HANDA ang Commission on Human Rights (CHR) na makipagtulungan sa International Criminal Court (ICC) sa imbestigasyon nito sa drug war sa Pilipinas sa ilalim ng liderato ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Gayunman, walang ideya at hindi pa alam ni CHR chair Richard Palpal-Latoc kung anong ‘specific cases’ ang titingnan ng ICC. Bukod dito, hindi pa hinihingi ng ICC ang tulong ng komisyon kaugnay sa anomang kaso. Ang huling kaganapan hinggil sa ICC ay nang magbotohan ang Appeals Chamber nito noong Hulyo 18 kung saan lumabas na 3-2 ang boto…
Read MoreDay: August 23, 2023
SI MAYOR ABBY SINISISI KUNG BAKIT NAWALA EMBO SA MAKATI
CLICKBAIT ni JO BARLIZO TATLONG dekada na ang tinakbo ng legal na agawan sa pagitan ng Taguig at Makati, mula sa Regional Trial Court, Court of Appeals hanggang sa Korte Suprema. Kung hindi na inakyat ng Makati City ang usapin sa Korte Suprema ay nahinto na ang usaping legal, at marahil nasa kanila pa rin ang Embo Barangays habang nanatili na lamang sa Taguig ang pinag-aagawang Bonifacio Global City (BGC). Ito ang ating palagay. Ito rin ang tingin ng ibang mga nasa legal profession tulad ni Atty. Darwin Cañete, prosecutor…
Read MoreSEN. TOLENTINO DUDA SA DAHILAN NG PAGTAKAS NG INMATE SA BILIBID
BANAT BY NO ONE ABOVE THE LAW TUMUTOK si Senador Francis Tolentino sa pinakabagong mga pangyayari hinggil sa pagtakas ng isang bilanggo mula sa New Bilibid Prison, na nagbigay daan sa mga tanong hinggil sa kung ano ang tunay na mga dahilan ng pagtakas nito. Ayon sa senador, malabo ang sinasabing pumasok ang bilanggo sa ilalim ng isang truck para makatakas. Tumutok din ang senador sa iba’t ibang kuwento ng pugante, at may mga punto siyang ipinakita na nagdudulot ng duda sa kanyang isipan. Mga Palaisipan Hinggil sa Pagtakas Ayon…
Read MoreBAKIT WALANG KUMUKUHA BILANG GUEST SPEAKER KINA BBM AT SARA?
DPA ni BERNARD TAGUINOD MARAMI ang nagtatanong, kasama ako siyempre, bakit walang kumukuha bilang guest speaker kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Vice President Sara Duterte sa Commencement Exercises o sa graduation ng mga estudyante. Sa social media, purong si dating Vice President Leni Robredo ang laging kinukuhang maging guest speaker ng malalaking eskuwelahan, hindi lamang sa Metro Manila kundi sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Noong panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino, may mga eskuwelahan ang kumukuha sa kanya para magbigay ng inspirasyon sa nagtatapos na mga estudyante at…
Read MoreMAG-AMANG PAREHAS NA MAY INISYAL “AA” SA KYUSI, ILEGALISTA?
PUNA ni JOEL O. AMONGO NAKATANGGAP ng impormasyon ang PUNA na ang mag-amang may parehas na inisyal na “AA” ang pangalan sa Quezon City, ay ilegalista? Namamayagpag umano ang dalawa sa kanilang ilegal na gawain sa nasabing lungsod at wala silang pakialam sa mga awtoridad. Si anak ay baguhang politiko matapos manalo nitong nakaraang 2022 presidential and local elections. Ang kanyang ama ay maraming nakakikilala na may pagka-magulang pagdating sa usapin sa pera. Siyempre kung ‘ano ang puno, ganoon din ang bunga’ kaya nagkakasundo ang dalawa sa lahat ng kanilang…
Read MoreSUSPENSYON SA COMPLETION NG BALOG-BALOG DAM BANTA SA MAGSASAKA
MALAKING banta sa suplay ng tubig para sa irigasyon ng malawak na plantasyon ng palay ng mga magsasaka sa Luzon ang suspensyon sa completion work ng Balog-Balog multipurpose dam, ayon sa grupo ng construction companies na nagtatrabaho para sa P5.8 bilyong dam project sa lalawigan ng Tarlac. Nabatid na ang ITP construction Inc. at Guangxi Hydroelectric Construction Bureau Co. Ltd., consortium ng construction companies, ay nagsumite na ng liham kay Pang. Ferdinand Marcos Jr., upang magpahayag ng pagtutol sa aksyon ng kasalukuyang pamunuan ng National Irrigation Administration (NIA) para i-terminate…
Read MoreRESTAURANT CUSTOMERS HINOLDAP, 1 TIMBOG
CAVITE – Nasa kustodiya na ng Cavite Police ang isang suspek habang tinutugis ang lima pang kasamahan nito na nangholdap sa walong customer na kumakain sa isang restaurant sa Imus City noong Lunes ng gabi. Kinilala ang naarestong suspek na si Lem John Rutaquio, nasa hustong edad, habang pinaghahanap ang limang iba pa, kabilang ang isang alyas “Macmac”, na pawang armado at lulan ng tatlong motorsiklo. Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant Edilberto Reyes ng Imus City Police Station, dakong alas-11:10 ng gabi noong Lunes nang holdapin ng mga…
Read MoreOUTLET COORDINATOR NAGNAKAW PARA SA ONLINE SABONG
CAVITE – Tinatayang P95,817 cash ang tinangay ng isang outlet coordinator ng isang battery trading company, at nilustay sa online sabong sa Bacoor City, noong Martes ng gabi. Kasong qualified theft ang kinahaharap ng arestadong suspek na si Christopher Ensomo y Alceso, 35, dahil sa reklamo ni Anne Jastine Estomo, 28, encoder/auditor ng Superdouble R Battery Trading. Ayon sa ulat, dakong alas-6:00 ng umaga nang magtungo si Estomo sa kanilang tindahan sa 333, Net Square Building, Molino Boulevard, Brgy. Bayanan, Bacoor City at hiningi sa suspek ang remittance ng sales…
Read MorePURA LUKA VEGA, ‘PERSONA NON GRATA’ SA LUCENA
QUEZON – Idineklara na rin bilang “persona non grata” sa Lucena City ang kontrobersyal na drag artist na si Amadeus Fernando Pagente, o mas kilala bilang si Pura Luka Vega. Sa kanyang Facebook page noong Martes, Agosto 22, inanunsyo ni Lucena City Councilor Benito Brizuela Jr., ang pagdedeklara kay Pagente bilang persona non grata sa pamamagitan ng isang resolusyon na ipinasa at sinuportahan ng buong City Council. “Sa tulong ng Sanggunian, matagumpay nating naipasa ang resolusyon na nagdedeklara kay Amadeus Fernando Pagente, o mas kilala bilang si Pura Luka Vega,…
Read More