PNP, NBI MAY PERSONS OF INTEREST NA SA ‘POLVORON’ DEEPFAKE VIDEO

SINASABING may ‘persons of interest’ nang tinututukan ang Philippine National Police at National Bureau of Investigation na posibleng nasa likod ng umano’y peke at malisyosong video na layong sirain si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Nabatid na nagtutulungan ang PNP at NBI upang masolusyunan ang isyu hinggil na inilabas na deepfake video na nagmula pa umano sa isang kaganapan sa United States kung saan ipinalabas ang tinaguriang polvoron video. Ibinunyag ng PNP at NBI na sa kanilang isinagawang spectral imaging analysis ay nakita na ang video ay prinoseso upang ilarawan si…

Read More

MGA PULIS NA BANTAY NI VP SARA ILALAGAY SA KALSADA

PRAYORIDAD ng Philippine National Police ang pagpapaigting ng kanilang mga panseguridad na operasyon at paglaban sa kriminalidad kaya binawi ang mga pulis na nagbibigay ng proteksyon sa iba’t ibang personalidad, kabilang ang ilang mga opisyal ng gobyerno gaya ni Vice President Sara Duterte. Ito ang naging paliwanag ni Philippine National Police (PNP) chief, Gen Rommel Francisco Marbil matapos kumpirmahin ni Vice President Sara Duterte-Carpio na 75 na tauhan ng PNP Police at Security and Protection Group (PSPG) na nakatalaga sa kanya bilang security detail, ay na-relieve na. Sinabi ni Marbil,…

Read More

Tanong ng mga magsasaka sa mahal ng bilihin MAY GOBYERNO PA BA TAYO?

ITO ang karaniwang tanong ng mga magsasaka tuwing panahon ng anihan dahil sa pambabarat sa kanilang mga inani na palay at iba pang produktong pagkain pero pagdating sa palengke ay ibinebenta na ito sa sobrang mahal. “May gobyerno pa ba tayo? ‘Yan ang laging tanong ng ating mga magsasaka kapag binibili nang barat ang kanilang aning bigas, pagkatapos ay mahal ibebenta,” ani Bantay Bigas spokesperson Cathy Estavillo. Lumalabas na hindi protektado ng gobyerno ang mga magsasaka kaya hindi sila ang higit na nakikinabang sa kanilang mga ani kundi ang mga…

Read More

PNP CHIEF PINITIK SA LAGANAP NA DROGA, KRIMEN

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MISTULANG pasaring kay Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rommel Marbil ang pahabol na pahayag ni Vice President Sara Duterte kaugnay ng pagbawi sa 75 niyang police security details. Sa inilabas na pahayag ni Duterte, sinabi nito na umaasa siya na sa pagbawi sa 75 tauhan ng PNP Police and Security Group na nakatalaga sa kanya ay mababawasan ang problema sa droga at krimen sa bansa. Nauna rito, kinumpirma ni Duterte sa pamamagitan ng inilabas na pahayag na iniutos ng PNP Chief na alisin ang…

Read More

7 PATAY SA BAGYONG CARINA

NAKAPAGTALA na ng pito kataong namatay sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Carina kahapon kabilang ang apat kataong nalibing nang buhay sa naganap na landslide sa Agoncillo sa lalawigan ng Batangas Sa inisyal na ulat na ipinarating sa Office of Civil Defense, kasalukuyang nagsasagawa ng validation hinggil sa naging mga biktima ng bagyo, kabilang ang mga namatay nang matabunan sa landslide na naganap sa Barangay Subic Ilaya sa bayan ng Agoncillo bunsod ng Bagyong Carina na pinatindi pa ng umiiral na Southwest monsoon o habagat. Base sa anunsyo ng lokal…

Read More

139 BARANGAY SA BULACAN, PAMPANGA LUMUBOG

SINAGIP ng mga tauhan ng pulisya mula sa 1st Platoon, 2nd Police Mobile Force Company ng Bulacan Police Provincial Office (PPO) ang isang pamilya kabilang ang 5-taong gulang na babae sa pinaigting na Police Assistance-Force Evacuation sa gilid ng ilog ng San Jose Marilao River sa Barangay Graceville, Lungsod ng San Jose Del Monte, Miyerkoles ng umaga. (Larawan: Bulacan PNP-PIO) Camp Olivas, City of San Fernando, PAMPANGA — Binaha ng Bagyong ‘Carina’ na pinalakas ng Southwest Monsoon (Habagat) na may kasamang high tide mula sa Manila Bay ang nasa 139…

Read More

ILANG BAYAN SA BATANGAS BINAHA RIN

BATANGAS – Nagmistulang ilog ang mga kalsada sa mga bayan ng Lemery at Balayan, sa lalawigan kahapon. Ito ay matapos na rumagasa ang tubig-baha galing sa katabing matataas na mga lugar. Sa bayan ng Lemery, mga malalaking sasakyan na lamang tulad ng mga truck at bus ang nakababagtas sa Lemery diversion road kaya stranded ang maraming mga sasakyan sa magkabilang dulo. Dala-dala ng tubig-baha ang iba’t ibang mga debris lalo na ang mga balat o bunot ng niyog at mga sanga ng naputol na mga punongkahoy. Sa Balayan, abot naman…

Read More