Isinagawa sa Kamuning Elem. School SAKSI NGAYON, SOGO CARES “BALIK ESKWELA AND SCHOOL CLEAN-UP DAY”

Naging matagumpay ang isinagawang “Balik Eskwela and School Clean-Up Day” ng SAKSI NGAYON in partnership with SOGO Cares sa tulong ng Barangay Sacred Heart sa Kamuning Elementary School, Scout Torillo St., Diliman, Quezon City noong nakaraang Sabado, Hunyo 15, 2024.

SOGO CARES

Ang okasyon ay nagsimula dakong alas-6:30 hanggang alas-7:30 AM sa assembly; dakong alas-7:30 hanggang 8:00 AM sa registration; 8:05-8:10 AM ng umaga sa National Anthem (video); 8:10-8:15 AM sa Opening Remark & Acknowledgement of sponsors ni Mr. Alfonso Rodriguez, Assistant General Manager ng Saksi Ngayon; 8:15-9:15 AM sa School Clean-Up Activity; 9:15-9:25 AM sa Giving of Duralite Sandals and Kingsue Ham Assisted by: Rochelle Pangan; 9:25-9:40 AM sa Intermission Number Featuring Agon, Arnel Ferrer and Jeremiah Vargas. Refreshment (drink and food); 9:40-10:40 AM sa Distribution of School Supplies by SOGO Cares; 10:40-11:00 AM sa Awarding of Certificate, Mr. Manuel Siquian & Mr. Alfonso Rodriguez; at 11:00-11:05 sa Closing Remarks, Mr. Manuel Siquian – Publisher.

SCHOOL CLEAN-UP

Naging host naman sa programa sina Ms. Tonette PDT Marcelo at Ms. Tess Escuadro.

Magkatuwang ang SAKSI NGAYON at SOGO Cares sa nasabing paglilinis, kasama ang mga pangunahing sponsors na kinabibilangan ng Meralco, BINGO Plus, ARENA Plus, DURALITE Sandals, Cut Encarnacion Group of Salon, Hello Glow and Blackwater by Ever Bilena, King Sue Ham and Sausages Co., Inc., VDrink Malunggay Juice, MX3 Capsule and Coffee, Mangoloco, Lemon Square Cheesecake and Choocho Cake Bites, Yakult Philippines, Maynilad, Shanthal Beautified Wellness, Ate Rica’s Bacsilog, Aqua Sweet at si Ms. Loribeth Bambo De Vera.

Layunin ng SAKSI NGAYON sa isinagawang “Balik Eskwela and School Clean-Up Day” ay para makatulong sa paghahanda ng mga guro ng Kamuning Elementary School sa darating na pasukan ngayong taon 2024.

SAKSI NGAYON TEAM

 

Itinakda ng Department of Education ang pagsisimula ng school year 2024-2025 sa Hulyo 29, 2024 hanggang Mayo 16, 2025 sa DepEd Order No. 003. s. 2024 na may petsang Pebrero 19. Ayon sa DepEd order itinakda ang bakasyon ng klase o walang pasok ngayong taon mula Hunyo 1 hanggang Hulyo 26. Sa mga panahon ng petsang ito ay maaaring magtakda ng kani-kanilang aktibidades na tulad ng paghahanda sa pagbabalik eskwela ang bawat paaralan sa buong bansa.

Katuwang ng mga paaralan ang ibat-ibang organisasyon maging pribado man tulad ng SAKSI NGAYON at SOGO Cares o pamahalaan sa kanilang paghahanda. Namigay ang Sogo Cares ng mga school supplies na maaaring gamitin ng mga estudyante sa darating na pasukan. Kasabay nito namahagi rin ang Duralite Sandal, King Sue Ham at nagbigay ang Cut Encarnacion ng libreng gupit sa mga estudyante na dumalo sa nasabing programa. May libreng pabaon din ang Lemon square cheesecake and choocho bites, Yakult Philippines at may libreng lugaw sa kagandahang-loob ni Kagawad Fons Rodriguez. Lalong nasiyahan ang mga bata sa pagbibigay ng performance ng mga pumuntang P-pop Boy Group na AGON at sina Arnel Ferrer at Jeremie Vargas. Masayang nagpasalamat ang lahat sa natanggap na mga regalo.
(Joel O. Amongo)

CUT ENCARNACION GROUP OF SALON

MAYNILAD

VDRINK MALUNGGAY JUICE

LEMON SQUARE CHEESE CAKE AND LEMON SQUARE CHOOCHO CHAKE BITES

AQUASWEET

DURALITE SANDALS

MX3 CAPSULE AND COFFEE

ATE RICA’S BACSILOG

MANGOLOCO

YAKULT PHILIPPINES

KING SUE HAM AND SAUSAGES CO., INC.

HELLO GLOW AND BLACKWATER BY EVER BILENA

SHANTHAL BEAUTIFIED WELLNESS

 

334

Related posts

Leave a Comment