Mayor Guo kay Senator Win: PATUNAYAN MO AKUSASYON MO

MARIING itinanggi ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ang mga alegasyon ni Senador Win Gatchalian tungkol sa kanyang citizenship. Ayon sa alkalde, wala siyang alam at kinalaman sa mga dokumentong ipinakita ng senador na diumano ay galing sa Board of Investments at Bureau of Immigration. Ayon kay Mayor Guo, ang kanyang tunay na ina ay si Amelia Leal at ang kanyang totoong pangalan ay Alice Leal Guo na nakasaad sa kanyang birth certificate at hindi Guo Hua Ping na ibinibintang ni Gatchalian. Idinagdag pa ni Guo na mayroon siyang Philippine…

Read More

HARASSMENT VS CHIEF SECURITY NG SC REKLAMO NG PWD

DISMAYADO ang isang person with disability (PWD) matapos umano siyang i-harass at pagbantaang hihilahin ng chief security ng Supreme Court nitong Martes ng umaga. Sa panayam kay Monalie Dizon, 51, legal manager ng isang law firm, ikinagulat niya ang pagtrato sa kanya ng chief security na si Joery Gayanan sa loob mismo ng gusali ng SC kaugnay ng kanyang pina-follow-up na dokumento. Ayon kay Dizon, nag-follow-up siya sa 3rd Division ng petisyon sa kaso na kanilang hawak subalit sinabihan siya ng isang alyas Tintin na wala pang resolution sa kanilang…

Read More

PANGAKO NG JAPAN SA DELEGASYON NI ROMUALDEZ: MAS MARAMING TRABAHO PARA SA MGA PINOY

NAKASUNGKIT ng pangako ang congressional delegation ng Pilipinas na pinamumunuan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez mula sa mga opisyal ng Japanese parliament na kukuha ang Japan ng dagdag na mga Pilipinong manggagawa sa mga kritikal na sektor gaya ng elderly care. Kasunod ito ng high-level discussions kasama si National Diet of Japan Speaker Fukushiro Nukaga at Vice-Speaker Banri Kaieda na ginanap sa Tokyo parliamentary building nitong Martes. Sa naturang pagpupulong, kinilala ni Vice Speaker Kaieda ang mga hamon na kinakaharap ng Japan at ang mahalagang kontribusyon ng mga Pilipino.…

Read More

ACT AGRI-KAAGAPAY, NAMAHAGI NG RELIEF GOODS SA MGA BIKTIMA NG SUNOG SA TONDO

PINANGUNAHAN ng Act Agri- Kaagapay organization ang pamamahagi ng daan-daang relief goods upang makatulong sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Tondo, Manila kamakailan. Mismong si civic leader at philanthropist Virginia Ledesma Rodriguez ang nanguna sa Act Agri- Kaagapay sa pagkakaloob ng relief packs sa mahigit 600 pamilya na nabiktima ng tatlong oras na sunog na tumupok sa nasa 100 tahanan sa Coral St., Tondo nito lamang Hunyo 17. Nabatid na bawat benepisyaryong pamilya ay tumanggap ng groceries, bottled water, pagkain at mga gamot. Sa naturang distribusyon ng relief goods,…

Read More

MAS MABABANG SINGIL SA KURYENTE NGAYONG HUNYO

Inanunsyo ng Manila Electric Company (Meralco) ang P1.9623 kada kWh na bawas-singil sa kuryente ngayong Hunyo imbis na P0.6436 kada kWh na dagdag-singil kasunod ng bagong utos ng Energy Regulatory Commission (ERC) na utay-utayin ang koleksyon ng mga bayarin mula sa WESM. Para sa mga pamilyang kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan, katumbas ito ng P392 na bawas-singil sa kanilang kabuuang bill. Nag-abiso si Meralco Vice President at Head of Corporate Communications Joe R. Zaldarriaga sa mga customer na asahan ang mas mataas na generation charge sa susunod na tatlong…

Read More

One Meralco Foundation suportado ang mga inisyatibang pang-edukasyon para sa mga Kabataang Pilipino

Matapos malagyan ng OMF ng kuryente gamit ang solar ang Kboyong Elementary School sa T’boli, South Cotabato, puwede nang gumamit ng iba’t ibang gadgets na makakatulong sa mga guro at mag-aaral na mas maintindihan ang mga leksyon. Edukasyon ang susi para sa maliwanag na bukas. Gayunman, maraming Pilipinong mag-aaral ang hindi nabibigyan ng patas na oportunidad dahil sa iba’t ibang hadlang tulad ng kakulangan ng pambayad sa tuition fees o pambili ng school supplies. Para sa mga mag-aaral sa malalayo at liblib na lugar, ang kawalan ng serbisyo ng kuryente…

Read More

Isinagawa sa Kamuning Elem. School SAKSI NGAYON, SOGO CARES “BALIK ESKWELA AND SCHOOL CLEAN-UP DAY”

Naging matagumpay ang isinagawang “Balik Eskwela and School Clean-Up Day” ng SAKSI NGAYON in partnership with SOGO Cares sa tulong ng Barangay Sacred Heart sa Kamuning Elementary School, Scout Torillo St., Diliman, Quezon City noong nakaraang Sabado, Hunyo 15, 2024. SOGO CARES Ang okasyon ay nagsimula dakong alas-6:30 hanggang alas-7:30 AM sa assembly; dakong alas-7:30 hanggang 8:00 AM sa registration; 8:05-8:10 AM ng umaga sa National Anthem (video); 8:10-8:15 AM sa Opening Remark & Acknowledgement of sponsors ni Mr. Alfonso Rodriguez, Assistant General Manager ng Saksi Ngayon; 8:15-9:15 AM sa…

Read More

Enchanted Kingdom showcases enchanting Laguna with Flores de Laguna gown competition

Enchanted Kingdom (EK), the first and only world-class theme park in the Philippines, recently showcased the craftsmanship of the Province of Laguna through the Flores de Laguna Gown Competition on June 9, Sunday, at the EK’s Spaceport Grounds, Santa Rosa Laguna. In partnership with the Provincial Government of Laguna, DTI CALABARZON, and the Laguna Tourism Council, the said gown competition featured 14 prominent designers from Calauan, San Pablo City, Sta. Cruz, Pila, Bay, Lumban, Cavinti, Binan City, San Pedro City, City of Santa Rosa, Mabitac, and Pagsanjan. “Laguna has been…

Read More