BBM TAGILID SA PAGKABIYAK NG UNITEAM

(BERNARD TAGUINOD) HINDI pa man nakaka-isang taon sa pwesto si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., biyak na ang kanilang Uniteam ni Vice President Sara Duterte kaya hindi malayong manganib ang kanyang administrasyon. Ganito ang basa ni ACT party-list Rep. France Castro matapos tuluyang masira ang Uniteam nang patalsikin bilang pangalawang pinakamataas na lider ng Kamara si Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo. Sa press conference ng Makabayan bloc, sinabi ni Castro na may dahilan kung bakit tinanggal si Arroyo at hindi lamang ito prerogatibo ng liderato ng Kamara. “Ang tinitingnan natin…

Read More

TUBIG, KURYENTE TIPIRIN – PBBM

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang publiko at local government units na magtipid sa paggamit ng tubig at power resources dahil sa pagharap ng Pilipinas sa El Niño ngayong taon. “The Philippines’ power demand far exceeds the supply in the country, and the 35 percent decrease in rainfall has already affected several dams, irrigation systems and hydroelectric power plants,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang YouTube vlog. “Ang DILG inatasan natin na paratingin sa mga LGU ang kampanya natin sa pag-mitigate ng impact ng El Niño gaya ng pagtitipid…

Read More

ARTIKULO SA GAMOT SA HYPERTENSION FAKE NEWS – DOH

BINALAAN ng Department of Health (DoH) ang publiko kaugnay sa kumakalat na maling artikulo tungkol sa gamot para sa hypertension. Nilinaw rin ng DoH, na ang nasabing post ay hindi aprubado o rekomendado ng ahensya at na affiliated agencies nito. Pinaalalahanan din ng ahensya ang lahat na ang non-communicable diseases at comorbidities tulad ng hypertension ay maiiwasan. Paalala nito, ugaliin ang health habits at healthy lifestyle gaya ng tamang diet at ehersisyo bukod sa iba pa. Siguraduhin din na regular na magpatingin at komunsulta sa doktor upang maiwasan magkasakit. Patuloy…

Read More

GILAS PILIPINAS, TAGUMPAY SA PAG-UWI NG KAMPEONATO SA 32ND SEA GAMES

SA GANANG AKIN ALAM ng kahit sinong sumubaybay sa 32nd Southeast Asian (SEA) Games na hindi naging madali para sa mga atleta ng iba’t ibang larangan mula sa iba’t ibang bansa ang kaharapin ang mga naturalized player ng Cambodia. Bilang host ng SEA Games ngayong taon, ang Cambodia ay mayroong pribilehiyong baguhin ang mga patakaran sa naturang torneyo. Isa sa mga pagbabagong ipinatupad nito ang pag-alis ng limitasyon sa bilang ng mga naturalized player na maaaring isama sa hanay ng mga manlalaro. Isa ang basketball sa mga larangan kung saan…

Read More

CONG. TEVES MAGAYA KAYA KAY NINOY?

BISTADOR ni RUDY SIM INALMAHAN ni Negros Oriental 3rd District Congressman Arnolfo “Arnie” Teves Jr. ang memorandum order umano ng Bureau of Immigration (BI) na harangin ito sakaling bumalik sa bansa. Ibinunyag ni Teves ang order umano ni BI Commissioner Norman Tansingco na inalerto ang lahat ng immigration officers sa bansa noong May 17 na harangin at makipagtulungan sa iba’t ibang law enforcement agencies kapag lumapag saan mang paliparan si Teves. Ayon kay Teves, nakapagtataka umano na ipinalabas ang nasabing kautusan ng BI na wala pang kasong naisampa laban dito…

Read More

PAGLAPIT NI VP SARA SA MGA KOMUNIDAD AT SERBISYO NI ANTIPOLO MAYOR JUN YNARES!

TARGET NI KA REX CAYANONG TULOY-TULOY ang pag-iikot ng mga tauhan ng Office of the Vice President (OVP) sa mga probinsya para mamahagi ng tulong. Pinangungunahan ito Vice President at Department of Education Sec. Inday Sara Duterte. “Ipinaabot ko sa ating mga Barangay Health Workers (BHWs) ang aking mataas na respeto at personal na pasasalamat sa kanilang taos-pusong pagsusumikap at dedikasyon upang matiyak ang mabuting kalusugan ng mga tao sa mga komunidad, lalo na sa mga kabataan at kababaihan,” masayang sabi ni VP Sara. Ito ay ginawa ni VP Sara sa…

Read More

MAPABUBUTI KAYA SA ILALIM NG OFFICE OF THE PRESIDENT?

ITINATAG ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) noong 1995 upang ipatupad ang universal health coverage sa Pilipinas. Ito ay government-owned and controlled corporation (GOCC) ng Pilipinas at nakakabit sa Department of Health. Layon nito na masiguro na mapanatili at patuloy ang national health insurance program para sa lahat. Ang PhilHealth na naitatag sa pagpasa ng Republic Act (RA) 7875 ay pumalit sa Medicare na itinatag noong 1969 at ipinatupad noong Agosto 1971. Ngayon, may mungkahi na ilipat ang pangangasiwa ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa Office of the President.…

Read More

RIDER PATAY, ANGKAS SUGATAN SA PUNO NG MANGGA

CAVITE – Nalagutan ng hininga sa pinangyarihan ng insidente ang isang babaeng rider habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang angkas nito nang sumalpok sa puno ng mangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Dasmariñas City nitong Linggo ng madaling araw. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng biktimang namatay sa pinangyarihan ng insidente habang kinilala ang angkas nito na si Elenith Algafera, 18-anyos, inoobserbahan sa Pagamutan ng Dasmariñas. Ayon sa ulat, minamaneho ng ‘di kilalang babaeng rider ang kanyang motorsiklong Yamaha Mio at angkas si Algafera habang binabagtas ang kahabaan ng Molino-Paliparan…

Read More

LALAKI TIKLO SA SEXTORTION SA EX-GF

DINAMPOT ng mga operatiba ng Manila District Anti-Cybercrime Team (MDACT) ang isang 27-anyos na lalaki na sangkot sa sextortion, sa ikinasang entrapment operation sa Bocaue, Bulacan. Kinilala ni Police Brigadier General  Sidney Hernia, Chief ng Regional Anti-Cybercrime Group, ang suspek na si Ravinner Denusta Cruz, 27, sinampahan ng kasong grave coercion, photo and video voyeurism at paglabag sa Violence Against Women and their Children Act. Ayon kay Major Philipp Ines, ng Public Information Office (PIO), dating karelasyon ng suspek ang biktimang dalaga at nagkaroon sila ng ugnayang sekswal. Ngunit kalaunan…

Read More