#116 AKO OFW PARTY-LIST INENDORSO NG CONFEDERATION OF FILIPINO WORKERS

NAGPALABAS na ng listahan ng mga kandidatong inendorso ang Confederation of Filipino Workers. Sa ipinalabas na post sa kanilang Facebook page, sinabi nito, “Mahalaga na patuloy na maprotektahan at mas pag-ibayuhin pa ang mga programa, polisiya at adbokasiya para sa mga Manggagawang Pinoy. Sa darating na halalan, napagpasyahan namin sa Confederation of Filipino Workers (CFW) na suportahan ang kandidatura ng sumusunod na mga tumatakbo para sa pagka-senador at party-list sa Kongreso. Aming hinihikayat ang lahat ng aming miyembro at kani-kanilang pamilya na suportahan ang nasabing mga kandidato at grupo na…

Read More

Sa bagong SWS survey ERWIN TULFO, CONSISTENT FRONTRUNNER SA SENADO

ILANG araw bago ang Eleksyon sa Mayo 12, patuloy na nangunguna sa karera sa Senado si LAKAS-CMD Senatorial Candidate Erwin Tulfo, ayon sa pinakabagong pre-election survey. Pinatitibay nito ang kanyang matatag na estado bilang consistent frontrunner sa mga survey ng pangunahing polling firms sa bansa. Sa pinakahuling Social Weather Stations (SWS) Survey na isinagawa mula Mayo 2 hanggang 6, nananatiling mataas ang momentum ni Tulfo na nagkamit ng 45% voting preference. Kasunod ni Tulfo sina Christopher Go, Tito Sotto, Lito Lapid, at Ben Tulfo, kabilang din sa mga nasa “winning…

Read More

Sa mahigit 300K Pilipino sa isang taon ACT-CIS PARTY-LIST NAKAPAGHATID NG MAHIGIT P1.4-B SERBISYO

PATUNAY ng matibay na adbokasiyang mailapit ang serbisyo publiko sa mamamayan, matagumpay na naipamahagi ng nangungunang party-list sa Halalan 2025, ACT-CIS Party-list, ang higit sa P1.4 bilyong halaga ng tulong mula sa pamahalaan sa mahigit 300,000 benepisyaryo mula sa iba’t ibang panig ng bansa mula 2024 hanggang sa kasalukuyan. Nanguna sina ACT-CIS Representatives Erwin Tulfo, Edvic Yap, at Jocelyn Tulfo sa pagtutulay sa mga ahensya ng gobyerno gaya ng Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Department of Labor and Employment (DOLE) para matulungan ang…

Read More

ABBY BINAY ‘MUCH BETTER’ MATALO SA SENADO KAYSA MANALO UTOL SA MAKATI

PINUNA ng ilang manonood na tila ‘much better’ o mas nanaisin pa ni Mayor Abby Binay na matalo sa Senado at mabigong makapasok sa Magic 12 kaysa manalo si Senador Nancy Binay laban sa kabiyak na si Atty. Luis Campos sa mayoralty race ng Makati City. Sa kanyang speech kamakailan sa campaign trail sa lungsod, sinabi ni Abby Binay na pumunta siya sa rally upang ikampanya ang Team United na pinamumunuan ng kabiyak na si Atty. Campos na tumatakbong alkalde laban sa kapatid niyang si Senador Nancy Binay. Aniya sa…

Read More

BATANGAS SOLON INIREKLAMO SA COMELEC

INIREKLAMO sa Commission on Elections (Comelec) si incumbent Rep. Jinky Bitrics Luistro na tumatakbo bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Batangas dahil sa paglabag sa mga panuntunan kaugnay sa May 12 elections. Sinabi ni dating congressman Raneo E. Abu na dalawang reklamo ang kanyang inihain sa Task Force SAFE ng Comelec laban kay Luistro kabilang rito ang paglabag sa anti-discrimination and fair campaigning guidelines at pag-abuso sa paggamit ng state resources na inilabas ng Comelec. Bagamat ipinagbabawal na simula March 28 ang presensya ng mga kandidato sa distribusyon o payout…

Read More

LUZON EXECS TODO SUPORTA KAY ERWIN TULFO AT SA ALYANSA

ILANG araw na lang bago ang May 12 Elections, todo na ang suporta ng mga local chief executive mula sa iba’t ibang lalawigan sa Luzon at Metro Manila kay LAKAS-CMD senatorial candidate Erwin Tulfo at sa mga kasamahan nito sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas slate. Una nang nagpahayag ng kanilang suporta ang mga lider ng tinaguring “Solid North” mula sa Ilocos Region ang La Union, Abra, Benguet, at Pangasinan nang dumalaw si Tulfo sa mga nasabing lugar nitong nagdaang buwan. Nakuha rin ng numero unong pambato ng Alyansa at…

Read More

TRABAHO PL PINURI UTOS NI PBBM NA IBABA INTEREST RATE SA SSS SA CALAMITY LOAN

IPINAHAYAG ng TRABAHO Party-list nitong Miyerkoles ang kanilang buong suporta sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pababain ang interest rate sa calamity loans ng Social Security System (SSS). Ayon sa grupo, ang pagpababa ng mga interest sa calamity loan ay isang mahalagang hakbang upang mapagaan ang pasaning pinansyal ng mga manggagawang Pilipino, lalo na ang mga kasalukuyang naapektuhan ng mga pagputok at pag-alburoto ng mga bulkang Bulusan at Kanlaon. Alinsunod sa utos ng Pangulo, babawasan ng SSS ang interest rates sa mga calamity loan upang agad na…

Read More

Chua Brothers at buong Team Unlad, suportado ng INC

Kinumpirma ng pamunuuan ng Iglesia ni Cristo na suportado nila ang buong line-up ng Team Unlad Noveleta mula kay Congressman Jolo Revilla, Mayor Davey Chua, Vice-Mayor Dino Chua at lahat ng konsehal na bumubuo ng kanilang partido na sina Jeg Alix, Donn Louie Alvarez, Patrick Barzaga, Axel Enriquez, Emelito Lontoc, Kap. Jay Lontoc, Edwin Salud at Ricky Saria. Kilala at subok na sa ‘block voting’ ang mga myembro ng Iglesia ni Cristo. Tinatayang aabot sa mahigit 2,000 ang myembro ng Iglesia ni Cristo sa bayan ng Noveleta kung kaya’t inaasahan…

Read More

Chua Brothers, nanguna sa survey sa Noveleta, Cavite

Noveleta, Cavite – NILAMPASO ng Team Unlad ang Team Aksyon sa pinakabagong survey ng Mavowe-Optima Marketing & Management Consultants Corp. na inilabas noong ikatlong linggo ng Abril ng kasalukuyang taon Ayon sa Mavowe-Optima Survey, kung ngayon gaganapin ang eleksyon, kakain ng alikabok ang Team Aksyon dahil nakapagtala ang Team Unlad sa pangunguna ni Board Member Davey Chua ng 81% preference vote sa pagka-alkalde, laban sa 18% preference vote lamang ni Vice Mayor Arlynn Torres para sa parehong posisyon. Habang si Mayor Dino Chua ay humakot ng 85% preference vote para…

Read More