Chua Brothers at buong Team Unlad, suportado ng INC

Kinumpirma ng pamunuuan ng Iglesia ni Cristo na suportado nila ang buong line-up ng Team Unlad Noveleta mula kay Congressman Jolo Revilla, Mayor Davey Chua, Vice-Mayor Dino Chua at lahat ng konsehal na bumubuo ng kanilang partido na sina Jeg Alix, Donn Louie Alvarez, Patrick Barzaga, Axel Enriquez, Emelito Lontoc, Kap. Jay Lontoc, Edwin Salud at Ricky Saria. Kilala at subok na sa ‘block voting’ ang mga myembro ng Iglesia ni Cristo. Tinatayang aabot sa mahigit 2,000 ang myembro ng Iglesia ni Cristo sa bayan ng Noveleta kung kaya’t inaasahan na malaking boto ang maibibigay nito sa buong partido ng Team Unlad sa darating na halalan 2025.

122

Related posts

Leave a Comment