NAG-IKOT si Senatorial candidate Camille Villar sa mga palengke ng Laguna noong Martes habang ipinagpapatuloy niya ang kanyang kampanya para sa May 2025 midterm elections. Naglaan ng oras si Villar para tingnan ang kalagayan ng mga nagtitinda sa Pila at Sta. Cruz public markets sa Laguna kung saan nangako rin siyang uunahin ang mga hakbang na makatutulong upang matugunan ang epekto ng market forces sa presyo ng mga bilihin. Binigyang-diin ni Villar, na matagal nang nagtataguyod ng entrepreneurship, ang pangangailangang bigyan ang mga market vendor ng access sa kapital upang…
Read MoreMonth: March 2025
VP SARA WALANG MORAL AUTHORITY NA HUMINGI NG MAS MALAKING PONDO -SOLON
WALA umanong moral authority si Vice President Sara Duterte-Carpio na humingi pa ng malaking pondo para sa kanyang tanggapan dahil hindi nito maipaliwanag kung paano nito nagastos ang kanyang confidential funds at iba pang pondo ng Office of the Vice President (OVP). Ginawa ni Bataan representative Geraldine Roman ang pahayag matapos magsumbong si Duterte sa mga overseas Filipino worker (OFW) sa Hong Kong na iniwan na umano ng buong gobyerno ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang OVP. Itinanggi ito ni Roman dahil nabigyan umano ng mahigit P733 million ang…
Read More3 LUGAR POSIBLENG PAGPILIAN PARA PAGDALHAN KAY DIGONG
USAP-USAPAN ngayon kung ano ang mga magiging kaganapan kasunod sa ginawang pag-aresto kay dating pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) pagdating mula Hongkong kahapon ng umaga at saan ito dadalhin matapos ang pormal na pagsisilbi ng International Criminal Court notice kaugnay sa inilabas na warrant of arrest dahil sa kasong crime against humanity. Sinasabing posibleng ialis agad si Duterte palabas ng Pilipinas at isailalim sa kustodiya ng ICC. Sa isang television interview kay human rights lawyer Atty. Neri Colmenares, sinabi nitong “may posibilidad na patakasin ang…
Read More4 INDIBIDWAL DINAMPOT SA HUMAN TRAFFICKING
BINITBIT ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Organized and Transnational Crimes Division (NBI-OTCD) ang apat na indibidwal sa kasong human trafficking sa Makati City. Nauna rito, nakatanggap ng ulat ang tanggapan ni NBI Director Jaime Santiago mula sa mapagkakatiwalaang impormante hinggil sa dalawang club na sangkot umano sa trafficking ng kababaihan kabilang ang ilang menor de edad. Bunsod nito, agad nagsagawa ng entrapment and rescue operation ang mga awtoridad sa nabanggit na dalawang club sa lungsod na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek. Inaresto ang mga suspek sa pagtutulungan…
Read MoreDALAGITA NASAGIP SA TANGKANG RAPE
ABOT-LANGIT ang pasasalamat ng isang dalagita matapos siyang agarang masagip ng mga tauhan Mandaluyong PNP mula sa sekswal na pag-abuso ng isang Chinese engineer, dakong alas-8 ng gabi noong Marso 9, 2025. Ayon sa ulat na nakarating kay PCol. Villamor Tuliao, director ng Eastern Police District (EPD), kinilala ang suspek na si alyas “Li Liam,” 59, isang engineer at kasalukuyang namamalagi sa isang condominium unit sa Brgy. Hulo, Mandaluyong City. Napag-alaman sa imbestigasyon, sumama ang biktima na kinilalang si “AAA,” 13-anyos, sa kanyang kaibigan para mag-swimming umano sa condominium na…
Read MoreSa pambu-bully sa WPS IBA’T IBANG GRUPO KINONDENA CHINA
NAGMARTSA ang iba’t ibang grupo kabilang ang Ang Bumbero ng Pilipinas patungo sa embahada ng China sa Makati City para kondenahin ang pambu-bully nito sa tropa ng Pilipinas sa West Philippine Sea. NAGPROTESTA ang isang bagong kilusan na kinabibilangan ng grupo ng mga makabayang Pilipino sa harap ng Embahada ng Tsina sa Makati upang tahasang tutulan ang pagpapakalat nito ng mga maling impormasyon upang maangkin ang isla ng Palawan. Daan-daang kasapi ng Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY-Movement) ang nagtipon-tipon sa harap ng embahada at kinondena ang anila’y lantarang pambu-bully…
Read MoreDigong pinagkaitan ng karapatan “UNLAWFUL ARREST”
(CHRISTIAN DALE) GANITO inilarawan ni dating presidential spokesman Salvador Panelo ang pag-aresto kay dating pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte para sa sinasabing krimen laban sa sangkatauhan. Ang katwiran ni Panelo, hindi man lamang pinayagan ng Philippine National Police (PNP) ang isa sa mga abogado ni Digong na makita at makausap ito sa airport at kuwestiyunin ang legal na basehan ng pag-aresto. Pinagkaitan din aniya ng legal representation si Digong. “The PNP could not have a hard copy of the warrant of arrest. By not allowing one of his lawyers to…
Read MoreOmbudsman sa reklamo vs Teodoros: 90% NG MGA KASO MAY HALONG PULITIKA
HABANG papalapit ang halalan, 90 porsyento ng mga kasong isinasampa sa kanyang tanggapan ay may halong pulitika, ayon kay Ombudsman Samuel Martires. Tugon ito ni Martires sa mga kasong isinasampa sa kanyang tanggapan, kabilang ang reklamong graft laban kay Marikina Mayor Marcy Teodoro at kanyang asawang si 1st District Rep. Maan Teodoro. Ayon sa Ombudsman, maingat nilang sinusuri ang mga kasong ito upang matiyak kung may sapat na batayan at agad na ibinabasura ang mga walang matibay na ebidensya. “Subalit hinihimay namin ito kung may katotohanan ang kanilang mga kaso…
Read MoreEX-USEC MAGNO: ZERO BUDGET NI QUIMBO SA PHILHEALTH PAHIRAP
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) BINATIKOS ng dating Finance Undersecretary ng administrasyong Marcos ang mga mambabatas, sa pangunguna ni Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo, na nagbigay ng zero budget sa PhilHealth para sa 2025, dahil sa dagdag pabigat na ipinataw nila sa ordinaryong Pilipino. Ayon sa ekonomistang si Cielo Magno, mapipilitan ang taumbayan na sagutin ang kanilang gastusin sa pagpapagamot at iba pang medikal na pangangailangan dahil sa desisyon nilang tanggalan ng pondo ang PhilHealth. “Nakakagalit itong ginagawa ng Kongreso natin. Zero budget daw sa PhilHealth dahil mayroon P600 billion…
Read More