GOBYERNO PINAGBABAYAD NG CA NG HIGIT P28-B SA HACIENDA LUISITA

INATASAN ng Court of Appeals ang Land Bank of the Philippines at Department of Agrarian Reform na bayaran ang Hacienda Luisita Inc. na magbayad ng mahigit ₱28.488 bilyon bilang kabuuang just compensation para sa mahigit 4,500 ektaryang lupa na isinailalim sa reporma sa lupa ng gobyerno.

Batay sa 35-pahinang desisyon ng CA na pirmado ni Associate Justice Raymond Reynold Lauigan, binaligtad ng korte ang naunang desisyon ng mababang hukuman sa Tarlac na pumayag bayaran ang Hacienda Luisita sa mas mababang halaga.

Ayon sa CA, mahigit P28 bilyon ang dapat bayaran, taliwas sa P304 milyon kasama ang P167.4 milyon interes.

Labag anila sa batas ang naging batayan ng korte sa Tarlac dahil hindi ito nakaayon sa tama at sapat na ebidensya at hindi nasunod ang tamang batas.

(JULIET PACOT)

73

Related posts

Leave a Comment