CAVITE – Patay ang isang 70-anyos na lola habang nalapnos naman ang asawa nito nang lamunin ng apoy ang kanilang tirahan sa Bacoor City noong Lunes ng gabi.
Kinilala ang biktimang si Rosalinda Lapinig na isinugod sa Cavite East Asia Medical Center ngunit namatay habang nilalapatan ng lunas, habang dumanas naman ng first degree burns ang asawa nito na si alyas “Chrispo”, 70, kapwa residente ng Brgy. Molino 3, Bacoor City, Cavite.
Ayon sa ulat, bandang alas-11:30 ng gabi nang nagsimula ang sunog sa bahay ng dalawa sa Brgy. Molino 3, Bacoor City.
Bandang alas-12:06 ng madaling araw nitong Martes nang ideklara itong fire-out ni SFO1 Abigail Cabacara ng Bacoor City Bureau of Fire Protection.
Umabot sa P450,000.00 halaga ang pinsala habang inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng sunog.
(SIGFRED ADSUARA)
