HINDI bunga ng insertions ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang flood control projects na natuklasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na ghost projects kundi proyekto ito ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Ito ang lumalabas matapos balikan ni House committee on public accounts chairman at Bicol Saro party-list Rep. Terry Ridon ang 2025 National Expenditure Program (NEP) upang malaman kung sino ang nagpanukala ng nasabing proyekto sa Brgy. Piel, Baliuag, Bulacan. “Reinforced Concrete Riverwall Project implemented by DPWH Bulacan First Engineering District and Syms Construction Trading, and…
Read MoreDay: August 27, 2025
Sa pagsibak kay Torre HIDWAAN SA LOOB NG ADMIN NI MARCOS JR. LUMALALIM
(BERNARD TAGUINOD) INDIKASYON na palalim nang palamin ang hidwaan sa loob ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang biglaang pagsibak kay Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Nicolas Torre III. Ganito inilarawan ni House deputy minority leader at ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio ang pagsibak kahapon ng Malacanang kay Torre na 85 araw pa lamang naninilbihan bilang hepe ng pambansang pulisya. “Ang patuloy na rigodon at awayan sa loob ng PNP ay nagpapatunay sa lumalalim na hidwaan sa administrasyong Marcos. Magkakaibang mga grupo ang nag-aagawan ng kapangyarihan…
Read MoreKung hindi tutuga si Zaldy Co – Tiangco TRANSPARENCY SA BUDGET LOKOHAN LANG
HINDI magiging makatotohanan ang sinasabing pagbabago at pagkakaroon ng transparency sa pambansang pondo kung hindi ilalahad ni dating House appropriations chairman at Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co ang ginawang pagbabago ng small committee sa 2025 national budget. Kahapon ay muling hinamon ni Navotas Rep. Toby Tiangco si Co na isapubliko ang amendment na ginawa nito at tatlo pang kasama sa small committee dahil walang naipresentang dokumento ang kasalukuyang chairperson ng nasabing komite na si Nueva Ecija Rep. Mikael Suansing. “Walang napadalang report ang Committee Secretariat, kaya ibig sabihin, wala.…
Read More3 SUGATAN SA PAMAMARIL
CAVITE – Inoobserbahan sa ospital ang tatlong indibidwal na pinagbabaril habang bumibili ng pagkain sa isang tindahan sa Gen. Trias City noong Lunes ng umaga. Kinilala ang mga biktima na sina alyas “Jayson”, 37; “Gerald”, 34; at “John Dave”, 34, pawang mga residente ng Brgy. San Francisco, Gen. Trias City. Mabilis namang tumakas ang suspek na kinilalang si alyas “Boboy”, sakay ng isang motorsiklo. Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-5:15 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa Tropical Village Pabahay 2000, Barangay San Francisco. Hindi pa mabatid kung…
Read MoreLOLA PATAY SA SUNOG
CAVITE – Patay ang isang 70-anyos na lola habang nalapnos naman ang asawa nito nang lamunin ng apoy ang kanilang tirahan sa Bacoor City noong Lunes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Rosalinda Lapinig na isinugod sa Cavite East Asia Medical Center ngunit namatay habang nilalapatan ng lunas, habang dumanas naman ng first degree burns ang asawa nito na si alyas “Chrispo”, 70, kapwa residente ng Brgy. Molino 3, Bacoor City, Cavite. Ayon sa ulat, bandang alas-11:30 ng gabi nang nagsimula ang sunog sa bahay ng dalawa sa Brgy. Molino…
Read More3 SUNDALO PATAY SA CPP-NPA
CAPIZ – Tatlong kasapi ng Philippine Army ang nagbuwis ng buhay sa pagtatanggol para sa kapayapaan laban sa nalalabing communist New People’s Army sa nangyaring sagupaan sa bayan ng Tapaz sa lalawigang ito. Ayon sa ulat, may tatlong sundalo mula sa 12th Infantry Battalion (12IB), 3rd Infantry (Spearhead) Division (3ID) ang nasawi kasunod ng nangyaring engkwentro noong Lunes laban sa Communist Terrorist Group (CTG). Isa sa mga nag-alay ng buhay si Army Sergeant John Ray Coopera na namatay matapos ang dalawang magkasunod na sagupaan sa Barangay Agpalali, Tapaz, laban sa…
Read MoreDOST NAGLABAS NG LA NIÑA WATCH MULA SEPT-DEC.
POSIBLENG magiging maulan ang mga susunod na buwan hanggang sa Disyembre ngayon taon. Kahapon ay inilabas ng Department of Science and Technology – Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA) ang La Niña Watch matapos makita ang tumataas na posibilidad ng La Niña simula Setyembre hanggang Disyembre 2025. Ayon sa ahensya, mananatiling neutral ang kondisyon ng klima hanggang Agosto-Setyembre-Oktubre, ngunit may 55% o higit pang tsansa ng pag-usbong ng La Niña sa mga susunod na buwan. Ang La Niña ay karaniwang nagdudulot ng mas malamig na temperatura sa karagatan…
Read MoreTRIKE DRIVER TIMBOG SA BARIL
ISINELDA ng mga tauhan ng Sector 4 (Delta) ng Sampaloc Police Station ng Manila Police District, ang isang 30-anyos na tricycle driver makaraang inguso ng isang concerned citizen sa pagdadala ng baril nitong Martes ng umaga sa Matimyas Street, Barangay 525, Zone 52, Sampaloc, Manila. Kinilala ang suspek na si alyas “Romanuel”, residente ng Blumentritt, Sampaloc, Manila. Batay sa ulat nina Police Master Sergeant Carlo Jay Gonzales at Police Staff Sergeant Jeff Mark Joseph Cabasis ng Sector 4 (Delta) ng Police Station 4, habang nagsasagawa sila ng mobilized patrol bilang…
Read MoreONLINE SELLER NG BEEP CARDS INARESTO
ARESTADO ang isang babae na nagbebenta umano ng hindi awtorisadong Beep cards, sa isinagawang entrapment operation ng pinagsanib na pwersa ng Eastern District Anti-Cybercrime Team at Pasig City Police Station. Sa isinagawang joint press conference ng PNP-Anti Cybercrime Group at Department of Transportation, nabatid na inaresto ang babaeng suspek sa Ortigas Center sa Pasig City noong Agosto 15. Nakuha sa suspek ang 50 piraso ng Beep cards na ibinebenta sa iba’t ibang online platforms. Kamakailan ay nagkaroon ng “shortage” o kakulangan sa supply ng Beep cards sa mga istasyon ng…
Read More