10 PAMILYA APEKTADO NG GUMUHONG BAHAY SA MAYNILA

SAMPUNG pamilya ang apektado sa pagguho ng apat na palapag na bahay na yari sa light materials, makaraang lumambot ang lupa na kinatitirikan nito dulot ng walang tigil na buhos ng ulan bunsod ng habagat sa Paco, Manila noong Miyerkoles ng gabi. Nabatid mula kay Director Jay Dela Fuente ng Manila Department of Social Welfare (MDSW), 10 pamilya ang nakatira sa apat na palapag na gumuhong bahay na yari sa coco lumber sa panulukan ng Santiago St., at A. Linao St., Barangay 684, Paco, Manila. Mabilis namang pinuntahan ni Director…

Read More

Storm surge, flash floods, landslides ibinabala EMONG TYPHOON CATEGORY NA, MGA LUGAR SA SIGNAL NO. 3 NADAGDAGAN

NAGLABAS ng matinding babala nitong Huwebes ang Office of Civil Defense (OCD) kaugnay ng tumataas na panganib ng pagbaha at pagguho ng lupa at posibleng storm surge sa Hilaga at Gitnang Luzon at ilang bahagi ng Metro Manila, bunsod ng tuloy-tuloy na pag-ulan. Ito ay kasunod ng pahayag ng state weather bureau na naabot na ng Bagyong Emong ang Typhoon Category habang napanatili naman ni Dante ang taglay na lakas habang tinatahak ang landas palabas ng area of responsibility ng Pilipinas. Dahilan para madagdagan pa ang mga lugar na inilagay…

Read More

Para sa 12 round bout kay Baste Duterte GEN. TORRE NAG-UMPISA NA SA SPARRING SESSION

AGAD nang pinasimulan ni Philippine National Police (PNP) chief, PGen. Nicolas Torre III ang kanyang boxing training kaugnay sa posibleng 12 rounds bouts nila ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte. Nitong Huwebes, nagsagawa ng ilang minutong sparring session at sandbag strength developing exercise si Gen. Torre bilang paghahanda matapos niyang kasahan ang hamon ni Duterte na suntukan sa pamamagitan ng isang charity boxing match sa Rizal Coliseum. Pahayag ng heneral, seryoso niyang tinanggap ang hamon para na rin sa potensyal na fundraising event na ito upang makatulong sa ibang…

Read More

ISONUS: PLATFORM NA MAY PREMYO ANG PANONOOD

INILUNSAD noong 2025, ang ISONUS ay isang makabagong streaming platform na pinagsasama ang digital entertainment at mga aktwal na gantimpala. Sa murang subscription fee, maaaring makapanood ng original Filipino content ang mga subscribers, kumita ng tokens, at chance na manalo ng malalaking tax-free cash prizes. Ganito ito gumagana: Habang nanonood ng content mula sa ISONUS creators, nakakakuha ng tokens ang mga users. Ang mga tokens na ito ay nauuwi sa game entries para sa bi-weekly ISONUS game shows na ‘Saan Aabot ang 1 Life Mo?’ at ‘Bes, Guess?!’ Ang bawat…

Read More

2 PATAY SA LEPTOSPIROSIS SA MAYNILA

KINUMPIRMA ni Manila Health department Director Dra. Grace Padilla na dalawang lalaki na nasa hustong gulang ang namatay kahapon dahil sa leptospirosis sa lungsod ng Maynila. Isa sa Sta. Ana hospital at isa sa Ospital ng Maynila. Paglilinaw ni Dra Padilla, nakuha ng mga pasyente ang sakit bago pa man ang bagyong Crising o mga naranasang pag-ulan ngayon. May 1 hanggang 2 linggo aniya na nasa incubation period ang leptospirosis. Samantala, 5 ang kaso ng leptospirosis sa Sta Ana Hospital, 3 sa Ospital ng Maynila habang 3 naman sa Tondo…

Read More

RAMDAM ANG BAHA HINDI ANG FLOOD CONTROL

CLICKBAIT ni JO BARLIZO GRABE ang baha dulot ng walang humpay na pag-ulan. Taon-taon, paulit-ulit ang kuwento tuwing may bagyo. Lubog sa baha ang ilang komunidad, nasisira ang tahanan, mga gamit, ari-arian, kabuhayan, at ang masaklap – ang buhay. Kalbaryo ang dulot ng mga pagbaha. Halos P350 bilyon pala ang alokasyon sa flood control ngayong taon. Ngunit ramdam n’yo ba ang laang-gugulin sa flood control? Ang siguradong ramdam ay ang pagbuhos ng ulan na magpapabaha sa mga lokalidad. Gumugugol tayo ng sandamakmak na salapi galing sa buwis ng taumbayan, ngunit…

Read More

INTEGRITY

HOPE ni Guiller Valencia BETTER is the poor who walks in his integrity than one perverse in his ways, though he is rich (Proverbs 28:6, NKJV). Integrity is essential! Someone said, “When legal professionals, lawmakers, and citizens act with integrity, the rule of law is fortified, and justice is served.” I hope ganito rin sa Senado at Kongreso! What does it mean to walk with integrity? Sa panahon ngayon mayroon pa bang integridad ang tao? Honestly, mayroon pa rin naman. Pero sa hanay ng mga politiko, negosyante, mamamahayag, taong simbahan…

Read More

METRO MANILA FLOOD MANAGEMENT PROJECT SA Q.C.

TARGET COLUMN NI KA REX CAYANONG HINDI na bago ang Metro Manila Flood Management Project. Matagal na itong ideya, matagal nang planado, at matagal na ring inaasahan ng mamamayan. Ngunit ngayong pormal nang lumagda sina Quezon City Mayor Joy Belmonte, DPWH Cluster Project Director Ramon Arriola, at MMDA Chairman Romando Artes sa isang usufruct agreement para rito, muling nabigyan ng pag-asa ang mga residente ng lungsod, lalo na ang mga nakatira sa mga lugar na taon-taong binabaha. Ang proyekto, sa ilalim ng pamumuno ng national government at pakikipagtulungan ng Quezon…

Read More

MAY DAAN PERO WALANG MALAKARAN

SA bawat kanto ng siyudad, makikita ang bangketa. Pero sa halip na daanan ng tao, ito’y naging paradahan ng kotse, tindahan ng fishball, o minsan pa’y nagsisilbing sala ng mga nakatira sa gilid ng kalsada. May daan nga, pero walang malakaran. Ngayong taon, muling binigyang-diin ng MMDA ang pagpapatupad ng clearing operations sa mga pangunahing lungsod. Sa Quezon City pa lang, dose-dosenang sasakyan at illegal vendors ang pinaalis sa bangketa. Pero parang panandalian lang ang aksyon. Pagkalipas ng ilang araw, balik sa dating gawi. Sa sobrang dami ng nakaharang, ang…

Read More