POGO-POLITICS

 DPA ni BERNARD TAGUINOD NAGKALAT ang mga Chinese sa buong mundo, kaya bukod sa India, sila ang may pinakamalaking remittances o perang ipinadadala nila sa kanilang mga mahal sa buhay na naiwan sa kanilang bansa. At ang pinaka paboritong bansa na kanilang puntahan ay ang Pilipinas dahil napakadali nilang napapaikot ang ating batas dahil sa mga Filipino na corrupt, na hindi lamang matataas ang tungkulin ang sangkot kundi maging ang mga empleyado sa mababang posisyon ay kanilang kasabwat. Hindi lahat ng Chinese nationals na pumunta sa Pinas ay utak-kriminal, at…

Read More

LUYA SUMIPA ANG PRESYO, BAWANG HUMAHABOL?

PUNA ni JOEL O. AMONGO HINDI na naawa itong mga negosyante, sa hirap ng buhay ngayon, nakadagdag pa itong problema ng pagsipa ng presyo ng luya. Batay sa ating natanggap na impormasyon, kaya umano sumipa ang presyo ng luya ay dahil itinago na naman ito ng mga negosyanteng mapagsamantala. Binili nila nang mura ang luya sa mga magsasakang Pinoy at itinago nila kaya nawalan ng suplay sa merkado kaya hayun sumipa ang presyo. Dahil nawalan ng suplay ng luya sa merkado, tumaas tuloy ang presyo nito. Nang tumaas ang presyo…

Read More

DISKARTE SA BUHAY

At Your Service Ni Ka Francis ANO nga ba ang kahulugan ng diskarte? Ito ang kakayahan at husay sa paggamit ng iba’t ibang pamamaraan, tiyaga at talino upang malutas ang mga problema at abutin ang layunin sa kabila ng mga pagsubok. Ang taong madiskarte ay hindi makararanas ng pagkagutom ang kanyang pamilya. Hindi siya marunong sumuko sa mga hamon ng buhay. Siya rin ay matalino, kaya niyang lutasing mag-isa ang kanyang mga problema. Ang taong madiskarte, sila rin ang mga umaasenso sa buhay dahil sila ang mga matiyaga sa kanilang…

Read More

PINAS NANGANGANIB SA NARCO, POGO POLITICS

(BERNARD TAGUINOD) NASA bingit na ng kapahamakan ang Pilipinas dahil bukod sa narco ay namamayagpag na ang POGO o Philippine Offshore Gaming Operators politics. Babala ito ni House committee on dangerous drugs chairman at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers kaya umapela ito sa gobyerno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong”Marcos JR., na tuluyan nang ipagbawal ang POGO sa bansa. Sinabi ng mambabatas na nangyayari na ang kanyang babala noong 2017, isang taon matapos payagang pumasok ang POGO, na banta ito sa seguridad ng bansa bukod sa magiging tambakan tayo ng…

Read More

KONSTRUKSYON NG BAGONG GUSALI NG SENADO IPINATIGIL

KINUMPIRMA ni Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero na ipinatigil nila ang konstruksyon ng bagong gusali ng Senado sa Bonifacio Global City sa Taguig. Kasama rin sa ipinatigil ang pagbabayad sa mga bayarin sa mga contractor. Sa kanyang talumpati sa flag ceremony sa harapan ng mga empleyado, sinabi ni Escudero na hindi rin matutuloy ang paglilipat nila ngayong taon o kahit sa susunod pang taon. Sinabi ni Escudero na rerepasuhin muna nila sa pangunguna ni Senate committee on accounts chairman Alan Peter Cayetano ang lumaking pondo para sa konstruksyon ng bagong…

Read More

PAGPROTEKTA SA TERITORYO, SOBERANYA DINIINAN NI PBBM

BINIGYANG-DIIN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kahalagahan ng patuloy na paglaban para sa kalayaan lalo na ang protektahan ang teritoryo at soberanya ng bansa. Wala namang binanggit na anomang bansa ang Pangulo sa kanyang vlog na may pira-pirasong pahayag mula sa kanyang keynote speech sa International Institute for Strategic Studies’ Shangri La Dialogue, kung saan kinastigo nito ang ilegal na pagpasok ng Tsina sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas. “Sa nakaraang 126 taon at hanggang ngayon ay patuloy nating pinaglalaban ang ating kalayaan, kalayaan sa iba’t ibang aspeto…

Read More

PAG-OBLIGA SA BAGONG PILIPINAS HYMN DAPAT IDAAN SA BATAS

DAPAT amyendahan ang Flag and Heraldic Code of the Philippines upang maimandato sa lahat ng ahensya ng gobyerno at maging mga pribadong institusyon ang pag-awit ng Bagong Pilipinas Hymn at pagbigkas ng bagong panunumpa sa watawat. Ayon kay Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero, sa ngayon ang nasa batas ay ang Pambansang Awit, ang Panunumpa sa Watawat at Panatang Makabayan. Nilinaw rin ni Escudero na hindi kasama ang Senado, maging ang Kamara at constitutional commissions sa kautusan ng Malakanyang. Subalit hindi naman tutol si Escudero na kantahin ito sa Senado pero…

Read More

Pinalagan ng mga supporter ni Quiboloy KOJC COMPOUND RAID PAG-ABUSO SA HUMAN RIGHTS

(NILOU DEL CARMEN) ITINUTURING ng mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na pang-aabuso sa karapatang pantao ang pagsalakay ng mga pulis sa kanilang compound nang walang search warrant. Mahigit 100 pulis mula sa iba’t ibang unit ng PNP kabilang ang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Special Action Force (SAF) at mga tropa ng militar ang sumugod sa compound ng KOJC sa Barangay Sasa, Buhangin district, Davao City, Lunes ng madaling araw para isilbi umano ang warrant of arrest laban sa pinuno nitong si Apollo…

Read More

NAGKAKAPE ITINUMBA NG MOTORCYCLE RIDER

CAVITE – Hindi na naubos ang hinihigop na kape ng isang lalaki nang pasukin ito ng suspek at pagbabarilin sa loob ng kanyang bahay sa bayan ng Naic sa lalawigan nitong Lunes ng madaling araw. Namatay noon din ang biktimang si alyas “Carlito” dahil sa tama ng bala sa katawan. Tinutugis naman ang suspek na si alyas “Marvin” na tumakas lulan ng kanyang motorsiklo. Ayon sa ulat, nagkakape ang biktima sa loob ng kanilang bahay bandang alas-2:00 ng madaling araw nang sumulpot ang suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima…

Read More