PNP-HPG PLANO NG PNP ILAGAY SA MGA POLICE CHECKPOINT

PLANO ng Philippine National Police (PNP) na maglagay ng dalawa hanggang apat na tauhan ang PNP-Highway Patrol Group (HPG) sa bawat lokal na checkpoint sa bansa. Ito ay kasunod na naitalang road rage sa Antipolo, Rizal na nauwi sa pamamaril at ikinasawi ng isang rider at ikinasugat pa ng apat na iba na nag-ugat lamang sa gitgitan at habulan. Ayon kay HPG spokesperson Lieutenant Nadame Malang, manggagaling ang mga karagdagang personnel mula sa 86 Provincial Highway Patrol Group bilang pagtalima sa kautusan ni PNP Chief General Rommel Marbil. Layunin ni…

Read More

6 FISHERMEN, 3 ARAW NAGPALUTANG-LUTANG SA DAVAO GULF

GUTOM at pagod nang matagpuan ng mga tauhan ng Philippine Navy (PN) ang anim na mangingisda na tatlong araw nang stranded sa laot matapos masiraan ng makina ang kanilang bangka sa Davao Gulf. Ayon sa ulat na ipinarating sa punong himpilan ng Hukbong Dagat ng Pilipinas, may anim na mangingisda ang nasagip ng kanilang mga tauhan sa dagat na sakop ng Davao. Base sa isinumiteng report, noong Miyerkoles habang nagsasagawa ng routine patrol ang BRP Herminigildo Yurong (PG 906) ay namataan nila ang palutang-lutang na fishing boat na F/B Lydia…

Read More

TRO HIRIT SA INTERNET VOTING NG OFWs

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) DUMULOG kahapon sa Korte Suprema ang ilang personalidad para humiling na pigilan sa pamamagitan ng Temporary Restraining Order (TRO) ang implementasyon ng internet voting ng mga Pilipinong nasa ibang bansa. Pinangunahan ng PDP-Laban ang petisyon sa pamamagitan ng legal counsel na si Atty. Israelito Torreon. Kasama sa mga petitioner sina PDP-Laban Vice Chairman Alfonso Cusi at Atty. Vic Rodriguez. Ang petisyon ay inihain ilang araw bago simulan ang pagboto ng overseas Filipino workers (OFWs) ngayong Abril 13. Batay sa Petition for Prohibition and Mandamus with Injunctive…

Read More

GABINETE NI PBBM ‘PINATAHIMIK’ NA SA DU30 ARREST ISYU

PINANINDIGAN ni Executive Secretary Lucas Bersamin nitong Huwebes ang posisyon ng administrasyon ukol sa executive privilege kaugnay sa imbestigasyon ng Senado hinggil sa pag-aresto kay dating pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte. ”When we learned about the topics, kasi ‘yung invitation ni Sen. Imee was quite specific about the topics. So, we had a look at this invitation and we determined that there were many probable or likely topics na covered by those matters that could come under ‘yung executive privilege,” ang sinabi ni Bersamin sa mga mamamahayag sa isang ambush…

Read More

Kasunod ng Myanmar quake EARTHQUAKE DRILL SA GABI, TARGET ISAGAWA NG DND-OCD

UPANG lubusang mapaghandaan ang posibleng pagdating ng pinangangambahang “The big one” at makaiwas sa posibleng malaking bilang ng casualties, target ngayon ng Office of Civil Defense na magsagawa ng mga earthquake drill sa gabi. Kasunod ng magnitude 7.2 earthquake na yumanig sa Myanmar at Thailand, target din ng OCD na magkasa rin ng earthquake drill sa gabi para ihanda ang publiko sa posibilidad ng paglindol habang nasa kanilang mga tahanan. Ayon kay OCD Director Ariel Nepomuceno, isa sa mga pinagbubuti ng pamahalaan ang National Simultaneous Earthquake Drill para sa posibleng…

Read More

20 F-16 FIGHTER JETS, MGA BAGONG BARKO MAGPAPALAKAS SA DEFENSE POSTURE NG PHL

NANINIWALA ang pamahalaan na malaking bagay para sa pagpapalakas ng defense posture ng bansa ang bibilhing 20 F-16 fighter jets ng Pilipinas sa Amerika at ang paparating na guided missile armed ships ng Philippine Navy. Kasunod ng pagdalaw sa Pilipinas ni U.S. Department of Defense Secretary Pete Hegseth at pakikipagpulong nito kay Pangulong Ferdinand Marcos at Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro, inihayag naman ng U.S. State Department na inaprubahan ng US Congress ang $5.58 billion sale ng F-16 fighter jets para sa Pilipinas. Una nang kinumpirma ng US State Department…

Read More

Bersamin sa nakaalarmang pahayag ni Brawner: “WE ARE NOT GOING TO WAR”

BINIGYANG-DIIN ni Executive Secretary Lucas Bersamin na hindi papasok sa giyera ang bansa kasunod ng sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. na ang tropa ng militar ay dapat maghanda kaugnay sa posibleng pagsalakay ng China sa Taiwan. Sa isang ambush interview, sinabi ni Bersamin na walang dahilan para maalarma ang taumbayan sa naging kautusan ni Brawner sa tropa ng militar na maghanda dahil lamang sa nagsagawa ng military exercises ang China sa paligid ng Taiwan na nilahukan ng kanilang army, navy,…

Read More

Jyra Lapitan nakakuha ng mataas na voter preference; ‘TRIPLE E’ PROGRAM ISUSULONG SA MINGLANILLA, CEBU CITY

NAKAKUHA ng mataas na rating sa idinaos na independent poll survey ang kandidato sa pagka-konsehal sa Minglanilla, Cebu City na si Jyra Mantalaba Lapitan. Sa kick off campaign ng Team Unity, si Lapitan ay nakakuha ng suporta sa mga residente ng Minglanilla kasunod ng isinagawang motorcades at pag-iikot sa mga lansangan sa nasabing bayan. Galing sa kilala at iginagalang na pamilya sa lalawigan ng Cebu, ipinangako ni Lapitan sa mga taga-Minglanilla ang kontribusyon nito para mas mapaunlad pa ang bayan at mapangalagaan ang mga residente nito sa pamamagitan ng pag-endorso…

Read More

4.7 KM EDSA ELEVATED WALKWAY SISIMULAN NA NG DOTr

Ni Tracy Cabrera DILIMAN, Lungsod Quezon — Naghahanap na lamang ang Department of Transportation (DoTr) ng isang general consultant sa pamamagitan ng bidding process para masimulan na ang planong Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) Greenways Project, na 4.7-kilometrong (km) elevated walkway sa kahabaan ng pangunahing highway ng bansa. Ayon sa DoTr, bukod sa pakikipagtulungan sa kagawaran na pangasiwaan ang proyekto at pagpapatayo nito, magiging tungkulin din ng general consultant na magbigay ng transaction advisory service para sa mapipiling mga partner na mag-o-operate at magmamantine ng footbridge system. Nilinaw din na…

Read More