ISLAND CHARM AWARD NASUNGKIT NG PH

PINALAKAS ng Pilipinas ang katayuan nito bilang ‘top global diving hub’ matapos magwagi ng Island Charm Award, pagkilala sa ‘unique appeal’ ng bansa sa mga turista, Diving Resort and Travel (DRT) Expo na idinaos sa Beijing noong Aug. 8 hanggang 10.

Pinangunahan ng Department of Tourism – Beijing at ng Tourism Promotions Board, ipinakita ng Pilipinas ang world-class marine attractions nito sa China National Convention Center, may kasamang major airlines, dive suppliers at resorts, kabilang ang umusbong na dive sites sa Romblon, Ticao Island (Masbate), at Camiguin.

Nasungkit naman ng Pilipinas ang ‘best diving destination award’ ng DRT expo noong nakaraang taon na idinaos din sa Beijing.

Binigyang-diin ang partisipasyon ng Philippine Dive Night, isang business-matching event kung saan pinagsama-sama ang Chinese diving tour operators at Philippine airlines at resorts.

Sa kabilang dako, sinabi ni Philippine Ambassador to China Jaime FlorCruz na ang presensiya ng expo ng bansa ang nagbigay-diin sa dual commitment nito para i-promote ang turismo at pangalagaan ang marine resources.

“The country remains dedicated to promoting sustainable tourism and fostering strong people-to-people exchanges through partnerships that protect its marine environment,” ang sinabi ni FlorCruz.

Ang DRT Expo ay itinuturing na ‘largest international dive exhibition’ sa Asya , itinatanghal taun-taon sa mga pangunahing lungsod kabilang na ang Hong Kong, Shanghai at Taipei.

Nakatakda namang mag-host ang Maynila para sa susunod na leg ngayong Setyembre.

(CHRISTIAN DALE)

37

Related posts

Leave a Comment