TRIKE DRIVER TIMBOG SA BARIL

ISINELDA ng mga tauhan ng Sector 4 (Delta) ng Sampaloc Police Station ng Manila Police District, ang isang 30-anyos na tricycle driver makaraang inguso ng isang concerned citizen sa pagdadala ng baril nitong Martes ng umaga sa Matimyas Street, Barangay 525, Zone 52, Sampaloc, Manila.

Kinilala ang suspek na si alyas “Romanuel”, residente ng Blumentritt, Sampaloc, Manila.

Batay sa ulat nina Police Master Sergeant Carlo Jay Gonzales at Police Staff Sergeant Jeff Mark Joseph Cabasis ng Sector 4 (Delta) ng Police Station 4, habang nagsasagawa sila ng mobilized patrol bilang bahagi ng “Oplan Galugad” sa kanilang nasasakupang lugar nang makatanggap sila ng report mula sa isang concerned citizen na isang lalaking namamasada ng tricycle ang armado ng baril.

Agad namang nagresponde ang mga pulis at naaktuhan ang suspek na nilalaro ang kanyang baril.

Bunsod nito, dinis-armahan ng mga awtoridad ang suspek at dinala sa himpilan ng pulisya.

Ang suspek na armado ng improvised gun na may bala ng .38 kalibreng baril, ay sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms at Ammunition Regulation Act).

Samantala, isinailalim naman ang baril sa ballestic examination and verification sa PNP Crime laboratory.

(RENE CRISOSTOMO)

32

Related posts

Leave a Comment