DEPLOYMENT BAN SA KUWAIT MULING IGINIIT

NAKIKIPAG-UGNAYAN na si Senate committee on migrant workers committee Chairman Raffy Tulfo sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) kaugnay sa panibagong kaso ng OFW sa Kuwait na pinagmalupitan ng kanyang amo. Ang OFW na si Myla Balbag ay naparalisa matapos mahulog sa ikatlong palapag ng bahay ng kanyang amo nang magtangkang tumakas dahil sa pananakit. Halos dalawang linggo pa lamang ang lumipas nang maiulat ang brutal na pagpaslang kay Jullebee Ranara, ang Pinay OFW sa Kuwait na pinatay naman ng anak ng kanyang amo. Bunsod ng panibagong insidente ay muling…

Read More

KASONG PLUNDER INIHAIN VS BANTAG

HINDI pa man ganap na umuusad ang kasong murder na isinampa laban kay dating Bureau of Corrections (BuCor) Director Gerald Bantag kaugnay ng pamamaslang sa isang batikang komentarista, dagdag asunto ang inihain naman ng kawanihan na dati niyang pinamumunuan kaugnay ng di umano’y anomalya sa likod ng mga isinulong na proyekto. Kasong plunder, malversation of public funds, falsification of official documents, graft at paglabag ng Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees ang isinampa ni BuCor acting chief Gregorio Catapang sa tanggapan ng National Prosecution Service…

Read More

GABINETE NI PBBM ‘SHAKY’ PA RIN – SOLON

(BERNARD TAGUINOD) HINDI pa masasabing matatag ang pamunuan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., halos walong buwan matapos siyang pormal na maupo sa pwesto. Bagama’t walang direktang impormasyon ang mga militanteng mambabatas na nakikialam si First Lady Liza Araneta-Marcos sa appointment ng tao sa gobyerno, naghihinala pa rin ang mga ito na may kinalaman ang maybahay ng Pangulo kaya hindi mabuo-buo ang gabinete nito. “Bagama’t wala tayong first hand information pero lumilitaw na hanggang ngayon ay hindi pa natatapos ang girian tungkol sa appointed position,” pahayag ni Kabataan party-list Rep.…

Read More

PINAS MAIIPIT SA AWAY NG US AT CHINA

(JESSE KABEL RUIZ) NAPIPINTONG maipit sa pagitan ng dalawang nag-uumpugang bato ang Pilipinas bunsod ng itinakdang pagpapalawak ng access ng pwersang Amerikano sa mga base militar ng bansa. Partikular na tinukoy ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang kasunduang hudyat para sa pagbabalik ng West Philippine Sea Joint Maritime Patrol sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos, batay sa kumpirmasyon ng US Defense Department. Sa pagbisita sa bansa ni US Defense Sec. Lloyd Austin III, inihayag ang pagpapalawak ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) na nagbibigay pahintulot na makapasok…

Read More

CHINA NANGDIDIKTA SA PINAS?

DPA Ni Bernard taguinod NABENTA na ba talaga tayo dahil tila ang lakas ng loob ng China na diktahan tayo kung ano ang dapat nating gawin para maprotektahan ang ating seguridad na kanilang sinasalaula dahil alam nilang wala tayong laban sa kanilang military might? Ang lakas ng loob ng China na balaan tayo at dahan-dahan sa pakikipag-ugnayan sa Amerika nang pumunta dito si US Defense Secretary Lloyd Austin para ikasa ang karagdagang apat na Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) locations sa Pinas. Hu u? Dehadong-dehado tayo sa China sa West…

Read More

PARA KANINO BA ANG KALSADA?

KAALAMAN Ni Mike Rosario MASARAP makita na hindi nahihirapan ang mga commuter ‘pag nakikita mo na mabilis ang mga bus na dumadaan sa EDSA dahil sa bus lane. At lalong napakasarap isipin na may batas na umiiral sa Pilipinas kung nababasa mo sa social media SPORTS CAR, na ang dumaan sa bus lane ay pinadadalhan ng subpoena, SUV na nangahas dumaan sa naturang linya ay sinuspinde ang lisensya, astig na astig tingnan ang batas natin, walang inuurungan at talaga namang ginagamit ang kanilang kapangyarihan para ipatupad ang batas. Subalit sa…

Read More

COURTESY RESIGNATION TAGUMPAY, PERO….

PUNA Ni Joel Amongo MATAGUMPAY nga ang panawagan o apela ni Department of the Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos sa courtesy resignation ng full coronels at generals, pero malabong maresolba ang pagkakasangkot ng mga ito sa illegal drugs. Sa isinagawang press conference ni Abalos kamakailan sa Palasyo ng Malakanyang, kasama ni Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Rodolfo Azurin, Jr., lumalabas na mula sa 955 full coronels at generals, 12 nito ang hindi nag-file ng kanilang resignation. Ang 5 ay retired na raw at ang 6 ay magreretiro…

Read More

BARANGAY CHAIRMAN SA LAGUNA SUGATAN SA PAMAMARIL

LAGUNA – Sugatan ang barangay chairman ng Barangay San Antonio, Biñan City matapos na pagbabarilin sa loob ng restaurant noong Linggo ng hapon. Ayon sa report ng Biñan City Police, nasa ligtas nang kalagayan ang 50-anyos na biktimang si Barangay Chairman Michael Gonzales. Nabatid sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-1:40 ng hapon, nakaupo ito sa loob ng restaurant katabi ang dalawa pa, nang asintahin ito ng hindi kilalang suspek mula sa pintuan ng establisyemento. Anim na beses itong  pinaputukan ng suspek at tatlong bala ang tumama sa biktima. Mabilis na tumakas ang suspek na…

Read More

JEEP GALING SA OUTING NAHULOG SA BANGIN, 10 SUGATAN

BATANGAS – Umabot sa sampu katao ang sugatan, kabilang ang driver ng isang pampasaherong jeep na nahulog sa mababaw na bangin sa national highway sa Barangay Natipuan, sa bayan ng Nasugbu sa lalawigang ito, nitong Lunes ng madaling araw. Ayon sa report ng Nasugbu Police, galing sa outing sa beach sa Matabungkay, Lian, Batangas ang mga biktima at pauwi na sa Imus, Cavite nang mangyari ang aksidente sa Nasugbu-Ternate road dakong alas-2:00 ng madaling araw. Base sa imbestigasyon, tinatahak ng nasabing jeep na may 27 sakay, ang pababang bahagi ng highway nang mawalan ito ng…

Read More