PEACE TALKS POSIBLENG ISABOTAHE

BAGAMA’T ikinatuwa ng mga militanteng mambabatas na babalik sa peace negotiating table ang gobyerno ng Pilipinas at mga rebeldeng grupo, nangangamba pa rin ang mga ito na posibleng isabotahe ito ng National Task Force-End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). Ginawa ni House deputy minority leader France Castro ang pahayag kaugnay ng pagbuhay sa peace talks pagkatapos ng anim na taon mula nang ipatigil ito ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. “We hope that the Marcos Jr. administration would stick with the peace negotiations and not listen to the hawks and peace…

Read More

SMARTMATIC DISQUALIFIED NA SA COMELEC PROCUREMENT

DINISKWALIPIKA na ng Commission on Elections (Comelec) ang technology provider Smartmatic sa paglahok sa lahat ng procurement ng ahensya. Inihayag ito kahapon ni Comelec chairman George Garcia. “We have to maintain integrity to our electoral process. Para sa bayan,” ayon pa kay Garcia. Matatandaang nanawagan sina former Information and Communications Technology Secretary Eliseo Rio, ex-Comelec Commissioner Augusto Lagman at iba pang petitioners na repasuhin ang qualifications ng Smartmatic matapos ang mga iregularidad umano sa nakalipas na 2022 polls. Gayunman, nilinaw ni Garcia na walang kinalaman ang petisyon ng mga nabanggit…

Read More

E-TRAINS AT E-TRICYCLES LABAN SA MGA SAKIT DULOT NG AIR POLLUTION

GINANAP ang isang historical closing at awarding ceremony ng isang national environmental watchdog sa Cuneta Astrodome kahapon kasama ang Philippine National Railways (PNR) sa pamumuno ni PNR Chairman Michael Ted Macapagal at ang buong Metro Manila Tricycle Operators and Drivers Association (NCR-TODA) na pinangunahan ng Presidente nito na si Ace Sevilla. Ayon sa Clean Air Philippines Movement, Inc. (CAPMI), naganap ang selebrasyon sa pakikipagtulungan ng Pasay City Local Government sa pangunguna ni Mayor Emi Calixto -Rubiano at ng grupong nagbabantay sa kalikasan ng bansa. Sinabi ng CAMPI na ang Electric…

Read More

Kinilala bilang Top Requested and Performing Agency NTC MULING NAKATANGGAP NG FOI AWARDS

SA ikaanim na sunod na taon ay muling tumanggap ng pagkilala ang National Telecommunications Commission (NTC) sa idinaos na seremonya para sa 2023 Freedom of Information (FOI) Awards. Ang pagkilala ay iginawad ng Presidential Communications Office (PCO) sa pamamagitan ng Freedom of Information – Project Management Office (FOI-PMO). Kinilala ang NTC bilang Top Requested and Performing Agency sa eFOI Portal na mayroong 500 hanggang 999 requests at nakapagtala ng at least 90% closed transactions. Ito na ang ikaanim na sunod na taon na ang NTC ay tumanggap ng pagkilala mula…

Read More

BBM MASISIRA SA INTERNATIONAL COMMUNITY SA ISYU NG ICC

MASISIRA sa international community si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kapag sumunod sa kanyang bise presidente na si Sara Duterte na kontra sa pakikipagtulungan ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC). Ito ang babala ni Bayan Muna chairman at dating Congressman Neri Colmenares matapos makiusap si Duterte sa Department of Justice (DOJ) na huwag payagan ang ICC probers na pumunta sa Pilipinas para mag-imbestiga sa war on drugs. “By following VP Duterte’s stand and refusing to cooperate with the ICC, the government will send a message that it is not…

Read More

MGA BARIL NI COL. ABONG PINAKUKUMPISKA NG DILG

INATASAN ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ang Philippine National Police (PNP) na agad kumpiskahin ang tatlong licensed firearms ng police official na sangkot sa pagpapaputok ng baril sa labas ng restobar isa Quezon City. Ang direktiba ni Sec. Abalos ay inilabas matapos bawiin ng PNP Firearms and Explosives Office (FEO) ang lisensya ng tatlong baril ng suspek na si PLt. Col. Mark Julio U. Abong. Magugunitang si Abong na may dismissal order, ay naaresto noong nakalipas na linggo dahil sa ‘unprovoked firing of guns’ sa harapan ng…

Read More

LOCAL PRICE COORDINATING COUNCIL PINAKIKILOS

BUNSOD na papalapit na Yuletide season, inatasan ni Department of the Interior and Local Governments Secretary Atty. Benjamin Abalos Jr. ang lahat ng local chief executives sa buong bansa na bumuo at pakilusin ang kani-kanilang Local Price Coordinating Council (LPCC). Ayon kay SILG Abalos, layunin nito na subaybayan at tutukan ang supply at presyo ng pangunahing mga bilihin, lalo na ang mga produktong pang-Noche Buena. Sinabi ni Secretary Abalos, kailangang masubaybayan at matutukan ang halaga ng pangunahing mga bilihin ngayong Christmas season upang makatulong na mabawasan ang pasanin sa gastusin…

Read More

PEACE TALKS NG GOBYERNO AT NDF MULING AARANGKADA

KAPWA nagkasundo ang gobyerno ng Pilipinas at National Democratic Front (NDF), political wing ng Communist Party of the Philippines’ (CPP) sa isang “principled and peaceful resolution of the armed conflict.” Ito’y matapos na lagdaan ng Philippine government at NDF ang isang joint statement sa Oslo, Norway noong Nobyembre 23. “Cognizant of the serious socioeconomic and environmental issues, and the foreign security threats facing the country, the parties recognize the need to unite as a nation in order to urgently address these challenges and resolve the reasons for the armed conflict,”…

Read More

PRANGKISA NG SMNI PUNTIRYA SA KAMARA

ISASALANG na sa imbestigasyon ang Sonshine Media Network International (SMNI) dahil sa pagkakalat umano ng fake news na posibleng maging dahilan para bawiin ang kanilang prangkisa. Sa mosyon ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, sisimulan na umano ng House committee on legislative franchise na pinamumunuan ni Paranaque Rep. Gus Tambunting ang imbestigasyon sa SMNI. Ginawa ni Adiong ang mosyon sa kanyang interpelasyon sa privilege speech ni Quezon Rep. David “Jay-Jay” Suarez kaugnay ng alegasyon umano ng SMNI na may P1.8 billion travel funds si House Speaker Martin Romualdez.…

Read More