WALANG MAKAPIPIGIL SA SERBISYONG MATAPAT! — CONG. NOGRALES

SA kabila ng mga panggigipit, mananatiling BUKAS ang tanggapan ni CONGRESSMAN FIDEL NOGRALES upang maghatid ng direktang serbisyo sa INYO. Ito ang nilalaman ng OPISYAL na ABISO na sagot ng kampo ni Rizal District IV Rep. Juan Fidel Felipe Nograles sa pag-padlock ng gate ng R & R Wet and Dry Market, sa Greenview, Barangay San Isidro sa Montalban, Rizal, na kung saan matatagpuan ang District Office ng kongresista. Nauna rito, noong Pebrero 28, 2025 nasa humigit-kumulang sa dalawampung katao (20) mula sa Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng…

Read More

PAGKAKAPANTAY-PANTAY SA LIPUNAN

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO NGAYONG buwan ng Marso ipinagdiriwang ang International Women’s Month kung kailan mas napagtutuunan ng pansin ang mga kampanya at programa na nagbibigay ng natatanging pagpapahalaga sa lakas, tapang at galing ng kababaihan, at nagsusulong ng totoong pagkakapantay-pantay ng mga kasarian. Isa sa United Nations Sustainable Development Goals o UN SDGs ang pagkamit ng gender equality at pag-empower sa kababaihan. Sa ilalim nito, mayroon pang siyam na target at 14 na mga indicator na nakatutok sa pagtanggal ng gender disparity, pagmamalupit sa mga kababaihan, at sa…

Read More

INAABUSO NA PARTY-LIST SYSTEM

CLICKBAIT ni JO BARLIZO SA pagsusuri ng election watchdog na Kontra Daya, lagpas sa kalahati ng mga party-list organization na tumatakbo sa darating na May 12 election ang hindi kumakatawan sa mahihirap na sektor ng lipunan. Ayon sa pag-aaral, nasa 55.13% o 86 ng 156 party-list groups na tumatakbo sa 2025 election ang hindi kumakatawan sa mahihirap. Kwarentang party-list groups ay may kaugnayan sa political clans, 25 sa malalaking negosyo, 18 ang may koneksyon sa police o militar. Heto pa kagimbal-gimbal, may pito na may kasong korupsyon, may military connections,…

Read More

PROFESSIONAL FEES NG MGA DOKTOR, DAPAT SAGUTIN NG PHILHEALTH – CONG. ERWIN TULFO

TARGET COLUMN NI KA REX CAYANONG ISANG mahalagang panukalang batas ang isusulong ni ACT-CIS Congressman at ngayo’y senatorial candidate Erwin Tulfo – ang pagsagot ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa professional fees ng mga doktor. Sa unang tingin, ito ay isang malaking hakbang upang matugunan ang matagal nang hinaing ng maraming Pilipino na nahihirapang makalabas ng ospital dahil sa kakulangan sa pambayad sa mga espesyalista. Tama ang punto ni Tulfo na kasalukuyang limitado lamang ang sinasagot ng PhilHealth sa mga bayaring gaya ng gamot at room charge ng pasyente.…

Read More