TARGET ni KA REX CAYANONG MAHALAGA ang papel ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa pagbibigay ng tulong sa mga Pilipino, lalo na sa panahon ng pangangailangan. Ang nalalapit na Charity Summit 2025 na gaganapin sa Manila Hotel ay hindi lamang pagtitipon ng mga opisyal at institusyon, kundi isang malinaw na pahayag na mas malayo ang mararating ng pagtutulungan kaysa nag-iisang pagkilos. Ang tema ng summit na “Serving More Through Greater Collaboration” ay akmang-akma sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa. Sa harap ng iba’t ibang suliranin—mula kalusugan, edukasyon, at sakuna—hindi sapat…
Read MoreDay: September 10, 2025
Binabaha kasi ng pondo ALCANTARA AYAW UMALIS SA BULACAN
AYAW umanong lisanin ni dating District Engineer (DE) Henry Alcantara ang Bulacan First District Engineering Office ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa laki ng pondong dumadaloy dito. Ito ang isiniwalat ng dating Officer-in-Charge (OIC) District Engineer Brice Ericson Hernandez sa pagharap niya sa House Committee on Public Works and Highways (Infra Committee) na nagsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa mga anomalya sa flood control projects sa Bulacan at iba pang lugar sa bansa. Ayon kay Hernandez, nakatrabaho niya si Alcantara noong 2019 nang italaga itong District Engineer…
Read MoreBaronda kinontra si PBBM: WALANG PALPAK, GHOST PROJECTS SA ILOILO CITY
KINONTRA ni Iloilo City Lone District Rep. Julienne “Jam-jam” Baronda si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. hinggil sa umano’y ghost o substandard projects sa kanyang distrito, sa harap ng panawagang imbestigahan ang mga proyekto ng DPWH-Iloilo City District Engineering Office (ICDEO) na pinondohan sa pamamagitan ng kanyang opisina. “Just like what I said right after the SONA of President Marcos, I welcome any and all investigations into the infrastructure projects in the legislative district of Iloilo City,” pahayag ni Baronda. “I can assure everyone that the innuendos and assertions that there…
Read MoreNEGOSYANTE, 2 QUARRY OPERATORS NILIKIDA
BACOLOD CITY – Isang negosyante ang binaril at napatay ng hindi pa nakikilalang gunman nitong Martes ng umaga habang naghahanda na buksan ang kanyang negosyong hardware store sa lungsod. Ayon sa inisyal na report, bandang alas-7:50 nitong Martes ng umaga ay binaril at napatay ang negosyanteng si Romy Yu Li, 52-anyos, may-ari ng Emerald Republic Hardware Inc. at kasalukuyang naninirahan sa Barangay Taculing ng nabangit na siyudad. Dinikitan umano ng hindi pa nakikilalang salarin ang biktima sa harapan ng kanyang hardware store sa Barangay 12, Bacolod City at pinagbabaril ito.…
Read MoreNaghukay ng lagusan sa supermarket LAMAN NG GCASH MACHINE TINANGAY NG 6 KAWATAN
CAVITE – Tinutugis ng mga awtoridad ang anim na kalalakihan kabilang ang dalawang security guard ng isang kilalang supermarket, na nagsilbing look-out, makaraang sirain ang isang GCash machine na nasa loob nito at tinangay ang lamang pera, matapos dumaan sa hinukay na lagusan sa Imus City noong Lunes ng umaga. Kinilala ang dalawang suspek na umano’y security guard ng isang supermarket, na sina alyas “Jessie”, ng Bulilan, Maguindanao, at “Ramon”, ng Brgy. Navarro, Gen. Trias City, Cavite, kasama ang apat pang indibidwal. Ayon sa ulat, dakong alas-6:00 ng umaga noong…
Read MoreVILLANUEVA, ESTRADA IKINANTA SA FLOOD CONTROL PROJECTS
MATAPOS pangalanan ang ilang kongresista na umano’y sangkot sa kickback sa flood control projects sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee, dalawang senador naman ang idinawit sa pagdinig ng Kamara kahapon. Sa kanyang handwritten na salaysay na binasa sa House Committee on Public Works and Highways (Infra Committee), idiniin ni dating Bulacan First District Engineer Brice Ericson Hernandez sina Senador Jinggoy Estrada at Joel Villanueva na diumano’y tumanggap ng komisyon mula sa flood control projects sa Bulacan. Ayon kay Hernandez, ang mga pera ay mula sa kanyang dating boss na…
Read MoreFLOOD CONTROL PROJECTS TULOY PERO WALANG BUDGET SA 2026 – PBBM
INIHAYAG ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na walang bitbit ang 2026 national budget na mga bagong alokasyon para sa flood control projects. Sinabi ng Pangulo sa kanyang pinakabagong podcast episode na umere, araw ng Lunes na hindi pa nagagastos ang P350 billion na pondo mula 2025. Aniya, nakatakdang muling ipadala ng Department of Budget and Management at Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Kongreso ang revised budget proposal para sa 2026. “Number one, we already are seeing na lahat ng flood control project na dapat ilalagay sa…
Read More