ISANG top-ranking communist terrorist leader at dalawang tauhan nito ang napaslang nang makasagupa ang tropa ng 93rd Infantry “Bantay Kapayapaan” Battalion ng Philippine Army nitong Miyerkoles ng umaga sa liblib na bahagi ng Barangay Cogon, Carigara, Leyte. Ayon kay Brigadier General Noel Vestuir, commander ng Army 802nd Infantry (Peerless) Brigade, habang nagsasagawa ng tactical patrol operation ang kanilang mga tauhan ay nasabat nila ang grupo ng mga teroristang NPA sa ilalim ng Squad 2, Island Committee (IC) LEVOX ng Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC). Isa sa mga napatay ay…
Read MoreMonth: June 2025
BOMBA NAHUKAY SA NATIONAL MUSEUM
ISANG hinihinalang vintage bomb ang nadiskubre habang naghuhukay ang mga construction worker sa National Museum of Anthropology sa Finance Road, Ermita, Manila nitong Miyerkoles ng umaga. Agad na iniulat ang insidente sa Ermita Police Station 4 ng Manila Police District na kinordon ang lugar habang mabilis namang nagresponde ang mga tauhan ng District Explosive Canine Unit ng MPD (DACU). Ayon sa ulat, bandang alas-10:23 ng umaga nang mahukay ng mga construction worker ang nasabing bomba ngunit ayon sa mga awtoridad, sa pangunguna ni Police Lieutenant Eduard Raguindin ng MPD-DACU, tanggal…
Read MoreP2-M SHABU NASABAT SA MARIKINA BUY-BUST
MAHIGIT P2 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Marikina City Police, sa isinagawang buy-bust operation noong Lunes dakong alas-10:40 ng gabi sa Marikina City. Kinilala ng bagong talagang chief of police ng Marikina CPS na si PCol. Geoffrey Fernandez, ang suspek na si alyas “Robin,” 32, residente ng San Mateo, Rizal at nakatala bilang high value individual (HVI) ng pulisya. Ayon kay Hernandez, ang suspek ay minsan nang naaresto sa kahalintulad na kaso noong Agosto 2022, at nakumpiskahan ng…
Read More2 PEKENG VIETNAMESE DOCTOR ARESTADO
KALABOSO ang dalawang Vietnamese na may kasong illegal practice of medicine, sa ikinasang entrapment operation ng Criminal Investigation and Detection Group noong Lunes sa Makati City. Kinilala ni CIDG Officer-in-Charge Brig. Gen. Rolindo Saguilon, ang naarestong mga suspek na sina Nguyen at Phuong, kapwa Vietnamese national. Ayon sa ulat, nagsasagawa ang mga suspek ng medical consultation, nose augmentation at body parts modification procedure nang walang kaukulang permit o lisensya o kahit anomang rehistro mula sa Professional Regulation Commission (PRC). Kaagad na ikinasa ng CIDG-NCR ang entrapment operation sa Doly Beauty…
Read MoreMRF FACILITY NAIS IPASARA SA NAKASUSULASOK NA AMOY
PORAC, Pampanga — Hinimok ng nasa 5,000 mga residente ng Barangay Planas sa bayan ng Porac ang lokal na pamahalaan na aksyunan ang kanilang hinaing kaugnay ng mababahong trak ng basura na dumaraan sa kanilang barangay patungo sa isang Materials Recovery Facility (MRF). Sinabi ni Barangay Planas Kagawad Rex Ocampo, may 80 trak ng basura ang dumaraan sa nabanggit na barangay araw-araw partikular sa kahabaan ng Purok 1, kung saan kadalasan ay sa oras ng pagluluto o kaya pagkain ng mga residente. Sinabi ni Ocampo, humigit-kumulang 5,000 residente sa Barangay…
Read MoreGOBYERNO PINAGBABAYAD NG CA NG HIGIT P28-B SA HACIENDA LUISITA
INATASAN ng Court of Appeals ang Land Bank of the Philippines at Department of Agrarian Reform na bayaran ang Hacienda Luisita Inc. na magbayad ng mahigit ₱28.488 bilyon bilang kabuuang just compensation para sa mahigit 4,500 ektaryang lupa na isinailalim sa reporma sa lupa ng gobyerno. Batay sa 35-pahinang desisyon ng CA na pirmado ni Associate Justice Raymond Reynold Lauigan, binaligtad ng korte ang naunang desisyon ng mababang hukuman sa Tarlac na pumayag bayaran ang Hacienda Luisita sa mas mababang halaga. Ayon sa CA, mahigit P28 bilyon ang dapat bayaran,…
Read MoreMay kasamang iba sa hotel CHIEF OF POLICE KINASUHAN NI MISIS
QUEZON – Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9262 (psychological abuse) ang hepe ng pulisya sa isang bayan sa lalawigan makaraang maaktuhan ito ng kanyang misis na guro na may kasamang ibang babae sa isang hotel sa Tayabas City noong Martes ng gabi. Ayon sa report, dakong alas-3:30 ng madaling araw nitong Miyerkoles, personal na nagtungo sa Tayabas City Police Station ang 42-anyos na misis upang ireklamo ang kanyang 41-anyos na pulis na mister na nahuli nito sa loob ng Roadside Hotel sa Barangay Wakas, Tayabas City, na walang anomang…
Read MoreREGISTRATION NG DUTERTE YOUTH KINANSELA NG COMELEC
KINUMPIRMA ng Commission on Elections (Comelec) ang kanselasyon sa registration ng Duterte Youth Party-list. Sa isinagawang deliberasyon ng Comelec Second Division, 2-1 ang resulta para sa kanselasyon. Gayunman, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia, may remedyo pa at hindi pa ito pinal dahil maaari pa silang maghain ng motion for reconsideration (MR) para maresolba ng en banc. May limang araw naman ang Duterte Youth Party-list para maghain ng apela sa Comelec en banc. Wala pang epekto ang kanselasyon ng rehistrasyon ng Duterte Youth sa kanilang pagkapanalo na nakakuha ng tatlong…
Read MoreOFWs SA ISRAEL AT IRAN PALIKASIN NA
NANAWAGAN sina OFW JUAN Executive Director Vince Manalac at AKOOFW Inc. Chairman Dr Chie Umandap sa Department of Migrant Workers (DMW) na magsagawa ng agarang repatriation o pagpapauwi sa mga Pilipinong manggagawa sa Israel. Hiniling nila na isaalang-alang ng pamahalaan ang paggamit ng mga rutang panlupa patungong kalapit na bansa gaya ng Egypt, katulad ng ginagawang hakbang ng China para sa kanilang mamamayan. “Nanawagan kami sa DMW, DFA, at iba pang kaukulang ahensya na bigyan ng prayoridad ang kaligtasan ng ating mga kababayan. Sa harap ng lumalalang panganib, mahalagang magkaroon…
Read More