THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO PINIRMAHAN na ni Presidente Bongbong Marcos ang batas na nagbibigay ng panibagong 25 years na prangkisa sa Meralco – isang hakbang na magsisigurong tuluy-tuloy pa rin ang paghahatid ng serbisyo ng kuryente ng kumpanya sa mga paparating na taon. Bagama’t magandang balita ito dahil hindi nabalot ng pulitika ang naturang prangkisa, marami pa rin ang tila may mga haka-haka ukol sa pagre-renew ng prangkisa ng Meralco. Ganoon naman talaga dahil alam nating lahat na napakahalaga ng maayos na serbisyo ng kuryente – dahil halos lahat…
Read MoreDay: April 20, 2025
BALIK-REYALIDAD
CLICKBAIT ni JO BARLIZO TAPOS na ang Semana Santa. Isapuso pa kaya ng mga nagnilay, nagpenitensya, naglinis ng kasalanan at nagpadama ng pag-ibig ngayong balik-reyalidad na sila sa natural na takbo ng buhay? Muli, haharapin ang dikta ng panahon, atas ng nararapat na gampanan sa pagsulong ng itinakdang tungkulin. At heto na naman ang haharapin – ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo. Sa isang survey, lumabas na 69 porsiyento ng mga Pilipino ang nagsabing ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin ang una…
Read MoreTAHIMIK PERO MATAPANG
GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN LUMABAS si Klarisse de Guzman bilang bahagi ng LGBTQ+ community sa loob ng Pinoy Big Brother House. Nagulat ang ilang tao. Ang iba ay nakaramdam ng pagmamalaki. Ang ilan ay umikot ang kanilang mga mata na parang hindi na ito big deal. Pero para sa akin, big deal pa rin ito. Maaaring isipin natin na nabubuhay na tayo sa modernong panahon kung saan madaling lumabas. Ngunit alam natin na hindi ito laging totoo. Lalo na kapag public figure ka at bawat galaw mo ay…
Read MoreKAILANGAN NANG TUGUNAN BULLYING SA KABATAAN
EDITORIAL NAKABABAHALA ang bullying at karahasang kinasasangkutan ng ilang mag-aaral. Ang pambubuli at karahasan ay kabilang sa mga isyu at suliranin sa bansa na nangangailangang tutukan at bigyan ng agarang solusyon. Isa sa mga kinokonsiderang hakbang sa pagtugon sa bullying ay damihan ang guidance designate sa mga pampublikong paaralan. Ayon sa depinisyon ng Department of Education (DepEd), ang guidance designates ay mga guro na opisyal na itinalaga ng school head/school division superintendent/regional director para gampanan ang mga tungkuling may kaugnayan sa implementasyon ng guidance services. Muling hiniling ni Sen. Sherwin…
Read MoreTRUST, APPROVAL RATINGS NI MARCOS JR. LAGAPAK
LUMAYLAY ang trust at performance ratings ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nito lamang buwan ng Marso. Panahon kung kailan inaresto at ipinadala sa The Hague, The Netherlands si dating pangulong Rodrigo Duterte. Kung lagapak si Marcos, bumuti naman ang trust at performance ratings ni Vice President Sara Duterte. Makikita sa resulta sa kamakailan lamang na survey ng Pulse Asia Research para sa kanilang March 2025 Ulat ng Bayan survey, bumaba ng 17% puntos ang approval rating ni Pangulong Marcos mula sa 42% noong Pebrero sa 25% nitong Marso. Ang kanyang…
Read MoreENDORSEMENT NI VP SARA PARA SA BOTO SA IMPEACHMENT
BOTO sa impeachment trial na pabor sa kanya ang dahilan kung bakit binali ni Vice President Sara Duterte-Carpio ang kanyang unang sinabi na hindi ito mag-eendorso ng kandidato upang hindi muling ma-scam tulad nang nangyari sa kanya noong 2022 presidential elections. Ito ang paniniwala ng mga tagapagsalita ng Mababang Kapulungan matapos iendorso ni Duterte ang kandidatura nina Sagip party-list Representative Rodante Marcoleta, Las Piñas Congresswoman Camille Villar at Senadora Imee Marcos-Manotoc sa pagka-senador. “Hindi na nakakagulat na nagbago ang posisyon ng ating bise presidente pagdating sa pag-endorso ng mga kandidato…
Read MorePGH DARAGDAGAN NG 1.2K HCWs
MAGHA-HIRE ang gobyerno ng mahigit sa 1,224 healthcare workers para sa Philippine General Hospital (PGH) sa susunod na tatlong taon. Ang hakbang ay kasunod ng pag-apruba ng Department of Budget and Management (DBM) sa hiniling na pondo ng University of the Philippines-Manila, nangangasiwa sa PGH, naglalayong palakasin ang pwersa ng mga manggagawa. Ang karagdagang posisyon ay lilikhain sa apat na tranches, simula sa first quarter ng 2025, fourth quarter ng 2025, 2026 at 2027. Sinabi ni DBM Secretary Amenah Pangandaman na ang pag-apruba sa budget ay nag-ugat sa direktiba ni…
Read More2 LALAKI TIMBOG SA GUN BAN
DALAWANG lalaki ang inaresto dahil sa kasong paglabag sa ipinatutupad na Comelec gun ban makaraang makumpiskahan ng baril habang gumagala sa Malabon City. Mahaharap ang mga suspek na sina alyas “Henry”, 51, at alyas “Mike”, 43, kapwa residente ng Brgy. Tonsuya, sa kasong paglabag sa R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) in Relation to B.P. 881, (Omnibus Election Code) at RA 9516 (Illegal possession of explosive). Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ni Malabon City Police chief, P/Col. Jay Baybayan hinggil sa dalawang lalaki na…
Read MoreMAHIGIT P1-M SHABU NASABAT SA DRUG-BUST
NASABAT ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District – Station 3, ang mahigit P1 milyong halaga ng umano’y shabu makaraang madakip ang isang umano’y tulak ng ilegal na droga at dalawang kasabwat sa ikinasang drug buy-bust operation sa San Lazaro Street malapit sa Felix Huertas St., Sta, Cruz, Manila noong Biyernes ng gabi. Kinilala ang nadakip na suspek na target sa operasyon na si alyas “Negro”, 37-anyos. Arestado rin ang umano’y mga kasabwat nito na sina alyas “Bolong”, 40, at alyas “Reymond”, 49-anyos. Ayon…
Read More