SOCIAL SECURITY AND PROTECTION CLUSTER, PINABUBUO

IMINUNGKAHI ni Senador Alan Peter Cayetano sa gobyerno na i-convene o buuing muli ang social security and protection cluster upang tugunan ang pangangailangan ng mga manggagawang Pinoy. Sinabi ni Cayetano na kailangan ng holistic approach sa pagbibigay ng proteksyon sa mga manggagawa kasama na ang pagpapalakas sa mga kasalukuyang programa tulad ng Assistance in Crisis Situation at TUPAD. Sinabi ni Cayetano na sa panahon ni dating Pangulong Joseph Estrada, binuo ang social security and protection cluster kung saan nagpulong ang mga opisyal mula sa mga ahensya ng pamahalaan at non-governmental…

Read More

SIPAG NI OPLE, IKINAGULAT NG MGA OFW

AKO OFW Ni DR CHIE LEAGUE UMANDAP BAGO pa man naitalaga si Department of Migrant ­Workers (DMW) Secretary Susan “Toots” Ople ay napakara­ming pambabatikos na ang ginawa ng ilang pinuno ng iba’t ibang grupo sa kagustuhan nilang siraan ito kay Pangulong Ferdinand ” Bongbong” Marcos, Jr. o PBBM. Kabilang sa paninira kay Ople ang sinasabing may malubha itong karamdaman at hindi na kayang gampanan ang kanyang katungkulan. Isa pa nga rito ang sinasabi ng pinalitan nitong opisyal na si Secretary Dabs Mamao na nagsasabing ang kailangang mai-appoint na opisyal ng…

Read More

FACE MASK GAWIN NANG OBLIGASYON

PRO HAC VICE NI BERT MOZO NANINIWALA ang isang ­eksperto na tanggap na ng maraming Pilipino ang pagsusuot ng face mask para maproteksyunan ang kani-kanilang sarili laban sa iba’t ibang mga sakit. Ito’y sa gitna na rin ng panukala ng pagluluwag sa mandatory na pagsusuot ng face mask sa open spaces o mga lugar na may mataas na bentilasyon. Paliwanag ni Dr. Nina Gloriani, vaccine expert ng DOH, wala naman siyang nakikitang problema sa pag-normalize mula sa pandemya subalit dapat aniya magkaroon ng mga pamantayan o indicators bago payagang magluwag…

Read More

PNP OFFICIAL NA SANGKOT SA KATIWALIAN NA-PROMOTE PA!

RAPIDO Ni PATRICK TULFO MAKULAY pala ang nakaraan nitong bagong talagang ­Manila Police District Director P/BGen. Andre Perez Dizon, ayon sa isang kasamahan sa hanapbuhay na aking nakakuwentuhan kamakailan lamang. Ito raw si Gen. Dizon ay sangkot sa katiwalian noong siya ay nasa PNP SAF pa, na may kinalaman sa maling paggamit ng pondo ng SAF na nagkakahalaga ng P58.9 million na additional subsistence allowance sana para sa 4,000 miyembro ng PNP Elite Force, na ginamit daw bilang operational expenses noong taong 2016-2017. Matatandaang hindi nakarating sa libo-libong SAF troopers…

Read More

CONG. ARNIE TEVES ‘LODI’ NG BAYAN

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG NAGIGING ‘lodi’ na ng bayan si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo “Arnie” A. Teves Jr. Paano kasi, namimigay siya ng papremyo sa mga kapus-palad at tuloy-tuloy ang serbisyo sa bayan. Kilalang matulungin ang mama. Kaya naman, kahit saan siya pumunta, kapag may nakikita siyang nangangailangan ng tulong, aba’y tinutulungan niya talaga. Kaya maraming humahanga sa kanya. Kahit sa social media, dumarami ang followers ng mamang kongresista. Wala kasi siyang pinipili. Kapag nangailangan, hindi siya nagdadalawang-isip na bigyan ito ng karampatang ayuda o…

Read More

CURRY BUKAS SA PAGBABALIK NI KD

HINDI nag-atubili si Stephen Curry nang tanungin hinggil sa muling pagsasama nila ni Brooklyn Nets superstar Kevin Durant. Sa panayam ni Rolling Stone Magazine’s Matt Sullivan, direktang sumagot ang Golden State Warriors star. “Hell, yeah!” panimulang tugon ni Curry. Kasunod nito, ipinaliwanag niyang nagkaroon siya at ang Warriors ng pag-uusap hinggil sa pagbuwag sa team’s roster, kahit kapapanalo lang sa 2022 NBA Finals (nang talunin ang Boston Celtics sa six games) at nakatuon sila sa title defense sa darating na season. Ayon kay Curry, 34, naging bukas siya sa ideya…

Read More

SIMULA NA WEEKLY PRACTICE NG GILAS

SIMULA na ang weekly practice ng Philippine national basketball team sa susunod na Lunes. Ayon kay Gilas Pilipinas Coach Chot Reyes, bilang paghahanda ito sa fifth window ng FIBA World Cup Asian qualifiers. “We will will start our Mondays only practice next Monday, at least once a week. ‘Pag malapit na po ang window sa November, dadalas na po ‘yan,” pahayag ni Reyes sa hearing ng Senate Committee on Sports nitong Lunes. Ang fifth window ay ­gaganapin sa Nobyembre 10-13. Parehong road games ito sa Gilas, na sasabak kontra Jordan…

Read More

GOLD, NEW RECORD TINUHOG NI OBIENA

Ni ANN ENCARNACION DOBLE panalo si pole vault world No. 3 at Asian record holder Ernest John “EJ” ­Obiena sa Gala dei Castelli sa Bellinzona, Switzerland nang makamit ang gintong medalya at magtala ng bagong meet record, Martes (Manila time). Tumalon ang Olympian at SEA Games record holder na si Obiena ng 5.81 metro, sapat para sa gold at bagong meet record. Nagsimula si Obiena sa 5.61m at na-clear niya ito sa dalawang pagtatangka. Agad niyang nalampasan ang 5.71m, bago nakuha ang 5.81m sa ikalawang pagtalon. Tinangka niyang i-reset ang…

Read More

CONCEPCION: VOLUNTARY OUTDOOR MASKING PANIBAGONG YUGTO SA COVID

Matapos pirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Executive Order No. 3 na nagpapahintulot sa boluntaryong pagsusuot ng face mask sa mga outdoor settings, sinabi ng founder ng Go Negosyo na si Joey Concepcion na ito ay panibagong yugto sa laban Pilipinas sa pandemya. “Dito sa panibagong yugto, ang mga Pilipino ang mamamahala sa kanilang kalusugan, at kung saan ang diskarte ngayon ay matiyak na hindi magiging malubha ang epekto nito sa atin,” sabi niya. Kabilang dito ang pag-iimbak ng mga antiviral na gamot, na ayon kay Concepcion ay mas…

Read More