Bersamin, Remulla dumepensa MALACAÑANG SAPOL SA ATAKE NI DUTERTE

(CHRISTIAN DALE) AGAD naglabas ng kanilang pahayag sina Executive Secretary Lucas Bersamin at Justice Secretary Jesus Crispin Remulla para idepensa ang pamahalaan at pabulaanan ang pasabog ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa kanyang ‘war on drugs’. Isiniwalat ni Duterte na talamak na naman ang drug-related crimes sa bansa. ”It is unfortunate that drug-related crimes are on the rise again. Everyday, you can read about children being raped, people getting killed and robbed, and just recently a drug den was raided within the…

Read More

INTEGRIDAD NG SENADO NAKOMPROMISO – SOLON

MAAARI pang maisalba ang reputasyon ng Senado bagaman nakompromiso ang integridad nito sa pagsali nina Sens. Ronald “Bato” Dela Rosa at Christopher “Bong” Go sa imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee sa war on drugs ng nakaraang administrasyon. “We believe in the sense of fairness of SP Escudero and Sen. Pimentel and the impartiality of their investigation. However, we believe that the inquiry will be tainted if Senators dela Rosa and Go continue to get themselves involved in it,” ani House committee on public order and security chairman Rep. Dan Fernandez.…

Read More

MANDATORY EVACUATION INIUTOS BAGO DUMATING ‘TS LEON’

UPANG wala nang humabol pa sa Undas na pamilyang magluluksa, agad ipinag-utos kahapon ni Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro ang mandatory evacuations sa mga peligrosong lugar na posibleng hagupitin ng papalapit na Tropical Storm Leon. Sa 8:00 am situation report ng Office of Civil Defense, nasa 125 na ang nasawi sa nagdaang Bagyong Kristine, 28 ang nawawala habang may 115 naman ang sugatan. Paglilinaw ng ahensya, under validation pa ang bilang ng mga nasawi kaya posible pa itong madagdagan. Kahapon ay nagpalabas ng direktiba si Teodoro, Jr., na siya ring…

Read More

FORMER ACTOR ARESTADO SA PAMAMARIL NG KABABATA

BALIK-KULUNGAN ang dating child actor matapos pagbabarilin ang kababata nito, Lunes ng gabi sa Pasig City. Ayon kay Pasig Police Chief PCol. Hendrix Mangaldan, dakong alas-7:26 ng gabi, binaril ng suspek na si John Wayne Sace ang biktima na si Lynell Eugenio, 43-taong gulang ng Feliciano St., Brgy. Sagad, Pasig City. Batay sa imbestigasyon, nagkakabiruan pa umano ang magkababata ngunit nauwi ito sa mainitang pagtatalo hanggang sa pinagbabaril ng suspek ang biktima sa isang eskinita malapit sa bahay nito. Tumakas ang suspek dala ang kalibre 45 na ginamit sa pamamaril.…

Read More

DIGONG KINONTRA NG PNP SA CRIME RATE

TAHASANG sinalungat ng Philippine National Police (PNP) ang pahayag ni dating pangulong Rodrigo Roa Duterte na tumaas ang crime rates sa Pilipinas ngayong administrasyong Marcos Jr. Ayon sa PNP, “crimes are down and clearance rates are up”. Base sa kanilang estadistika, nakapagtala ang PNP ng 61.87-percent pagbaba sa index crimes mula July 2022 hanggang July 2024 kumpara sa parehong panahon noong 2016 at 2018. “Our latest data indicates a substantial decline in crime rates, underscoring the effectiveness of our ongoing strategies and proactive measures,” pahayag ng PNP. Sa Senate hearing…

Read More

Tinangkang agawin ng NPA SUNDALO SUGATAN SA PAGTATANGGOL SA RELIEF GOODS

ALBAY – Sugatan ang isang sundalo matapos makabakbakan ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) nang salakayin sila habang nagdadala ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyong Kristine, noong Linggo sa lalawigan. Kinondena ng pamunuan ng Philippine Army ang pananambang ng ilang miyembro ng New People’s Army sa hanay ng 49th Infantry Battalion na nagsasagawa ng disaster relief operation, nang gamitan sila ng landmine habang patungo sa isang relief mission. Hinala ng military, bukod sa tangkang pag-agaw sa dala nilang relief goods para sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine,…

Read More

MGA BIKTIMA NG BAGYO HINATIRAN NG TULONG NI LAPID

NAGPASALAMAT si Congresswoman Jinky Bitrics Luistro kay Senator Lito Lapid sa dinalang food packs sa kanyang distrito. (Danny Bacolod) NAMAHAGI si Senador Lito Lapid ng higit dalawang libong relief goods para sa mga biktima ng bagyong Kristine na puminsala sa malaking bahagi ng Luzon, partikular sa mga lalawigan ng Quezon, Cavite at Batangas nitong Lunes, Oct. 28. Unang pinuntahan ni Sen. Lapid ang bayan ng Rosario, Cavite na may 500 biktima ng bagyo ang naabutan ng relief goods. Sumunod naman ang bayan ng Tanza Uno sa Cavite na may 500…

Read More

SURVIVORS NG LANDSLIDE SA BALETE, BATANGAS NANAWAGAN NG AYUDA

BATANGAS – Nanawagan ng tulong, relief goods, at iba pang pangunahing pangangailangan ang ilang mga residente at survivors sa nangyaring landslide sa Sitio Siaten, San Sebastian sa bayan ng Balete. Ayon sa mga residente, kailangan nila ng mga pagkaing de lata, bigas, noodles, malinis na tubig, hygiene kits – mga gamot tulad paracetamol, at ganoon din ang para sa ubo at sipon – mga kumot at damit dahil halos wala silang naisalba sa biglaang pangyayari sa kanilang komunidad sa kasagsagan ng bagyo noong Huwebes Samantala, hanggang sa kahapon ay wala…

Read More

‘DEATH SQUAD’

KAPE AT BRANDY ni Sonny T. Mallari STRAIGHT from the horse’s mouth. Inamin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa hearing sa Senado nitong Oct. 28 na siya ang utak sa mga pagpatay noong kanyang malagim na giyera laban sa ilegal droga. Itinumba ng kanyang “death squad”. Hindi na mahalaga kung pulis o gangsters ang bumubuo ng death squad. Nilinaw na niya sa publiko sa naganap na hearing sa Senado, na siya ang tanging may responsibilidad sa malawakang pagpatay na tinaguriang “extra judicial killings” o EJKs. Batay sa ulat ng pulisya,…

Read More