DISCAYA, NA-CONTEMPT NA SA WAKAS!

RAPIDO ni PATRICK TULFO SA wakas nga ay nakulong na sa Senado itong may ari ng kontrobersyal na construction companies na si Pacifico “Curlee” Discaya. Ito ay matapos irekomenda ni Sen. Erwin Tulfo, na i-cite in contempt nga itong si Discaya dahil sa pagsisinungaling. Magkakaiba kasi ang sinabi nitong si Discaya sa dahilan kung bakit wala ang kanyang asawa na si Cesarah Discaya. Una ay sinabi nitong may heart condition daw ang kanyang misis, taliwas sa ipinadalang sulat ng asawa niya na may meeting siya na ‘di pwedeng i-cancel. Nabuwisit…

Read More

PBBM KUMIKILOS NANG MABILIS VS KORAPSYON

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA BAKIT napakainit ng usapin ngayon tungkol sa flood control controversy — na ngayon ay naging dahilan ng kusang pagbibitiw sa puwesto ni Speaker Martin Romualdez. Hayan na, ang panawagan ng madlang bayan na totoo namang sobra na ang galit sa trilyong pisong pondo na kung maalaala, mismong si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang nagbulgar! Si PBBM sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ay ipinamukha sa mga mambabatas ang kanyang pagkadismaya sa natuklasang palpak, gumuguho at guni-guning flood control projects, at hanggang…

Read More

BABAHA NG PROTESTA

CLICKBAIT ni JO BARLIZO MARAMING ganap ngayong linggo. Aba, araw-araw na lang ata ay may nagaganap na umuuga sa katahimikan (sana) ng isipan ng madla. Mitsa talaga ang maanomalyang flood control projects. Ang pinakabagong ningas – pagpapalit ng liderato sa Kamara. Liderato ang nagpalit, hindi mga miyembro kaya dapat ituon ng mga mambabatas ang atensyon para sa interes ng mamamayan. Pero hindi solusyon sa mga problema, kahirapan at katiwalian ang pagpapalit ng mga lider. Kung hindi aayusin ang sirang sistema ay malamang mauuwi ito sa pagkabulok. Aba, bulok na nga…

Read More

WORD WAR! SANDRO VS. PULONG

TULUYANG sumiklab ang word war sa pagitan nina House Majority Leader Sandro Marcos, anak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte, anak ni dating pangulong Rodrigo Duterte. Unang umatake si Pulong matapos akusahan si Sandro na siya umanong pumili kay Isabela Rep. Faustino “Bojie” Dy III bilang kapalit ng nagbitiw na si dating Speaker Martin Romualdez. Aniya, “cover-up” lang ang pagpapalit ng liderato sa Kamara. Hindi nagpahuli ang batang Marcos na tumugon na: “Naku, baka style niya yun noong anak siya ng Pangulo. I…

Read More

Sa pagsibak kay Romualdez HIDWAAN LUMALALIM SA MARCOS ADMIN

LUMALALIM ang hidwaan sa loob ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa gitna ng matinding galit ng taumbayan sa mga katiwalian sa gobyerno tulad ng flood control projects. Ganito ang basa ni House Deputy Minority Leader at ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio kasunod ng pagpapalit ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kung saan pinalitan ni Isabela Rep. Faustino “Bojie” Dy III si Leyte Rep. Martin Romualdez bilang Speaker ng Kamara. “The supposed deliberations on whether Speaker Romualdez will stay, take a leave, or resign altogether is…

Read More

Tuloy ang martsa kahit nagbitiw si Romualdez GALIT SA MGA MANDARAMBONG ILABAS SA LUNETA

HUWAG magpaloko sa pagpapalit ng liderato sa Kamara! Ito ang mariing panawagan ng Makabayan bloc na binubuo nina Kabataan Rep. Renee Co, Gabriela Rep. Sarah Elago, at ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, kasabay ng kanilang presscon kahapon. Giit nila, hindi sapat ang pagbibitiw ni dating Speaker Martin Romualdez para masabing tapos na ang isyu ng katiwalian sa flood control projects. Dapat umanong ibuhos ng taumbayan ang kanilang galit sa Martsa ng Galit sa Luneta sa Setyembre 21, kasabay ng anibersaryo ng Martial Law. “Hangga’t hindi nawawasak ang sistemang korap sa…

Read More

ALCANTARA, CURLEE DISCAYA AT MENDOZA KULONG DIN SA SENADO

SAMA-SAMANG ikukulong sa Senate detention facility sina dating Bulacan District Engineer Henry Alcantara, Pacifico Curlee Discaya, at Engr. Jaypee Mendoza matapos silang ma-cite in contempt ng Senate Blue Ribbon Committee dahil sa pagsisinungaling, pag-iwas, at pagtatago ng impormasyon sa imbestigasyon ng maanomalyang flood control projects. Una nang nasabit si Discaya matapos sabihin na hindi nakadalo ang kanyang asawang si Sarah sa pagdinig dahil may sakit sa puso. Pero sumabog ang galit ng mga senador nang lumabas sa mismong sulat ni Sarah na ang tunay na dahilan ay may meeting siya…

Read More

TUMANGGAP NG P7-M SUHOL, HEPE NG HPG-SOD KINASUHAN

KASONG administratibo ang isinampa ng National Police Commission o Napolcom, sa dating hepe ng Highway Patrol Group – Special Operations Division (HPG-SOD) dahil sa umano’y pagtanggap ng P7 milyong suhol mula sa isang naarestong suspek. Kasong grave misconduct at conduct of unbecoming laban kay dating HPG-SOD chief, Police Col. Rommel Estolano ang isinampa ng Inspection Monitoring and Investigation Services o IMIS. Makaraang sampahan ng IMIS sa Napolcom legal affairs service, magtatalaga ang mga ito ng hearing officer sa kaso na siyang magpapatawag sa respondent. Sa isinagawang press briefing nitong Huwebes…

Read More

INFRA COMMITTEE SA KAMARA TIKLOP NA

KINUMPIRMA ni Deputy Speaker Janette Garin na tuluyan nang nag-fold ang Infrastructure Committee (InfraCom) ng Mababang Kapulungan na nag-imbestiga sa flood control anomalies, matapos mabuo ang Independent Commission on Infrastructure (ICI) sa ilalim ng EO 94 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. “Nag-usap-usap na ang mga lider ng Kamara at dahil nandiyan na yung ICI, the InfraCom has to fold. Kailangan na siguro itong tapusin. Yun ang direction,” pahayag ni Garin sa isang online interview. Ang InfraCom ay binuo sa pamamagitan ng resolusyon at pinagsamang tatlong House panels — Public Accounts,…

Read More