiroz, 19, naninirahan sa San Juan City. Ayon sa report ng Quezon City Police District (QCPD, Batasan Police Station (PS-6), bandang alas-8:35 ng umaga noong Setyembre 12 nang maaresto ang supek sa JRS Express sa loob ng Robinson Berkely sa Commonwealth, Brgy. Matandang Balara, sa lungsod. Ayon kay Jessa A.…

Read More

NAGLAHONG KALSADA

GINAMITAN ng heavy equipment para maalis ang makapal na putik at abo na tumakip sa mga kalsada sa ilang barangay sa bayan ng Agoncillo. MISTULANG naglaho ang mga kalsada sa ilang barangay sa Agoncillo, Batangas nang matakpan ng putik at abo galing sa bulkan dahil sa malalakas na pag-ulan noong Biyernes hanggang Sabado ng madaling araw. Ayon sa MDRRMO ng Agoncillo, nagkaroon ng makakapal na soil deposits sa Agoncillo-Laurel Circumferential Road dahil sa mga landslide at mudslide na tinangay ng mga baha patungo sa mga kalsada. Ayon pa sa MDRRMO,…

Read More

Sa loob ng isang taon PAGBABAYAD SA AMORTIZATION, INTEREST NG ARBs PINAHINTO NI PBBM

(CHRISTIAN DALE) SA halip na siya ang tumanggap ng regalo sa kanyang kaarawan, nilagdaan kahapon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Executive Order na nagpapataw ng isang taong moratorium sa pagbabayad sa taunang amortisasyon at interes ng agrarian reform beneficiaries. Ito ay para sa mga lupang agrikultural na ipinamahagi sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). Layon ng Pangulo na maibsan ang pasanin ng mga benepisyaryo sa kanilang mga utang. Magagamit aniya ng mga benepisyaryo ang pera sa pagpapaunlad ng kanilang mga sakahan. Matatandaang sa kanyang unang State of…

Read More

ECONOMIC SABOTAGE SA TOBACCO SMUGGLERS

IPINANUKALA ni Ilocos Norte Congressman at House senior majority leader Sandro Marcos na kasuhan ng economic sabotage ang mga smuggler ng tobacco products partikular na ang sigarilyo. Nais din niyang parusahan ang mga ito ng hanggang 40 taong pagkakabilanggo. Kasama ni Marcos si PBA party-list Rep. Margarita Ignacia Nograles na naghain ng House Bill (HB) No. 3917 para amyendahan ang Republic Act (RA) 10845 o Anti-Agriculture Smuggling Act of 2016. Ayon sa dalawang mambabatas, walang katapusan ang cigarette smuggling sa bansa, sa katunayan anila, sa Zamboanga del Sur at Misamis…

Read More

KONSTITUSYON DAPAT I-ADJUST SA PANGANGAILANGAN NG PANAHON

NANINDIGAN si Senador Robin Padilla na dapat nang isunod sa pangangailangan ng panahon ang konstitusyon dahil marami na ang mga pagbabago sa nakaraang 35 taon. Ginawa ni Padilla ang pahayag sa hearing ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes sa panukalang pag-amyenda sa Saligang Batas. “Nasa 2022 na tayo. Kailangan lamang siguro sa panahon ngayon ay mag-adjust tayo kung ano ang nangyayari, una sa paligid natin at kung ano ang nangyayari sa mundo. Dapat nandoon na po tayo. Hindi po tayo dapat sarado,” ani Padilla. “Kailangan bukas…

Read More