Sa laban sa ICC – Colmenares BUWIS NI JUAN ‘WAG LUSTAYIN KAY DUTERTE

HINDI dapat ginagastusan ng gobyerno mula sa buwis ng taumbayan ang pagdepensa kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC). Ginawa ni Bayan Muna chairman at dating Congressman Neri Colmenares ang pahayag kasabay ng pagbubunyi na tinabla ng ICC Appeals Chamber ang kahilingan ng Marcos-Duterte administration na suspendihin ang imbestigasyon sa war on drugs ng dating pangulo. “We reiterate our demand that the Philippine government withdraw any use of public funds for the defense of ex-president Duterte considering the budget deficit and extreme economic conditions that the country…

Read More

PNP KINALAMPAG SA KIDNAPPING NA INUUGNAY SA POGO

KINALAMPAG ng ilang senador ang Philippine National Police upang muling busisiin ang pagkakasangkot ng mga Philippine Offshore Gaming Operators o POGO sa mga insidente ng kidnapping at iba pang krimen. Ito ay sa gitna ng karumal-dumal na pagpatay sa isang Filipino-Chinese businessman na posible umanong may kinalaman sa operasyon ng POGO. Sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian na lumabas na sa mga naunang imbestigasyon na ginagamit ang POGO para sa pagpasok ng mga criminal syndicate sa bansa. Iginiit ng senador na dapat muling suriin ng PNP ang mga aktibidad ng POGO…

Read More

PLEBISITO SA CARMONA, CAVITE BILANG COMPONENT CITY SA JULY 8

KASADO na ang pagdaraos ng plebesito sa Hulyo 8 para sa conversion ng munisipalidad ng Carmona sa Cavite bilang component city. Ayon ito sa Commission on Elections (Comelec) Resolution No. 10901 na isinapubliko noong Lunes. Itinakda ng Comelec ang information and campaign period mula Hunyo 8 hanggang Hulyo 6. Sa nasabing panahon, ipagbabawal na tanggalin, sirain, at pakialaman ang mga legal na materyales sa propaganda ng plebisito; appointment o pagkuha ng mga bagong empleyado o pag-promote o pagbibigay ng mga pagtaas ng suweldo; pagpapalabas ng pampublikong pondo; pagbili ng boto at pagbebenta…

Read More

GOBYERNO NAGPABAGSAK SA SEKTOR NG PAGSASAKA

SA halip tulungan upang umunlad ang kanilang buhay, gobyerno mismo ang naging dahilan ng pagbagsak ng kabuhayan ng mga magsasaka. Ito ang pahayag ng women’s peasant group na Amihan, kaugnay ng report ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang magsasaka at mangingisda ang pinakamahirap na sektor sa lipunan. Ayon kay Zenaida Soriano, chairperson ng Amihan National, mula 2019 nang ipatupad ang Republic Act (RA) 11203 o Rice Tariffication Law (RTL), nalugmok lalo sa kahirapan ang mga magsasaka. Nawalan kasi aniya ang mga ito ng tinatayang P261 billion mula 2019 hanggang…

Read More

2 NPA PATAY, 2 PA ARESTADO

NAPATAY ang dalawang hinihinalang Communist NPA Terrorist habang arestado ang dalawa pa nilang kasamahan sa inilunsad na tactical operation ng Philippine Army 4th Infantry Division sa Sitio Vertudazo, Brgy. San Juan, Bayugan City, Agusan Del Sur kahapon ng madaling araw. Nakasamsam din ang tropa ng Army 4ID ng dalawang high powered firearms kasunod ng sagupaan. Sa ulat, naglatag ng joint operation ang pinagsanib na puwersa ng 3rd Special Forces Battalion (3SFBn) sa ilalim ng 401st Infantry Brigade na pinamumunuan ni Brig. Gen. Rommel Almaria, at 65th Infantry Battalion at 2nd…

Read More

1 PATAY, 7 SUGATAN SA KARAMBOLA NG 4 SASAKYAN

BATANGAS – Isa ang patay habang pito ang sugatan matapos magkarambola ang apat na sasakyan sa Lipa-Ibaan Road, sa Barangay Mabini, Lipa City dakong alas-9:00 noong Lunes ng gabi. Nagsimula ang karambola matapos na araruhin ng isang humahagibis na kotseng Toyota Vios na minamaneho ng isang menor de edad na estudyante, ang dalawang tricycle. Ayon sa report ng Lipa City Police at base sa kuha ng CCTV ng isang establisyemento sa lugar, unang sinalpok ng kotse ang isang nakahintong tricycle sa kanto na tatawid sana sa highway. Sa lakas ng…

Read More

4 TIKLO SA PAGBEBENTA NG GCASH ACCOUNTS

kulong

ARESTADO sa serye ng operasyon ng National Bureau of Investigation-Cybercrime Division (NBI-CCD) ang apat na indibidwal dahil sa pagbebenta ng Gcash accounts. Iniharap ng NBI sa mga mamamahayag ang mga suspek na sina Jay Cortez, Kevin Mark Maboloc, Jeffrey Miguel at Jeffrey Ilagan. Sa ulat kay NBI Director Medardo De Lemos, gumamit ng undercover Facebook account ang mga operatiba at nakipagtransaksyon sa mga suspek na nag-o-operate umano sa Quezon City at Tondo. Kasunod nito, isa-isang naaresto ang mga suspek sa Quezon City at Tondo, Manila. Nabatid na ang bawat account…

Read More

LALAKI NAGTANGKANG TUMALON SA TULAY SA SAMPALOC

ISANG lalaki na nagtangkang magbuwis ng buhay ang nasagip ng mga awtoridad sa Mabini Bridge sa Sampaloc, Manila noong nakaraang Lunes. Ayon sa ulat ng Manila Police District, kinilala ang biktimang si Armon Quinagoran, 30, at residente ng Sampaloc, Manila. Ayon kay Police Lieutenant Colonel Wilson Villaruel, commander ng Manila Police District – Sampaloc Police Station 4, bandang alas-11:30 ng tanghali nang makatanggap sila ng report hinggil sa isang lalaki na nagtatangkang tumalon mula sa tulay ng northbound ng Mabini Bridge. Dahil dito, agad na nagtungo sa lugar si Villaruel kasama ang kanyang…

Read More

5 LAGLAG BARYA GANG MEMBERS NATIKLO

BINITBIT ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) Bike Patrol ang limang miyembro ng tinaguriang Laglag Barya gang makaraang dumayo at umatake sa lungsod ng Maynila noong Lunes ng umaga. Pawang mga residente ng lalawigan ng Laguna ang mga suspek na kinilalang sina Harold Royola, 37; Ireneo Gonzales, 48; Ian Manalang Gonzales, 28; Pepito Villanueva Jr., 50, at Renan Encarnacion, 36. Base sa ulat ng pulisya, nangbiktima ng dalawa katao ang grupo sa Taft Avenue malapit sa Pablo Ocampo Street, Malate, Manila na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek. Ayon sa imbestigasyon…

Read More