Naghukay ng lagusan sa supermarket LAMAN NG GCASH MACHINE TINANGAY NG 6 KAWATAN

CAVITE – Tinutugis ng mga awtoridad ang anim na kalalakihan kabilang ang dalawang security guard ng isang kilalang supermarket, na nagsilbing look-out, makaraang sirain ang isang GCash machine na nasa loob nito at tinangay ang lamang pera, matapos dumaan sa hinukay na lagusan sa Imus City noong Lunes ng umaga.

Kinilala ang dalawang suspek na umano’y security guard ng isang supermarket, na sina alyas “Jessie”, ng Bulilan, Maguindanao, at “Ramon”, ng Brgy. Navarro, Gen. Trias City, Cavite, kasama ang apat pang indibidwal.

Ayon sa ulat, dakong alas-6:00 ng umaga noong Lunes nang natuklasan ang panloloob sa nasabing supermarket sa Brgy. Alapan 2-B, Imus City. Nagsilbing look-out umano ang dalawang guwardiya habang pumapasok ang apat na kalalakihan sa pamamagitan ng lagusan na kanilang hinukay patungo sa loob nito.

Nang nakapasok, sinira nila ang GCash machine at vault nito at tinangay ang ‘di ba nabatid na halaga ng laman nito, gayundin ang PNB ATM bagama’t hindi binanggit kung may nakuha.

Matapos nakuha ang pakay ay tumakas ang mga suspek sa ‘di nabatid na direksyon.

(SIGFRED ADSUARA)

151

Related posts

Leave a Comment