MGA ESTUDYANTE SA QUEZON SA LABAS NG CLASSROOM NAGKLASE

DAHIL sa matinding init ng panahon, sa labas na ng eskwelahan nagsagawa ng klase ang isang section ng mga mag-aaral sa senior high school sa Lutucan, Sariaya, Quezon. Ayon sa kanilang  guro na si Joel Casungcad, habang hindi pa anya mainit ang lugar, sa lilim sa labas ng classroom niya pinag-exam ang kanyang hawak na grade 12 students sa Lutucan Integrated National High School. Ito ay upang maiba naman daw ang experience at makalanghap ng sariwang hangin ang mga mag-aaral habang nag-e-exam at maiwasan na rin ang mainit at siksikang…

Read More

BATANGAS MALL NABULABOG SA BOMB SCARE

BATANGAS – Nabulabog ang isang mall sa Tanauan City sa lalawigang ito nang may matagpuang abandonadong kahon noong Huwebes ng gabi. Ayon sa report ng Tanauan City Police, nakatanggap sila ng tawag mula sa security office ng Victory Mall and Market sa Tanauan-Talisay Road, Barangay Poblacion 7, dakong alas-7:30 ng gabi. Isang kahina-hinalang kahon umano ang iniwan ng hindi kilalang may-ari nito sa isang bahagi ng mall. Agad kinordon ng mga tauhan ng Tanauan City Police ang lugar at pinalabas ang mga tao. Pansamantalang isinara rin ang mga kalsada sa…

Read More

P.6 MILYON SHABU, NASAMSAM SA HVI

CAVITE – Tinatayang mahigit sa kalahating milyon pisong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam mula sa isang umano’y tulak ng ilegal na droga at nasa listahan ng High Value Individuals, sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Sabado ng gabi. Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Art II. ng RA 9165 ang suspek na si Leonardo Francisco Bautista, 31, ng Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas City. Ayon sa ulat, dakong alas-7:15 ng gabi nang nagsagawa ng buy-bust operation ang pinagsanib na pwersa ng Station Drug Enforcement Unit…

Read More

SHUTTLE BUS DRIVER PATAY SA CENTER ISLAND

patay

BATANGAS – Patay ang isang shuttle bus driver matapos araruhin ang center island sa JP Laurel Highway sa bayan ng Laurel sa lalawigang ito, noong Sabado ng madaling araw. Ayon sa report, binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa ospital sa Lipa City ang 44-anyos na biktimang si Edgardo Ocampo, residente ng Cabuyao City, Laguna. Nabatid sa imbestigasyon, bandang alas-4:30 ng umaga, patungo sa direksyon ng Lipa ang Kia DNL shuttle bus nang bumangga ito sa center island sa hindi pa malamang dahilan. Sa lakas ng impact, nawasak ang unahan ng bus…

Read More

CONG. TEVES, INOSENTE SA PAGKA-MATAY NI DEGAMO

Muling iginiit ni Negros Oriental 3rd District Congressman Arnolfo “Arnie” Teves na wala siyang kinalaman sa pagkamatay ni Governor Roel Degamo sa panayam sa kanya ng mga taga-media. Sa pagtatanong sa kanya (Teves), na kung may kinalaman siya sa pagpatay kay Gov. Degamo diretsahan nitong sinagot na wala. “Ganito kasi yan, pag may krimen, Ano yung motibo? Ano namang mapapala ko sa kanya? Di ba wala, wala akong…hindi na makakaupo kapatid ko, is nothing for us”, pahayag pa ni Teves. Ang alegasyon ng Senado, pagharang ng gobernador sa e-Sabong operation…

Read More

DALAWANG MILYONG PUNONG NAPALAGO, IPINAGDIRIWANG NG ONE MERALCO KASABAY NG EARTH DAY 2023

Kasama ng One Meralco Foundation ang mga employee volunteer mula sa Meralco sa ginanap na tree planting activity sa Siniloan, Laguna bilang bahagi ng programang One for Trees. Kamakailan ay umabot na sa dalawang milyon ang kabuuang bilang ng mga punong nasa ilalim ng pangangalaga ng nasabing programa. Umabot na sa mahigit dalawang milyong puno ang naitanim ng One Meralco sa iba’t-ibang bahagi ng bansa, isang tagumpay na ipinagdiwang ng grupo kasabay ng Earth Day ngayong taon. Pinangungunahan ng One Meralco Foundation (OMF), ang social development arm ng Meralco, ang…

Read More

ACT-CIS NAGPASALAMAT SA SAUDI GOVERNMENT

PINASALAMATAN ng ACT-CIS party-list ang pamahalaan ng Saudi Arabia dahil sa pag-evacuate ng ilang Pilipino mula Sudan patungo ng Jeddah, Saudi Arabia noong Sabado. Ayon kay ACT-CIS Cong. Edvic Yap, “several Filipinos in Sudan were accommodated by the Saudi Navy noong Sabado kabilang ang iba pang foreign nationals.” Aniya, “pinoproblema nga ng ating Department of Foreign Affairs (DFA) dito at mga embahada natin sa middle east kung papaano ilikas mga kababayan natin doon dahil walang tigil ang putukan at bombahan sa pagitan ng militar at paramilitary force ng nasabing bansa.”…

Read More

SPEAKER DODOBLEHIN PA PAGTATRABAHO

“DODOBLEHIN pa natin ang pagtrabaho sa pamamagitan ng paggawa ng mga batas na makakabuti sa pamumuhay ng bawat Pilipino lalo na ang mga mahihirap”. Ito ang pahayag ni House Speaker Ferdinand Romualdez matapos sumirit ng 15 points ang satisfaction rating ng mga tao sa kanya na ngayon ay nasa 59 percent na, habang lumundag ng 17 percent naman ang tiwala ng mamamayan sa kanya na nasa 55 percent na ngayon base yan sa pinakahuling Tugon ng Masa survey ng OCTA Research group nitong Marso lang. “Marami pang batas ang dapat…

Read More

8 PUBLIC ASSISTANCE CENTER BINUKSAN SA DAVAO NG ROMUALDEZ COUPLE

WALONG Public Assistance Center ang binuksan nina Tingog party-list Rep. Yedda Marie K. Romualdez at Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa iba’t ibang lugar sa Davao region. Unang pinasinayaan ang mga Alagang Tingog Center (ATC) sa Samal Island, Panabo City, at bayan ng Carmen sa Davao del Norte. “Consistent with Tingog’s mission to bring forth change, hope, and progress, we are pursuing the mission to reach out to more people, especially those in remote areas, to make it easier for them to avail of government services,” ani Rep. Romualdez. Kumpiyansa…

Read More