DPA ni BERNARD TAGUINOD KAILANGAN na talagang amyendahan ang Republic Act (RA) 7491 na siyang nagtatag sa party-list system dahil ginagamit na ito ng mga negosyante at mayayaman para makapasok sa Kongreso at mapalawak pa ang kanilang business empire. Itinatag ang party-list noong 1995 para magkaroon ng kinatawan sa Kongreso ang mga marginalized sector tulad ng mga magsasaka, mangingisda, kababaihan, manggagawa, urban poor, kabataan, cultural communities, Pinoy overseas, professionals at matatanda. Hindi sinasabi sa batas na kasama sa marginalized sector ang mga mayayaman at malalaking negosyante at mga political family,…
Read MoreDay: August 18, 2025
AKAP IGINAGAPANG NA MAPONDOHAN?
PUNA ni JOEL O. AMONGO MAY mga kongresista na naman na nais malagyan ng pondo sa 2026 General Appropriations Bills (GAB) ang Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP). Ay naku, talaga nga naman, hindi nagsasawa, gagawa at gagawa talaga ng paraan para makalusot! Kahit hindi kasama sa 2026 National Expenditure Program (NEP) ang AKAP ay mayroon pa rin talagang nagbabakasakali na malagyan ito ng pondo, alam na kung bakit may nagpupumilit dahil nagagamit nila ito sa pamumulitika. Nitong katatapos na eleksyon ay nagamit ng mga politiko ang AKAP…
Read MorePAPANAGUTIN SANGKOT SA FLOOD CONTROL PROJECTS ANOMALY
AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS MAGSASAGAWA ng fraud audit sa flood control projects sa Bulacan ang Commission on Audit (COA) para papanagutin ang mga responsable sa pumapalpak na mga proyekto sa nasabing lalawigan. Ipinag-utos ni Commission on Audit (COA) chairperson Gamaliel Cordoba, ang pagsasagawa ng fraud audit sa flood control projects sa Bulacan, bilang pagsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na imbestigahan ang umano’y iregularidad sa flood control program ng pamahalaan, lalo na ngayong panahon ng habagat kung saan patuloy ang pagbaha na nagdudulot…
Read MoreEchapwera kay Romualdez CIVIL SOCIETY PALAMUTI LANG SA BUDGET HEARING
HINDI naitago ng isang mambabatas ang pagkadismaya sa liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil mistulang palamuti lang ang papel ng mga Civil Society Organization (CSO) at People’s Organization (PO) sa budget hearing. Ayon kay Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña, walang tumututol na epektibo at reasonable ang partisipasyon ng CSO at PO sa deliberasyon sa pambansang pondo na sinimulan sa pamamagitan ng budget briefing ng mga economic manager ng administrasyon. “Pero sa memo ng HOR (House of Representatives), wala man lang silang opportunity chumika sa deliberation. Wala ring guarantee na…
Read MoreDPWH officials ipa-lifestyle check – solon PBBM ‘WAG PURO OCULAR INSPECTION
IMINUNGKAHI ng isang bagitong mambabatas na puntiryahin din ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa paniwalang kasabwat ang mga ito sa anomalya sa flood control projects. Ayon kay Kamanggagawa party-list Rep. Eli San Fernando, kung seryoso talaga si Marcos na may mapanagot sa katiwaliang ito, kailangan niyang iutos agad ang lifestyle check sa lahat ng regional directors at district engineers sa buong bansa. Bukod dito, iginiit din ng mambabatas na kailangang suriin ang Statement of Assets Liabilities and Networth…
Read MoreISLAND CHARM AWARD NASUNGKIT NG PH
PINALAKAS ng Pilipinas ang katayuan nito bilang ‘top global diving hub’ matapos magwagi ng Island Charm Award, pagkilala sa ‘unique appeal’ ng bansa sa mga turista, Diving Resort and Travel (DRT) Expo na idinaos sa Beijing noong Aug. 8 hanggang 10. Pinangunahan ng Department of Tourism – Beijing at ng Tourism Promotions Board, ipinakita ng Pilipinas ang world-class marine attractions nito sa China National Convention Center, may kasamang major airlines, dive suppliers at resorts, kabilang ang umusbong na dive sites sa Romblon, Ticao Island (Masbate), at Camiguin. Nasungkit naman ng…
Read MoreGOV UMALI GUILTY SA QUARRY CASE – OMB
‘GUILTY’ ang naging hatol ng Office of the Ombudsman sa kasong katiwalian laban kay Nueva Ecija Governor Aurelio Umali na may kinalaman sa irregular na pag-isyu nito ng 205 quarry permits na walang Environmental Compliance Certificate (ECC) mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) noong 2014 hanggang 2016. Sa inilabas na hatol ng Ombudsman, si Umali ay napatunayang lumabag sa Section 25(2) ng Republic Act 6770, OMB Act of 1989, at Section 10(b), Rule III ng Administrative Order No. 7 ng Rules of Procedure ng graft court, kaya…
Read MorePASLIT, BINATILYO NALUNOD SA ILOG
RIZAL – Isang 4-anyos na lalaking paslit at isang binatilyo ang iniulat na nalunod sa ilog sa magkahiwalay na insidente sa bayan ng Rodriguez sa lalawigan noong Agosto 17, 2025. Ayon sa ulat, bandang alas-10 ng gabi nang makatanggap ng ulat ang Tactical Operations Center mula sa Casimiro Ynares Hospital kaugnay sa insidente ng pagkalunod ng isang 4-anyos na lalaki. Sa isinagawang imbestigasyon ng Rodriguez Municipal Police Station, bandang alas-11:30 ng umaga nang magkayayaan umano na maligo ang biktimang si Jude Ethan Solina at dalawa pang ‘di pinangalanang kalaro. Ayon…
Read MoreSULU MOST WANTED PATAY, 4 SUNDALO SUGATAN SA GRANADA
SULU – Napatay ng pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya ang tinaguriang most wanted person ng Sulu kasunod ng engkuwentro nitong nakalipas na linggo na ikinasugat din ng apat na sundalo sa Barangay Kapok Punggol, bayan ng Maimbung ng nasabing lalawigan. Kinilala ang napaslang na notorious lawless element na si Alganer Dahim alyas “Wangbu,” ikalawa sa most wanted persons sa lalawigan, matapos ang operasyon ng militar at pulisya. Samantala, may apat na sundalo mula sa 41st Infantry Battalion ang nasugatan sa pagsabog ng granada na inihagis ng suspek kaya…
Read More