LOTTO TRIP

KAPE AT BRANDY ni Sonny T. Mallari 2025. Bagong Taon. Personal ko itong kahilingan ngayong bagong taon. Sana, magkaroon ng programa ang gobyerno para makatulong sa mga mamamahayag na matatanda na at mga may sakit. Marami sa probinsya. ‘Yung magkaroon lang ng ayudang gamot, taunang medical check-ups, konting tulong pinansyal at ano pa mang porma ng pagdamay ay malaking bagay na para sa pangangailangan ng mga retiradong kasamahan. Sa aming hanay ay marami ang walang retirement pay kaya nakakaawa. Marami ang napapasok lang sa mundo ng pamamahayag dahil natripan hanggang…

Read More

ANG PAGBABALIK NI ISKO MORENO

TARGET NI KA REX CAYANONG SA muling pag-anunsyo ni dating Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ng kanyang kandidatura para sa pagka-alkalde ng Maynila sa darating na 2025, nabuhay ang pag-asa ng maraming Batang Maynila. Ayon sa pinakabagong survey ng OCTA Research, malinaw na siya ang nangunguna sa karera, nakakuha ng 74% na suporta mula sa mga botante sa lahat ng anim na distrito ng lungsod—isang hindi matatawarang tagumpay na nagpakita ng walang kapantay na tiwala ng mga Manileño. Sa unang termino ni Moreno bilang alkalde noong 2019, ipinamalas niya ang…

Read More

MAHARLIKA FUND DELIKADO SA NGCP

(BERNARD TAGUINOD) HINDI malayong malugi agad ang Maharlika Investment Fund (MIF) kapag pinasok ng mga ito ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na hindi pa nakokolekta ang kanilang atraso na aabot ng P200 billion. Ang NGCP na isinapribado noong 2009 kung saan 40% sa nasabing kumpanya ay pag-aari ng State Grid Corporation of China ay iniimbestigahan ngayon ng Kongreso dahil sa iba’t ibang paglabag sa kanilang prangkisa. Isa ito sa target ng Maharlika na paglagakan ng puhunan subalit agad na binalaan ni House ways and means committee chairman…

Read More

4TH IMPEACHMENT CASE VS SARA HINDI NAIHAIN

WALANG panibagong impeachment case na naihain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kahapon laban kay Vice President Sara Duterte. Habang isinusulat ito ay walang impormasyon kung may grupo na nagbigay abiso sa Office of the Secretary General na maghahain ang mga ito ng impeachment case laban sa pangalawang pangulo. Unang sinabi ni House deputy minority leader France Castro sa media noong Linggo na may grupong maghahain umano ng ikaapat na impeachment case laban kay Duterte nitong Lunes, Enero 6. Ayon kay Castro, 10 hanggang 12 congressmen na karamihan ay mula sa…

Read More

MAHIGPIT NA PAGSUNOD SA ITCZ WARNINGS PAALALA SA PUBLIKO

HINIKAYAT ng Office of Civil Defense (OCD) ang publiko na huwag maliitin ang banta ng shear line at intertropical convergence zone (ITCZ), kung saan patuloy na nagdadala ng ulan at masamang panahon sa iba’t ibang panig ng bansa. Ang shear line, isang boundary kung saan ang ‘warm at cold air masses’ ay nagtatagpo, ay lumilikha ng mga ulap ng ulan. Ang ITCZ, sa kabilang banda kung saan ang tinatawag na ‘trade winds’ mula sa kapwa hemispheres converge, ang dahilan kung bakit tumataas ang hangin at nagreresulta ng malakas na pag-ulan.…

Read More

Sa pagdami ng road accidents MAS MATINDING PARUSA VS RECKLESS DRIVING IKAKASA

(DANG SAMSON-GARCIA) MULING nanawagan si Senate Minority Leader Koko Pimentel para sa mas istriktong mga hakbangin upang maiwasan ang mga aksidente sa lansangan. Binanggit ni Pimentel ang ulat ng Department of Health na umabot sa 577 ang naitalang road accidents mula December 22, 2024 hanggang January 2, 2025. Sinabi ng senador na hindi na dapat balewalain ang mga aksidente sa kalsada at kailangan ng mas mahigpit na batas at mas mahusay na pagpapatupad upang maprotektahan ang mamamayan. Isinusulong ni Pimentel ang Senate Bill No. 1015 na naglalayong amyendahan ang Article…

Read More

Pahirap sa mga taga-Quezon DPWH KINALAMPAG SA KALSADANG LUBAK-LUBAK

UMAPELA ang mga residente ng lalawigan ng Quezon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na ayusin ang mga lubak-lubak na kalsada sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Pagbilao sa nasabing lalawigan. Reklamo ng mga residente, ilang taon na silang nagtitiyaga sa malalalim na lubak partikular na sa Brgy. Malicboy bago dumating ng zigzag o mas kilala bilang Bitukang Manok. Bukod dito, marami rin sira-sirang kalsada o daan sa Brgy. Malicboy, Pagbilao na nagdudulot ng matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko. Nabatid na ang nasabing lugar ay nasa Distrito…

Read More

BRGY. KAGAWAD PATAY SA SALPUKAN NG 2 MOTOR

BATANGAS – Patay ang isang barangay kagawad habang sugatan naman ang isang menor de edad matapos magbanggaan ang kani-kanilang motorsiklo sa Barangay Calicanto, sa bayan ng San Juan sa lalawigan. Kinilala ang namatay sa insidente na si Edgar Allan Gumba, isang barangay kagawad, at residente ng nasabing barangay. Ayon sa ulat, bandang alas-10 ng gabi noong Biyernes, nagmamaneho ang kagawad ng kanyang motorsiklo nang salpukin ito sa tagilirang bahagi ng motorsiklong minamaneho ng isang 15-anyos na binatilyo na umano ay nakainom. Paliko umano ang biktima mula sa national highway nang…

Read More

TIYUHIN TIMBOG SA RAPE SA DALAGITA

NAHULOG sa kamay ng pulisya ang ranked no. 4 most wanted person, sa isinagawang manhunt operation ng Binangonan Warrant Tracker Team noong Enero 5, bandang alas-1:40 ng hapon sa Brgy. Tandang Kutyo, Tanay, Rizal. Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng korte sa kasong qualified rape of minor na walang inirekomendang piyansa, inaresto ang akusado na kinilalang si alyas “Fonso”, 49-taong gulang, at naninirahan sa nasabing lugar. Ayon sa imbestigasyon ng Binangonan PNP, noong Enero 2024 nang mangyari ang panggagahasa ng akusado sa kanyang sariling pamangkin na labing-tatlong…

Read More