Pagsasanib ng Landbank at DBP nilarga ni PBBM JOBLESS PINOY MADARAGDAGAN

(CHRISTIAN DALE) MADARAGDAGAN na naman ang bilang ng mga walang trabaho ngayong inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang pagsasanib ng Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines (DBP). Kaugnay ito sa layunin ng pamahalaan na pagtitipid. Sa pagtaya ng gobyerno, aabot sa P5.3 bilyon sa unang taon at aabot naman sa P20 bilyon para sa unang apat na taon ang maisusubi sa nasabing pagsasanib. Sa Malacanang Press briefing, sinabi Finance Secretary Benjamin Diokno na target nilang maipatupad ang merging bago matapos ang taon.…

Read More

NAPERWISYO NG OIL SPILL SA MINDORO DAPAT BAYARAN

BALYADOR ni RONALD BULA IGINIIT ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel na mabigyan ng kompensasyon ang mga komunidad na naperwisyo ng oil spill dulot ng paglubog ng MT Princess Empress. Ayon kay Pimentel, alinsunod ito sa itinatakda ng Oil Pollution Compensation Law of 2007 o Republic Act No. 9483. Sabi ni Pimentel, malinaw sa batas na may pananagutan ang may-ari ng mga oil tanker na magdudulot ng polusyon o pinsala at dapat nitong bayaran ang lahat ng maapektuhan. Binanggit ni Pimentel na sa kaso ng MT Princess Empress ay dapat…

Read More

COUN. DOK G LUMBAD KABILANG SA 100 MOST POWERFUL WOMEN

TARGET NI KA REX CAYANONG NARARAPAT ipagmalaki ang husay at galing ng kababaihan sa pamumuno. Maraming ganyan sa ating bansa. Mahalaga ang papel ng kababaihan sa lipunan. Isa sa mga halimbawa ng mahuhusay na mga Pinay at lider ay walang iba kundi si Coun. Geleen “Dok G” Lumbad ng Quezon City. “Pinarangalan ang mga natatanging kababaihang lingkod-bayan sa ating lungsod sa ginanap na Gawad Pilipino Awards bilang pagkilala sa kanilang husay at galing sa larangan ng serbisyong publiko,” pahayag ni Dok G, isa sa awardees. Bukod kay Lumbad, kasama rin sa…

Read More

AYAW LANG MASAPAWAN

BINUTATA ni Vice President and Education Secretary Sara Duterte ang mungkahi ng Alliance of Concerned Teachers’ (ACT) na kumuha ang Department of Education (DepEd) ng 30,000 teachers kada taon hanggang 2028 para sa tamang laki ng klase ng 35 estudyante. Para mabigyan ng solusyon ang classroom backlog na mahigit 165,000, hinikayat ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Representative France Castro ang pamahalaan na magtakda ng education budget na 6% ng GDP. Ang napala ng mungkahi: ngitngit mula sa kalihim, na tahasang nagdeklara na ito ay hindi makatotohanan…

Read More