DINALUHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Cacho Araneta-Marcos ang pagdiriwang ng Shoe Festival nitong Martes ng hapon sa Marikina City. Mainit naman na sinalubong ang unang ginang nina Senator Aquilino “Koko” Pimentel; asawang si Ma. Anna Kathryna Yu-Pimentel, Special Envoy to the UAE for Trade and Investments na apo ng sapatero at Ikalawang Distrito Rep. Stella Quimbo kasama ang Pamahalaang Lungsod. Ang Marikina ay kinikilala bilang Shoe Capital of the Philippines. Ang pagdiriwang ay may temang “Marikina: Pamana ng Sapatos-Kahapon, Ngayon at Bukas”. Sa kanyang pag-iikot sa Marikina Freedom…
Read MoreDay: April 23, 2025
MAHIGIT P400K SHABU NASAMSAM SA HVI
MAHIGIT P400,000 halaga ng umano’y shabu ang nasamsam ng pulisya mula sa isang high value individual (HVI) drug pusher nang masakote sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan City. Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) District Director, P/BGen. Josefino Ligan, kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief, P/Lt. Col. Timothy Aniway Jr., ang suspek na si alyas “Dexter”, 25, residente ng lungsod. Ayon kay Aniway, positibo ang natanggap na impormasyon ng kanyang mga tauhan hinggil sa pagbebenta umano ng suspek ng droga kaya ikinasa nila ang buy-bust operation,…
Read MoreMURDER SUSPECT NABINGWIT SA BINONDO
NABINGWIT ng mga operatiba ng Baseco Police Station 13 ng Manila Police District, ang isang 29-anyos na murder suspect sa Binondo, Manila noong Martes ng hapon. Kinilala ang suspek na si Jorakim Salum alyas “Bakla”, 29, binata, helper, residente ng Baseco Compound, Port Area, Manila. Base sa ulat ni Police Lieutenant Armando Dela Cruz Jr., hepe ng Warrant and Subpoena Section, kay Police Lieutenant Colonel Emmanuel Gomez, station commander, bandang alas-2:30 ng hapon nang damputin ang suspek makaraang inguso ng mapagkakatiwalaang impormante, sa harap ng isang fastfood restaurant sa naturang…
Read MoreMarcos admin kinalampag KRIMEN, KORUPSYON TUGUNAN AGAD
NANGALAMPAG ang Citizens Crime Watch sa administrasyong Marcos Jr. para agad tugunan ang dumaraming krimen at ang korupsyon sa gobyerno. Pinuna rin ng grupo ang magkaiba anilang pahayag ng dalawang opisyal ng Philippine National Police (PNP) hinggil sa problema sa kidnapping sa bansa. “Sana naman pag-aralan nilang maigi ‘yung mga ginagawa nilang sinasabi, sapagkat ngayon pong panahon, ang mga tao mukhang humihina po ang kanilang pagtitiwala at paniniwala sa atin pong mga pulis,” ani Jigs Magpantay, National President, Citizens Crime Watch. Ayon sa grupo, kailangang magpatupad si Pangulong Ferdinand Marcos…
Read MoreIMPEACHMENT VS SARA ‘DI USAPING REGIONAL AT KABABAIHAN
WALANG kinalaman ang isyu sa pagiging babae at mula sa Mindanao ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte (VPSD) kundi sa pananagutan sa maling paggamit sa confidential and intelligence funds (CIF) ng pangalawang pangulo. Ito ang tinuran ni House Assistant Majority Leader Jude Acidre matapos palabasin umano ni VP Duterte kaya siya in-impeach ay dahil taga-Mindanao sita at ang pagiging babae niya. “Walang kinalaman ang regional or personal identity sa isyung ito. Ang pinag-uusapan dito ay pananagutan ng isang opisyal na tumanggap ng pondo para sa mga sensitibong…
Read MoreHangga’t laganap kahirapan – solon ONLINE CHILD ABUSE HINDI MASUSUGPO
NAGIGING epidemic ang online child abuse dahil sa lumalalang kahirapan sa bansa kaya dapat pagsikapan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na resolbahin ang problemang ito sa lalong madaling panahon. Ito ang iginiit ni House assistant minority leader Arlene Brosas matapos maalarma sa report ng Commission on Human Rights (CHR) na umaabot sa 2.7 million ang kasong naitala ng mga ito noong 2023. “These numbers represent millions of Filipino children whose innocence has been violently stolen. The exponential rise in cases from 426,000 in 2019 to 2.7 million by 2023…
Read MoreUMENTO SA SAHOD AT DAGDAG BENEPISYO SA MGA GURO, MULING IGINIIT NI GATCHALIAN
MULING tiniyak ni Senate Committee on Basic Education chairman Sherwin Gatchalian ang kanyang suporta sa panawagan para sa umento sa sahod at dagdag na benepisyo para sa mga guro. Ayon kay Gatchalian, ang pagtaas ng sahod at benepisyo ng mga guro ay hindi lamang simpleng pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa lipunan, kundi isang konkretong hakbang upang matiyak ang marangal na pamumuhay para sa kanila. Kasabay nito, ipinangako ng senador na ipagpapatuloy ang pagsusulong ng mga pag-amyenda sa Magna Carta for Public School Teachers upang mas mapalakas ang proteksyon sa…
Read More674 PULIS NAMUMURONG MASIBAK
NASA 674 na kasapi ng Philippine National Police ang posibleng masibak sa serbisyo o patawan ng kaparusahan oras na mapatunayang nagkasala sila sa mga demandang inihain sa PNP Internal Affairs Service o PNP-IAS. Nabatid na may 674 complaints ang inihain laban sa mga inakusahang tiwali o balatubang pulis nito lamang unang quarter ng taong 2025. Subalit agad na nilinaw ng PNP-IAS na sasailalim pa ang mga ito sa imbestigasyon at pagdinig. Ayon sa PNP-IAS sa ginanap na pulong balitaan, ang nasabing bilang ay maituturing na isolated cases lang at hindi…
Read MorePASIKAT NA BAGITONG PARAK HIMAS-REHAS
ARESTADO ang isang pulis nang magpakitang gilas sa kamag-anak ng kanyang nobya sa pamamagitan ng pagbunot ng kanyang service firearm at pagpapaputok nito habang nakikipag-inuman sa Sto. Niño, Cagayan nitong Lunes. Nakilala ang suspek na si Patrolman Jerald Sampaga, 29, nakatalaga sa Logistic section ng CIDG sa Camp Crame. Sa ulat sa Kampo Crame, nasa official leave si Sampaga at dinalaw ang kanyang nobya sa Cagayan. Ngunit habang kainuman umano nito ang mga kamag-anak ng nobya ay nagpasikat ang pulis at tumayo, binunot ang kanyang 9mm pistol at ipinutok sa…
Read More